꧁♠20꧂

549 40 0
                                    

(Previously)

Ngumiti sina Toni at Al pero nahalata ni Aser na ang mga ngiti ni Toni ay hindi totoo, para bang napilitan lang.

Nagsisimula na, pero nakita ni Aser na hindi pa nagsisimula si Al, tinitigan lang nito ng mabuti ang lolo at lola niya na may pataas kilay pa. Sa gawi naman ni Toni nagsimula na ito, may grid-grid pa siyang nalalaman. Noong tiningnan niya ulit si Al nagsisimula na itong puminta. Free hand iyong ginawa niya.

"Sa pagkakaalam ko, maganda ang labas ng naka grid kaysa sa free hand" She murmured.

Ilang oras na ang lumipas at malapit na silang matapos, hindi pala, mas malapit na palang matapos si Al kaysa kay Toni.

"The heck, naka grid naman si Toni pero medyo iba yung labas, kay Al naman naka free hand lang tapos ang ganda ng labas." Tumayo na si Aser at lumapit sa gawi ng dalawa, nakita niya na wala na sa mood ang lolo niya.

"May gana ka pang magalit diyan, 'lo eh ikaw yung nag papinta." Saad niya, tumingin ito sa kaniyang apo at hindi talaga maipinta ang mukha niya.

"Honey, natatae ako" He said. Napatigil naman si Toni sa paggawa niya at napatingin kay Don. Ang lola naman ni Aser binatok ang lolo niya at si Aser naman dito tatawa na. Nakita niya si Al pero mukhang hindi nito narinig ang sinabi ng lolo niya.

"Ladies, pwede bang mag banyo muna ako?" Tanong nito dito. Ngumiti naman si Toni sabay sabing "oo". At dahil nga hindi narinig ni Al iyon, siniko siya ni Aser.

"Ahh opo! Pwede po, tapos naman ako" Saad ni Al. Ngumiti siya at pinakita ang mani-obra niya.

"Magnifico!" Pumalakpak ang lolo ni Aser at dahil hindi na niya nakayanan pa, mabilis pa sa kidlat na tumakbo siya.

"Ang rumi mong tingnan" Ani ni Aser.

"Ganito talaga ako kapag nagpipinta."

Maraming pinta lang naman ang nasa mukha ni Al at iba't-ibang kulay pa, mukha siyang bata na hinahayaan lang.

Sa gawi naman ni Toni, malinis ang mukha niya pero ang gawa niya... medyo malinis.. naman.

"For real?" Saad ni Aser sa isip niya noong nakita niya ang pinta ni Toni. "Iba naman iyan sa mga pinta niya sa exhibit" Pailing-iling na saad ni Aser.

Tumayo na si Al at una nang lumabas, sumunod sa kaniya si Aser, naiwan naman doon si Toni. Palabas ang dalawa at sakto namang pumasok si Ace, nilagpasan lang nilang dalawa ang kanilang sarili.

"Nag-away kayo?" Takang tanong ni Aser, agad naman napailing si Al at humahalakhak.

"Hindi"

"Oh eh, bakit hindi kayo nag imikan?" Aser ask while her hands are on her pockets.

"Kailangan ba talaga? Wala akong pake sa kaniya no"

Tumawa nalang din si Aser.

"Mukhang nakita na niya ang kaniyang katapat" Sabi ni Aser sa kaniyang isipan.

Nag-tungo si Al sa loob ng kaniyang kwarto at hinanda na ang kaniyang sarili upang lumisan, doon lang naman kasi siya matutulog sa DTH. Isa lang ang dala niya kundi iyon ay ang sketchpad, para naman hindi siya mabobored doon. Hindi na siya nagdala ng kaniyang mga damit dahil mayroon naman daw siyang damit doon. Si Rance pinapasok niya din sa DTH, she can do whatever she wants since she's the vice president.

Noong lumabas na siya, nandoon naman si Aser sa labas dala-dala ang babae niyang anak sa bisig.

"Keep an eye on that human" Sabi ni Aser at tumango naman siya. Mabilis pa sa alas kwatro nakapasok na siya sa jeep na hinabilin ni Ace sa kaniya.

Death Threat IllusionWhere stories live. Discover now