꧁♠18꧂

497 38 0
                                    

(Previously)

Umupo ako sa sofa at nagpandekwatro. May gusto akong itanong sa kaniya pero magmumukha akong feeling close eh, ilang buwan pa naman kami magkakilala.

"Excited ka ba sa kasal mo?"

"Who wouldn't, right?" Tumingin siya sa akin at ngumiti. Pumula din ang mga mata niya, either, kilig o saya. "Sa totoo lang, hindi ko nakita ang sarili ko na magmahal, akalain mo iyon dahil lang sa pagkakamali ng isang doktor naka lablayf ako." Humahalakhak siya habang kinakalikot ang loob ng drawer. Tapos isa-isa niyang inilalabas ang mga gamit sa pag pinta. "Ang suwerte ko kay Zid, kasi kahit na nag ala-panget ako, minahal niya ako" Nakita kong ngumiti siya. "Eh ikaw? Nagmahal ka na ba?"

Ako?

"Kapag magmahal na ako, mukhang hindi na iyan si Al Spade" Wika ko habang ini-enspeksyon ang mga pintura. "Wala kasi iyan sa bokabolaryo ko"

"Tatamaan ka rin," Inayos na ni Aser ang kabinete at pinagpagan niya ang kaniyang sarili dahil sa mga alikabok na napunta sa kaniya.

"Hope not, magiging sagabal lang siya kung ganon" Wika ko at kinilatis ang mga laint brush. "Grabe naman to, pati paint brush gawa sa Obsidian."

"We have plenty of Obsidian, ma pa dito man o sa labas ng bansa."

"Magkano kaya ito?"

"Tinanong ko kay lola yan noon, sabi niya nasa higit isang daang libong piso"

I sweat dropped.

Potangna! Ang mahal tapos hindi pala gagamitin.

"Sayo na iyan lahat, ayoko ng paintbrush, gusto ko baril eh" Aniya at binuksan ang pintoan, hinintay na akong lumabas.

Nandito na lahat, canvas, brush, whatsoever. Yung kamay ko tuloy kumakati na. Kating-kati na puminta.

"Teka, pumasok ka ulit. Muntik ko nang makalimutan" Saad ni Aser, pumasok siya ulit at sinara ang pintoan. Pumunta siya sa ilalim ng kama at hinigit ang isang drawer. Kinuha niya ang isang laptop na may mamahaling logo. "Give me the flashdrive"

Muntik ko na ring makalimutan iyon ah. Mabilis pa sa alas kuwatro na hinanap ko iyon sa hoodie tapos nong wala sa jeans na tapos wala parin.

Hala potangna

"Al?" Hindi ko siya sinagot, kinuha ko nang mabilis ang pitaka ko at doon ko nakita ang flashdrive.

Punyetang flashdrive, pinahirapan pa ako.

"Isasaksak ko na" Sinaksak nga ni Aser ang flashdrive, ilang minuto kaming naghintay at voila! Tiningnan namin ang bawat folder.

asdsadssad.doc

Noong na open na, bigla kaming nagulat sa loob.

"What the fucking fuck." Natatawa niyang saad, tapos ako rin natatawa na. Ano ba tong na copy ko!

"So many pussy" Humahalakhak ako. "Namali ata ako sa pag copy and paste eh" Kinamot ko naman ang ulo ko.

"Nope, tama nga eh" Pinindot ni Aser ang folder ulit at nabigla ako.

"Tenebris..." Wika ko, napakuyom ang mga kamao, pero agad din iyong nawala dahil tungkol lamang iyon sa mga transactions nila at iba pa, ni isa walang tungkol sa mga Tenebris.

Nakaramdam ako ng pag-iba sa paligid. Agad akong napatitig sa aircon pero okay pa din naman, at bigla akong napatitig kay Aser.

"Tell me the truth," Oh shit. "Why are you acting?" Tinitigan niya ako ng mabuti, hindi naman pumula ang mata niya pero nakita ko ang seryoso dito.

Death Threat IllusionWhere stories live. Discover now