Chapter 6 (THE REST IS UNDER EDITING)

539 82 63
                                    



C H A P T E R - 6

K R I X T I A N I C O L E ' s
P O V

"Saan punta mo?"- tanong ko sa babaeng pabebe.

Tinaasan nya naman ako nang isang kilay at inirapan. Napansin ko naman yung katabi ko na kanina pa nag-aapoy sa inis. Sino pa ba? Edi si Jamie.

"Julie lang pinunta namin dito. Walang ikaw. So , ba't ka sasama samin?"-Jamie

Lumapit naman yung babae kay Julie at Kinausap nya. Tumingin samin si Julie saka tumango at lumapit samin.

"Guys, sige na...Sama nyo na si Marjorie. Wala rin kasi syang mapupuntahan eh. Saka friend ko rin naman sya"- Julie

"Ghe lang"-Jamie

Ngumiti naman nang nakakainis yung pabebeng babae at saka umirap.

Sa tono nang pananalita ni Jamie, Mukang di pa rin sya Convinced. Di nalang ako umimik. Pakikisama nalang din para wala silang masabi.

Nang natapos na sila mag-discuss kung anong mga gagawin namin, Nagpunta na sila sa mga bike nila. At yung babaeng harot..... nakiangkas kay Crush. Edi wow. Bahala sila sa buhay nila. Pupunta na sana ako kay Neithan kaso nga lang dun umangkas si Julie. Yieeee hahahahah.

"Sakin ka nalang."-Warren

"Umangkas....."-dugtong pa nya

At dahil sa wala akong choice, Sa kanya nalang ako umangkas. May sariling angkas na kasi sila Maelee saka sila Giselle eh kaya kay Warren na lang ako. Tss. Yung babaeng harot talaga eh. Kung makayakap akala mo linta. Bahala sila.

Nagsimula nang mag-paandar si warren. Mas mabilis kaysa kay Neithan kaya napakapit ako sa tiyan nya. Medyo nagulat naman sya pero di umimik. Medyo awkward na kaya magsalita na ko.

"Huminto ka sa 7eleven mamaya. "-ako

"Para saan?"- Warren

"Para sa supplies natin. Wala tayong ipapakain..... at wala na rin tayong kakainin"

"Hahahahah chill ka lang. "

"Pano naman ako mag-chi-chill kung tayo namomroblema sa mga bagay na dapat problema nila. "

"Sabagay. Gusto mo bumukod tayo??"

Bumukod?

"Saan naman tayo bubukod? Wala na ngang safe na place ngayon eh. "

"Sa bahay namin. May mga extrang supplies dun sa may kwarto na pwede nating gamitin. Humiwalay nalang tayo kasama yung kapatid mo"-Warren

May point sya. Kaso nga lang baka naman magtampo si Maelee. O kaya naman isama ko nalang sya?

"Sige. Pag-iisipan ko."

Di na sya sumagot kaya naman nagpasya ako na mag- masid nalang. Daig pa na-giyera dito eh. Okey pa kaya sila mama at papa? Saan kaya sila ngayon? Ghost town na tong lugar na to eh. Wala na ngang kuryente, wala pang natural na pag-kain.
Naisip ko na naman yung sinabi ni Warren kanina. Pano kung bumukod kami? Mas madali kaming makakagalaw kapag konti lang kami. Pero alangan namang iwanan ko sila Jamie at Maelee? Saka si Julie?

Bumuntong hininga ako. Hindi ko talaga inaasahang magtatagumpay sila---- i mean, Magagawa nila yun.

Napahinto ako sa pag-iisip. Ipinark ni Warren yung bike sa Gilid nang 7eleven. Huminto sila Giselle.

"Ano namang gagawin natin dyan!? Baka makagat pa tayo nang mga zombie dahil sa inyo eh!! Kung gusto nyo maging zombie, kayo nalang !! Wag nyo kaming idamay!!"- Yung babaeng harot sabay niyakap nya yung kamay nya kay Aaron.
No reaction lang si Aaron at parang okay lang sa kanya yung ganun.

Nagkatinginan kami nila Maelee at nang iba pa. Dahil sa sigaw nung babaeng harot samin, natawag tuloy yung atensyon nang mga infected na malapit samin. Great.

Hinayaan ko na sila dun. Binitbit ko na yung M14 na nakasabit sa likod nang Bike sa tabi ko at pumasok ako sa loob nang 7eleven. May mga ilang infected ding pakalat-kalat.
Dinukot ko yung maliit na kutsilyo ko na nakasuksok sa tagiliran ko.

Winasiwas ko ang kutsilyo na hawak ko para patumbahin lahat nang infected na nakaharang sa dadaanan ko. Ganun din yung ginawa ni Warren na nasa likod ko na pala.

Kinuha ko lahat nang mga pagkaing pwede pang pakinabangan. Kumuha ako nang cart at nilagay dun lahat nang nakuha ko. Kumuha rin si Warren nang kanya at Kumuha nang supply nang Wheat bread at mga meat sa may freezer. Sayang din kasi pag hindi nakuha. Mabubulok lang yun lalo na't walang kuryente. Okay pa naman yung meat kasi kagabi lang nawalan nang kuryente at mag-tatanghali palang ngayon. May lamig pa rin namang natitira sa freezer na kinalalagyan nang mga karne.

Tiningnan ko yung mga taong nasa labas nang 7eleven. Nandun sila lahat. Akala ko ba ayaw nila kumuha nang mga pagkain? Tss. Napansin ko si Aaron na masayang nakikipagtawanan sa babaeng harot. Baka naman ganun yung mga type nyang babae? Tss. Kung ganun nga, di sya nararapat sakin. Hindi kasi ako yung babaeng sweet, mabait, mahinhin, nakikisama sa mga lalaki at di rin ako mahilig magsalita lalo na pag di ako kausap. Kabaligtaran naman nyan yung ugali ko. Selosa, maldita, boyish, tahimik. At higit sa lahat.... Maangas ako. Nananapak ako nang pabebe eh, at konti nalang talaga promise! May masasampolan ako.

"You're okay?"-Warren

"Why?"

"You' look Jealous."-Warren na tinuro pa sila Aaron

"Ba't naman? Hahahahah. Bakla nga ata yun eh"

Ayan. Ayan ang talent ko. Tumawa kahit malungkot. Feeling ko nga yan yung version ko nang galit eh. At wag nyo nang itanong kung ano ang ikinagagalit ko.

Nang matapos na naming gawin ni Warren yung pagkuha nang makakain, lumabas na kami at sabay na naglakad. Walang pinapansin ni' isa man sa mga nasa labas. Ewan ko nga kay Warren eh. Nakikisabay sa trip ko? Okay lang . Masaya nga yun eh.

Naglakad nalang kami dahil malapit nalang yun sa school. Gumaya naman yung iba samin at naglakad nalang din. At rinig na rinig ko yung bunganga nung babaeng pabebe---ni Marjorie. Na-angal sya kasi di nasunod yung sinabi nya kanina na wag nang pumunta sa 7eleven.

Tumakbong pumunta samin si Jamie.

"Put* yung babaeng yun"- Jamie sabay tingin sa likod kung nasan nandun si Marjorie.

"Psh. Hayaan mo sya dyan"-Ako

"Onga pala, hihiwalay kami sa kanila."-dagdag ko

"Hihiwalay?"-Jamie

"Masyado na silang marami at mahihirapan na tayong kumuha nang pagkain dahil maraming papakainin. Kaya nagpasya kaming Hihiwalay nalang"-Ako

"Sama ako boi."- Jamie

Ngumiti ako at tumango.

Nang nasa may gate na kami, si Jamie na yung nagbukas dahil may dala kaming supplies.
Pagkabukas na pagkabukas nya nang pinto , bumungad samin ang mga nagsisigawang estudyante at mga infected na humahabol sa kanila. Shit! Wala bang nagsabi sa kanila na tumahimik para di sila habulin?

Tumakbo kami papasok at nakita namin lahat nang infected na tumatakbo papunta samin.

Sh*t!

Survivor Where stories live. Discover now