Prologue : Break-up

132 1 1
                                    

-- Xoi --

"Xoi." Huminga ng malalim si Elly. "Let's break up." Durog na pusong sabi ni Elly.  Ang first girlfriend ko sa lovebeat at real life couple ko. It can't be! Mahal niya ako at hindi niya ako iiwan.

Nasa St. Charles Resort kami ng mga oras na iyon. Summer vacation na namin at nagtapos na ang school year sa St. Charles University. Naroroon kami sa beach at magkasama kaming dalawa. Hindi ko akalaing dito siya maghahanap ng tiyempo para makipaghiwalay sa akin.

"Why Elly?" Tumulo ang luha ko. Feeling ko masasaktan ako kapag nakipaghiwalay siya sa akin. "Why are you breaking up with me? Hindi pa ba ako sapat para ako lang ang mahalin mo? Bakit mo ako sinasaktan Elly?!!" Sigaw ko sa huling salitang sinabi ko. Yumuko si Elly. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya makikipagbreak sa akin. Okay naman ang relationship status nain. Minsan magkaaway kami at minsan magkabati kami. Kumbaga balance. On all of a sudden, bakit niya ako iiwan sa ere?

Marami akong gustong sabihin sa kanya kaso umurong ang dila ko. Hindi ako makasagot dahil biglaan.

"You are a good person to me. Our relationship is good and balance but..." biglang pumiyok ang pananalita ni Elly. "....I'm in love with another man."

Lumuhod ako sa harapan niya. Gagawin ko ang lahat para hindi siya makipaghiwalay sa akin. "Elly! Wag mo akong saktan!" Pagmamakaawa ko. "Please! I'm begging you! Stay with me! Mahal mo ako di ba? Di ba sabi mo dati ako lang? Ako lang ang mamahalin mo? Please Elly. Wag mo akong iwan!" Niyakap ko ng mahigpit ang baywang ni Elly. Patuloy kaming umiiyak sa isa't isa.

Tumingin si Elly sa akin habang nakayakap pa rin ako sa baywang niya at nakaluhod sa kanya. Ang mas masaklap pa ay sinabi niya ang mga salitang nagpadurog sa aking puso. "I'm sorry Xoi. I can't do this pero wala akong choice. Let's break up."

Kinalas ni Elly ang mga braso ko mula sa pagkakayakap ko sa baywang niya at tumakbo papalayo sa akin. Iniwan niya akong luhaan. Wala akong kalaban-laban. Double kill, triple kill, penta kill ang sakit na nararamdaman ko. Sobrang mahal ko si Elly at halos wala akong itinira para sa sarili ko tapos mauuwi lang sa break-up.

I promiseto myself. Paglalaruan ko lahat ang mga babaeng magiging couple ko sa Lovebeat. Sasaktan ko sila tulad ng pananakit na ginawa sa akin ni Elly. 

I'm Xavier Ocampo Illustre, "Xoi" for short. A playboy and a heartbreaker. This is my story of Lovebeat gaming life.

Lovebeat Gamers Love Story (On-Going Series) #Wattys 2019Where stories live. Discover now