Chapter 5 (THE REST IS UNDER EDITING)

576 94 67
                                    


NICOLE'S POV

"Hoy ate, feeling prinsesa ka na naman. Bumangon bangon ka nga dyan. Nakakahiya ka, tulo pa laway mo oh."

Tumagilid ako bago dumilat.

Hmm?

Aga mang-gising ng kapatid ko e maaga pasok nya kesa sakin.

Hindi ko na sya pinansin pa at nag-tuloy nalang sa pag-tulog. Pero ilang minuto pa, may umuga uga sakin.

"Ano ba naman yan? Nakakahiya itsura mo ate. Bumangon ka na nga."

Inis ko syang tiningnan pero nahagip ng paningin ko sila Maelee na kasalukuyang nag-aalmusal ngayon.

"Bakit?" tanging nasabi ko.

Doon ko lang napansin na kumpleto silang lahat at lahat sila ay nag-tatakang nakatingin sakin.

"Bakit?" pag uulit ko.

"Anong bakit? Maagang maaga sila nagising para bumaba. Naghanap sila ng makakain." Ang abnoy kong kapatid ang sumagot.

"Oh?"

"Oh?" Sarkastikong paggaya nya. "Baka gusto mo mahiya? Kakain ka nalang. Kung ako sa kanila di na kita tinirhan dyan."

"Malamang. Patay gutom ka kaya imposibleng matirhan ako." inis na bulong ko at mukang hindi nya naman narinig.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Tinanguan at nginitian naman ako ng iba bago sila nag-patuloy sa pag-aalmusal. Katabi ko naman ang kapatid kong masamang masama ang tingin sakin.

"Ano ba problema mo?" naiinis na tanong ko sa kanya. Ramdam ko rin ang mga kilay kong unti-unting nagsasalubong.

"Wala ka bang pakiramdam?"

"Ano namang pakialam mo sa nararamdaman ko?"

"Bogak naman. Yung laway mo, nasa gilid ng bibig mo. Naamoy kita!"

Ha? Ano daw?

"Hahahahaha!"

Nahihiya kong tiningnan ang mga kasama naming nag-tatawanan at saka dahan dahang kinapa ang gilid ng labi ko.

Basa nga!

At lalong lumakas ang tawanan nila dahil dumagdag sila Ren , si Jamie at yung mga kaibigan ni Aaron.

Tss.

Bahala sila.

Pumunta na akong CR at nag-hilamos. Habang naghihilamos ako, pumasok na naman sa isip ko kung pano makakapunta kay Mr. Jacobs nang hindi nalalaman ng mga kasama ko.

Ayokong ipaalam sa kanila na kasama ako sa mga gumawa ng gamot para makatulong sa pag-bawas ng kaso ng sakit sa kasagsagan ng epidemya.

Gusto ko ring sumikat ang pangalan ko bilang isa sa mga bayani pero mas lamang ang takot ko na baka isa ako sa masisi nila sa huli, lalong lalo na sa nang-yayari ngayon.

Sana lang talaga walang kinalaman sa gamot tong nangyayari ngayon.

Nakaramdam naman ako ng kakaibang kaba dahil sa naisip.

Mabilis kong tinapos ang ginagawa at sumalo sa mga kaibigan ko para kumain. Nag-kekwentuhan sila pero hindi pa rin ako makasabay dahil marami pa ring iniisip.

Isa pa, Umiisip rin ako nang paraan kung paano kami makakakuha nang Pagkain at tubig. Kailangan namin nang mas marami dahil marami kaming kakain ngayon.

Natatakot din ako na baka isa samin ang mahawa sa sakit tapos mag hawa-hawa kami lahat.

Hindi pwedeng mang-yari iyon. Hindi ako pwedeng mahawa.

Survivor Место, где живут истории. Откройте их для себя