Chapter 4 - Refuse

37 1 0
                                    

-- Xoi --

Isang linggo ang lumipas mula noong humupa ang issue tungkol sa akin.

Hindi ako naglaro ng lovebeat sa loob ng isang linggo para hindi ako pag-usapan ng mga players. Kumbaga, umiiwas ako para tuluyang humupa ang issue. Hanggang facebook lang ako at chat sa mga kafam ko sa El Magnifico. Ka-chat ko din si Kyla at sa facebook lang kami nagkukulitan. Plus, kasama ko palagi si Zac at mga kaklase namin para makapag-bonding. It did work. Ang laman ng issue ngayon is about poser facebook users and hiding pictures with their cartoon and anime characters.

Buti na lang at mismong sarili ko ang profile picture ko kaso naka-negative. Out sana ako sa topic na yan. Ang kaso, dummy account itong facebook na gamit ko. Xoi LB is my dummy account. My real account name in facebook is Xavier O. Illustre. Ang friends ko lang na naglalaro ng LB is only Zac, Nate and Elly.

Kahit dummy facebook account gamit ko, at least picture ko gamit ko. Hindi tulad ng iba na kumukuha pa sa ibang user ang picture para gawin nilang profile picture. Ang iba ay ginagamit para makapangbash at ang iba ay real facebook account nila kaso cartoon at anime characters.

I check my message icon on my facebook at nakita kong nag-pm si Kyla sa akin. Niyaya niya akong makipaglaro ng lovebeat kaso nasa school ako ngayon kaya sinabi ko kay Kyla sa chat na hindi ako makakalaro. Sinabi ko rin kay Kyla na mamayang hapon na kami maglaro. Nag-logout na ako sa facebook pagkatapos ay nakinig ako sa discussion. Buti na lang at di nakatingin si Zac sa cellphone ko kaya hindi niya malalaman na magkakaroon ako ng FC sa lovebeat.

Sayang. Kung kailan offline ako sa lovebeat saka naman online si Kyla.

Nakakainis! Pinaglalaruan kami ng tadhana!

******************************************************************************************

Sumapit ang hapon ay lumabas na kami ni Zac dahil wala na kaming klase. Pumunta kami ni Zac sa computer shop para maglaro ng lovebeat.

Nag-login ako sa lovebeat at nakita kong kaunti lang online sa fam namin. Sina Blue at Tiffany lang. Magiging apat na kami kapag nag-online kami ni Zac sa lovebeat. Busy kasi ang iba sa kanila. Yung iba ay nasa work at yung iba ay nasa school.

Si Tiffany ay isa sa mga officer ng fam katulad ko. Hindi ko nabanggit sa inyo kasi offline siya noon. Bale apat kaming officers sa fam. Ako, Si Blue, Si Tiffany at Si Ate Sunstone. 

[ Tiffany ] : Yow! Xoi!

[ Blue ] : Na-miss ka namin. Ang tagal mong nawala.

[ Xoi ] : Oo. Hinintay ko lang humupa ang issue bago ako ulit nakapaglaro.

[ Tiffany ] : Good for you Xoi. And we glad you're back.

[ Zac ] : Alam nyo bang si Xoi? May bago yan?

[ Blue ] : Woahh!!

[ Tiffany ] : Wee?! Sino?!

[ Zac ] : Ka-fam natin siya. Babae.

[ Blue ] : Pakilala mo sa amin Xoi.

[ Xoi ] : Later. Makikilala nyo siya.

Nagsama kaming apat sa isang room at naglaro kami ng team survival. Nagtrashtalk-an kami sa isa't isa na part ng bonding namin habang naglalaro. Minsan nananalo kami at natatalo.

I wait for Kyla in a minute. Nakakailang game na kami sa team survival ay wala pa rin siya hanggang sa nag-logout sina Blue at Tiffany ay wala pa rin siya. Excited pa naman sila na makilala si Kyla kaso nag-out na sila. Sayang.

Si Zac ay naglalaro ng team survival sa ibang room. Ako naman ay nasa room pa at hindi pa ako umaalis. Nag-alt tab ako saglit at pumunta sa facebook ko. Clinick ko ang chat icon. Hindi pa rin online si Kyla hanggang ngayon. Usapan namin kanina ay hapon. Ano na kaya ang nangyari kay Kyla? Ang tagal naman niya.

Lumipas ang 30 minutes ay nag-out na si Zac at nauna na rin siyang umalis sa computer shop. Ako na lang ang naiwang online sa fam. Nan'doon pa rin ako sa room. Waiting for Kyla. Pagkaalis ni Zac sa computer shop ay biglang nag-pop up ang message icon ng facebook ko. It's Kyla. Nagpm na siya finally. 2 hours ko siyang hinintay.

"Kuya Xoi. Online ka ba sa LB?" - Kyla

"Oo. Kanina pa kita hinihintay." - Xoi

"Sorry Kuya Xoi at pinaghintay kita. Pinagawa pa kami ng teacher namin ng seatwork. Natagalan ako kaya ngayon lang ako nakapag-online." - Kyla

I don't know kung tatanggapin ko ang explanation niya o hindi. Kung study-related pala ay okay lang at least, valid ang kanyang explanation.

Nag-online si Kyla sa lovebeat kaya binuksan ko ang room ko. I'm ready dahil magiging friendly couple na kami. Siya na lang ang kulang.

Dumating na rin si Kyla sa room at nagchat kaming dalawa. Sinabi ko sa kanya na ipapakilala ko siya sa mga kafam namin. Nalungkot si Kyla kasi hindi niya makikilala ang kafam namin. Tulad nina Blue at Tiffany ay excited na rin siya.

[ Xoi ] : Kyla. Mag-FC na tayo. 

Hindi sumagot si Kyla at clinick ko ang kanyang IGN and send couple request. Matagal-tagal bago niya i-click ang request ko. Nanlumo ako sa biglang pag-appear sa screen ng computer.

She is refuse to be your couple.

Ang sakit. Naghintay ako eh. Ito na yung hinihintay ko. Pinaghandaan ko ang araw na ito na maging FC kami. Anong nangyari? Ayaw niyang makipag-Fc sa akin.

[ Kyla ] : I'm sorry Kuya Xoi.

[ Xoi ] : Bakit Kyla? Bakit ayaw mo?!

[ Kyla ] : Because I'm taken by someone.

Ouch! Ang sakit talaga! Umasa ako na magiging FC ko siya! Argh!! This is can't be happening!

[ Kyla ] : Sana maintindihan mo balang araw. And pakisabi kay CM moon na thank you sa pagsali sa akin sa fam nyo. Aalis na ako. 

Pagkatapos magpaliwanag ni Kyla ay umalis na siya ng fam at umalis na rin siya ng room. Tulad ni Elly ay iniwan din ako ni Kyla.

ISA AKONG MALAKING TANGA! SHIT LANG! UMASA AKO SA WALA!

Nasayang lang ang effort ko sa pagbili ng steam wallet cash para sa amin ni Kyla. I'm useless and worthless! Sa lahat pa ng makakaramdam nito, bakit ako pa?!!

Maybe it's because na bin-reak ko si Zilarie kaya nagdudusa ako. No. No. Scratch that. Maybe ay taken na si Kyla by someone. 

Ang sakit pala talagang umasa. Sana na lang pala hindi na lang ako umasa. Para sa huli ay hindi ako masasaktan.

Lovebeat Gamers Love Story (On-Going Series) #Wattys 2019Where stories live. Discover now