Chapter 13 - Chaos At Foundation Day

11 0 0
                                    

-- Xoi --

Pumutok ang issue sa lovebeat tungkol sa pagiging kicker ko sa room. Pinost ito ng isang facebook user na nagngangalang Clone LB sa group. May mangilan-ngilan na nagtatanggol sa akin dahil tama lang daw ang ginawa ko pero may mangilan-ngilan din na binash ako. Nakatanggap din ako ng mga malulutong na mura mula sa mga bashers ko.

Cancer talaga yang mga bashers na yan. Kinain ng sistema ng laro.

Hindi na lang namin pinansin ang issue kasi sabi ng mga kafam namin ay kulang daw sa aruga yung nag-post. Sumang-ayon ako dahil totoo naman at isa pa, para hindi na humaba pa ang issue. Hinayaan na lang namin sila dahil magsasawa yang mga bashers na yan sa kaka-comment ng mga walang kwentang bagay. Ang gagawin na lang namin ay kakausapin ang CM ng Optional fam about sa issue.

4th week of September. Today is the Foundation Day of Ayesha University. I can't wait to see Ariesa in person. I'm totally excited today. Ilang araw kaming hindi nagchat sa facebook at magkasamang maglaro ng lovebeat. Kaya pala tinapos namin ang LS4, LS5 at LS6 dahil magiging busy na siya sa school.

I understand her kasi requirements nila yan para sa grade.

Nan'dito ako sa Ayesha University kasama si Zac. Pinakita ko ang ID ko sa guard at nakilala ako bilang isa sa mga anak ng may-ari ng university kaya pinapasok kami ni Zac ng mga guards sa loob. Sabi ni Ariesa sa akin sa chat, malapit lang ang booth niya sa marriage booth. Hindi niya binanggit sa akin kung anong pangalan ng booth niya.

I wonder kung saang booth siya nakapwesto. Sa dami ng booths dito, mahahanap ko pa kaya si Ariesa? I need a map ng Ayesha University para makita ko kaagad si Ariesa kaso walang map na binibigay sa mga estudyante.

Humiwalay sa akin si Zac dahil nakita niya ang dalawa niyang kabanda na sina Dylan at Dale. Sumama muna siya sa kanila para makipagbonding samantalang ako ay mag-isang naglakad at nilibot ang mga booth.

Marami ako nakitang magagandang booths dito. Hindi ko nga lang mahanap ang kay Ariesa. Basta. Ang sinabi niya ay malapit lang siya sa marriage booth. Hindi ko pa natatanaw ang marriage booth dahil sa dami ng mga booths na nakapaligid dito.

"Hulihin ang mga single!!!" Dinig kong sabi ng announcer mula sa Jail Booth.

Ano? Hulihin ang mga single? Lintik! Single pala ako! Lagot!

Dinig ko ang sigawan ng mga estudyanteng nagtatakbuhan palayo sa mga booths except sa mga couples. They enjoying to watch so many single student running away at the booth. Ang iba sa kanila ay pinagtatawanan at sinabing "Ayan! HAHAHAHA! Magjowa na kasi kayo." 

Magkakaroon din ako nyan Kuya. Maghintay ka lang.

Tumakbo na rin ako palayo sa mga booths at naghanap ng babaeng magiging pretend couple ko. Baka mahuli din ako ng mga taga-Jail booth kapag hindi ako nakahanap.

Maraming single ang hinuli at inilagay sa Jail booth kaso nakapagbayadf na sila ng pampiyansa kaya nakalabas kaagad sila. Isa ako sa mga hinuli  at inilagay sa Jail booth. Kinapa ko ang bulsa ko at... Nakup! Pinahawak ko nga pala kay Zac ang bag ko kanina bago kami pumasok sa Ayesha University. Nan'doon ang wallet ko. Nakalimutan kong kunin sa kanya kanina bago ako humiwalay sa kanya. Pati ang cellphone ko. Nan'doon din sa bag ko.

Kainis! Kung kailan pa na nasa Jail booth ako saka ko pa naisip ang wallet at cellphone ko. Ang tanga ko talaga!

I guess wala talaga akong choice.

Namalagi ako sa Jail booth dahil wala akong pampiyansa para makaalis ako. Hindi ko rin matawagan si Zac para tulungan akong makaalis dito.

Nakakabagot sa loob ng Jail booth.

Lovebeat Gamers Love Story (On-Going Series) #Wattys 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon