Chapter 34 - Savior

Start from the beginning
                                    

" Sa 4th floor nalang ako."- matapang na pag-peprisinta ko. Well, as you can see, mas gusto ko namang maging astig sa story na ito. Sawa na ako sa pag-giging dumbell so.... yeah! Ayon. Ang point lang talaga is Maka-gawa ako nang mabuti bago ako ma-teggy.
Kawawa naman ang ganda ko kung galit na nga sa akon halos lahat nang tao dito sa mundo, sa impyerno pa ang tungo ko?

Nang makarating na kami sa 3rd floor ay dumiretso na agad si Warren sa pasilyo, samantalang ako namam ay nag-patuloy lang sa pag-akyat hanggang sa makarating sa ika-apat na palapag.

So ayun na nga, pag-tapak na pag-tapak ko palang sa 4th floor ay parang gusto ko na agad na bumaba. Alam nyo na naman siguro na matatakitin ako, right?
Sobrang dilim kasi dito sa 4th floor at may-roon pang nakakakilabot na sound mula sa malayo.

Actually, nag-dadalwang isip na tuloy ako kung hahanapin ko pa ba si Nicole o babalik nalang ako sa 1st floor at mag-papasama kay Jamie? Or wag na lang. Halata naman din kasing naiinis si Jamie sa akin, dati pa iyan ganyan.

So ayun, hindi katagalan ay nag-pasiya nalang akong tumuloy tutal nandito na naman na ako. Inuna kong puntahan ang kaliwang parte kung saan may-roong nag-iisang liwanag na nag-mumula sa bandang dulo / sa pinaka-dulong kwarto.

Sa sobrang tahimik ay nag-eecho ang bawat yapak nang sapatos ko sa buong lugar. Hindi tulad nang nasa 2nd floor kanina, ang 4th floor ay masyadong madilim. Ang kapansin-pansin lang dito ang nag-iisang kwarto na may ilaw at iyon ang balak kong puntahan. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit. Basta't malakas ang loob ko na may-roong makakapag-satisfy nang curiosity ko sa kwarto na iyon.

Kahit natatakot man ay dahan-dahan kong iniikot ang door knob nang pinto. Sinalubong ako nang nag-lilieanag at tila nakaka-silaw na liwanag.

Paksh*t! Wala naman akong makita eh!

Sa sobrang liwanag ay masakit sa mata kung hindi ka pipikit. Wala naman siguro dito si Nicole, psh. Sino ba namang tao ang kakayaning ikulong sa ganitong kaliwanag na------

" Uhhhhhmmmpp!! "

Literal na napa-talon ako sa gulat nang marinig ko iyon galing sa loob nang room na kinatatayuan ko ngayon. Fvck! Baka naman kalaban iyon?!

Inalis ko ang taklob sa mata ko at humarap sa direksyong papunta sa pinag-mulan ko kanina upang tumakbo na sana papa-layo nang muli kong marinig ang tunog.

" Uhhhmmmpp !!! "

Hala?! Ano nang gagawin ko?! Baka si Nicole na iyon?! Eh pano naman pala kung hindi si Nicole iyon?! ACKKKKKKKKK!!! Bahala na!

Pikit- mata akong pumasok sa maliwanag na kwarto at hindi sinasadyang nadulas sa kung anumang punyetang naka-harang sa lapag.

" Aray!! "

A-ano tong nahawakan kong malambot?

" Uhmmmpp! Uhmmmpp! "

A-at b-bakit gumagalaw? Kyaaaaa! Baka kung ano na to! There's one way to find out.

" Nicole? Ikaw ba iyan? Sumagot ka nang maayos..?"- sa bawat bitaw nang salita ay lalong humihina ang boses ko dahil sa matinding takot at sa kaba. Ngayon ko lang talaga ni-risk ang buhay ko para lang sa mga ganitong bagay. At napaka-swerte naman ni Nicole at sa kanya ko pa ito ginawa kahit may galit ako sa kaniya noon.

" Hmm? "- sagot naman nong hawak kong gumagalaw. Hindi ko siya nakikita dahil nga naka-pikit ako at hindi makadilat dahil sa sobrang liwanag.

" Nicole? "- muling tanong ko. Naninigurado lang diba? Baka kung sino pa itong na tagpuan ko.

" Hmmm?! "- muling sagot nito. Baka si Nicole nga?

Kinapa ko siya sa bandang taas at tinanggal ko ang naka-piring sa kaniya.

" Pwa! Sino ka?!" - boses ni Nicole. Tama ako! Haha! Galing ko talaga! Biruin mo, sa dami naming nag-hahanap eh, ako pa ang nakakita kay Nicole? Ang galing ko talaga! Proud na proud talaga ako sakin!

" Si Marjorie ito. Tara na? "

" Ano?! Eh hindi mo pa nga tinatanggal itong naka-takip sa mata ko eh, at saka nakatali ang paa't kamay ko! Ba't ka nga pala nandito? Kasabwat ka , ano?! "- sunod-sunod na sigaw nito na may halo pang paratang. Tsk. Kaya minsan eh, ayokong maging mabait. Nag-mamabuting loob ka na nga, ikaw pa ang mali.

" Pwede bang tumahimik ka muna? Ililigtas ba kita kung kasabwat ako? Duh! " - sigaw ko hanag kinakalas ang tali niya sa kamay. Potekk. Ang higpit naman nito.

" So, ginawaga mo siguro ito para kay Aaron? "- tanong niya. Ngayon ay mahinahon na siya.

Pinag-patuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa matanggal ko na ang tali sa kanyang kamay. Isinunod ko namang simulang tanggalin ang tali niya sa paa. " Tungkol nga pala kay Aaron, gusto ko lang ibalita sayo na.... hindi ko alam kung buhay pa ba siya. "- i sign. "Hindi ko ito ginagawa para kay Aaron."

Hindi naman siya umimik pa. Huli kong kinapa ang takip sa kanyang mata , at kagaya nang sa akin kanina, nasilaw din siya.

" Bakit ang liwanag naman dito?! "- tanong niya na pa-sigaw. Maingay kasi ang kakaibang tunong galing sa kabilang dako nang floor na ito. Yung nakakatakot kanina? Kaya kadalasan ay sigawan ang usapan namin.

" Aba malay ko! Pwede tumahimik na muna?! Tara na!"- sigaw ko. Hinawakan ko naman ang isang kamay niya upang i-guide palabas nitong silid.

"Wow ha!? Ikaw ba talaga yan, Marjorie? "- medyo natatawa nitong pang-iinsulto.

Naka-labas na kami nang silid at naka-dilat na rin nang maayos. I look directly on her eyes.

" I'm not Marjorie. I'm your Savior."- saad ko bago ko siya nginitian at muling hinila papunta sa hagdan kung saan ako umakyat.


@Ms_Aquaphobia

--------

Survivor Where stories live. Discover now