"Nagulat lang ako, anong ginagawa mo dito? Saka di mo naman kailangan magdala niyan." Inayos niya ang buhok niya at humarap ulit sa'kin.

"Wala kang kotse diba? Since susunduin naman kita and wala pa kong breakfast, I decided na bumili nalang at puntahan ka, maaga pa naman." kinuha niya ang mga dala ko  naglakad papuntang dining area ata yun.

"Tara, baka gutom ka na." aya niya.

Nilabas ko ang dala kong pagkain at kita ko ang pagkagulat niya.

"Andami mo namang bibili, dalawa lang naman tayo." madami na ba ang pancakes, egg pandesal, chicken sandwich at hot choco para sa dalawang tao?

"Pwede naman nating ibigay kina Yeri kung di natin mauubos." sabi ko at nagsimula mang kumain.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain. Akala ko ba masyadong marami? Eh naubos nga lahat.

"I'll get ready muna Seul, ayos lang ba kung maghihintay ka?"

"Yeah, I'll wait nalang dun sa sofa." tumango naman siya at tinawag ang isa sa mga kasambahay nila.

"Manang Ester, pakiligpit nalang po yung mga pinagkainan namin, magreready lang po ako." sabi niya dun sa kasambahay nilang medyo may katandaan na rin.

"Sige iha, baka ma-late ka pa. Makakaabot pa yan kay sir."

"You can open the t.v if you want Seul para 'di ka ma-bored." sabi niya at umakyat na para maligo.

Pumunta ako sa living room nila nang biglang tawag si Taeyong.

"Oh, anong balita?"

"Boss, wag ka muna ma-stress. Chill ka lang muna diyan, wala pa namang ginagawang kagaguhan mga Kims."

"Sige, but watch them closely, baka binubulag lang kayo niyang mga yan."

"Sige boss, noted! Baka naiistorbo pa kita sa future asawa mo hahaha!"

"Gago, sige na." binaba ko na ang tawag nang makatanggap na naman ako ng tawag galing kay BoA.  Seriously?

"Yes BoA?"

"Kumusta Seulgi? Any news?"

"Ayos lang ako, pogi parin. Saka wag ka masyado kabahan, wala pa naman silang ginagawang kagaguhan."

"Yabang mo parin talaga, sige na, I'm just checking on you, baka masyado mong seryosohin yang babaeng yan."

"Trust me Boa, alam ko ang ginagawa ko. Sige na I have to go."

Binaba ko na ang tawag nang makita ko si Irene pababa ng hagdan.

"Let's go?" tanong niya.

"Tara na, we still have 40 minutes before our first class." lumabas na kami papunta sa kotse ko at binati naman siya ng guard kanina.

"Kuya, pag naunang dumating si Dad pakisabi nalang I have projects pa, baka kasi mag alala yung pag wala pa ko pag uwi niya." sabi ni Irene sa guard bago lumabas ng gate nila.

"Sige ma'am Irene, makakarating."

Pinagbuksan ko muna siya ng pinto bago ako dumiretso sa driver's seat.

I started driving, tahimik lang siya kaya I decided na magpatugtog. I connected my phone and played the songs of Filipino bands.

"Mahilig ka pala sa mga ganyan." tumingin ako sa kanya at ngumiti bago ibalik ang tingin ko sa daan.

"Yeah, nakakarealate din kasi ako minsan sa kanila." I replied.

"Why? Have you ever been in a relationship before?" ramdam ko na nakatingin parin siya sakin at naghihintay sa sagot ko.

"Yup, pero yun na yung first and last. I don't even know what is love anymore. Ayoko na rin, lahat kasi ng minamahal ko nawawala." hindi muna siya sumagot kaya tiningnan ko siya at nginitian.

"Sorry for asking." sabi niya at yumuko.

"Hey, don't be guilty. Ayos lang." nginitian ko siya at nagpatuloy lang sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa university.

Dumiretso na kami sa room at saktong pagdating namin ay dumating na si Prof.

Ah shit! Ito na naman tayo sa mga uod. Bakit kasi kailangan may picture pa? For pete's sake! Nakakadiri!

Dumaan ang ilang oras na ganun. Of course di ako nakikinig, wala naman akong planong magdoktor! Hindi naman ako tanga para gamutin lahat ng pinapatay ko.

Hanggang sa dumating ang last subject which is puro documentaries lang naman.

"Uhm Seul, I have to go na para mauwi ko na rin yung car ko." sabi ni Irene habang imaayos ang mga gamit niya. Tapos na pala.

"Sige, asan sina Yeri?"

"Nauna na, pupunta pa silang mall eh."

"Sige see you tomorrow." Inintay ko siyang makalayo bago tawagan si Jaehyun.

"Jaehyun, I need you guys to do something."

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now