꧁♠41꧂

519 40 0
                                    

(Previously)

He changed Al's position so now she's laying her back, mouth still wide open. He then hugged her while drifting off to sleep.

Third Person's POV

The day of the gathering...

Al was wearing a white turtle neck shirt, navy blue pants and a black cardigan partnered with a converse. While Ace was simply wearing a gray shirt and some shorts also partnered with a nike.

Maaga silang pumunta sa mansion sapagkat tutulong sila sa pagpe-prepare. Sumama rin sa kanila ang dalawang abnoy na aso.

Ilang minuto lang at narating na nila ang paroroonan nila. Nag park muna si Ace  at lumabas na kaagad. Pumasok na sila sa loob at noong papaliko na sana sila papunta sa kusina may dalawang bubwit na nakasakay sa laruang sasakyan at nag drift sa harap nila. At dahil nga bubwit pa ito, natumba sila.

Both Ace and Al sweatdropped.

"Aghn." Saad noong isa habang akmang tatayo. Yung isa naman ay umiiyak habang nakadapa sa sahig.

"Ane.. Avie?" Salita ni Ace noong nakita niya ang dalawa niyang pamangkin sa sahig.

"Toey?" Hirit ni Ane na mukha bang hindi nanggaling sa pag-iyak. Tumingin siya sa gawi ni Al at nagsalita. "Taal!!!" Pagkasabi niya doon tumayo na siya at lumapit sa kanilang dalawa.

"Hiiii!" Giit ni Al habang kinukurot ang pisngi ni Ane.

Tumingin naman sa gawi ni Avie si Al at nakita niya itong nakaupo sa sahig at tumitingin sa kanila. Lumapit si Ace doon at pinatayo niya ito at pinagpagan ang damit niyang nadumihan.

Agad namang tumakbo si Avie sa sasakyan at siya ang nag manebela, nag-away pa nga sila ng kambal niya dahil gusto ni Ane na siya ang magmaneho. Dahil wala naman ring magawa si Ane, sumakay nalang siya.

Nagtinginan sina Ace at Al at tumawa.

"Ang bilis nilang lumaki no?" Wika ni Al habang sinusundan ng tingin ang kambal. "Ilang taon na nga sila ulit?"

"2 years and 4 months" Ace responded.

Tumingin si Ace sa kusina at nakita niya itong maraming ingredients ang nasa lamesa, pero ni isang tao wala.

"Baka nandoon sila sa labas." Saad niya kay Al na ang dahilan sa pagngiti nito.

Ang tinutukoy ni Ace na labas ay ang malaking lawn sa likod ng kusina nila. Dahil marami kasi ang pupunta ngayon sa gathering doon sila nagluluto sa malalaking kaha. Their kitchen is good for small events. At doon nakita nila ang mga kasambahay pati ang ermats, erpats at ang dalawang kapatid niya na naghahalo na ng mga ititimpla sa niluluto nila. Pawis na pawis nga ang ilan sa kanila.

Sa kaliwa ng lawn ay ang malaking dining table. Nandoon sina Elzid at Aser at nilalagyan ng malalaking hapin ang lamesa.

"Piiittt piiiitt." Hirit ni Ane noong papalapit sila sa gawi ng kanilang ina. Siya muna ang taga pito sapagkat busy si Avie sa pagmamaneho. "PIIIPIIITTTT! PIIIPIIITTT!! MAHMAAH PIIIPIIIT!!" Narinig iyon ni Aser at umiwas siya at ayun nabangga ang kambal sa mababa at mayabong na halaman. Hindi niya man sana gustohing umiwas pero baka mabangga pa ang anak niya sa kanya na may matigas na binti kaya mas napagtanto niya na sa mayabong halaman nalang total, wala namang tinik-tinik yon.

"That's for second round." Tawa ni Al habang lumalapit sa gawi nila Aser at Elzid.

Agad namang lumapit si Aser at Elzid sa anak nila at tinulungan nila itong makatayo. Pinagpagan nila ang dalawa at sinermonan.

"Avie.. Ane?" Seryosong saad ni Aser. Pumula ang mata ni Aser at tumingin rin naman pabalik ang dalawa sa kanyang pulang mga mata.

"Mwihi." Bungisngis ni Ane habang nangungulangot.

Death Threat IllusionWhere stories live. Discover now