Chapter 17 - Wrong Person

11 0 0
                                    

-- Xoi --

Panay review ako ng mga notes ko at paglalaro ng lovebeat steam sa loob ng 3 araw. Malapit na kasi ang final exam kaya kailangan kong basahin ang mga notes ko sa previous lesson ko para may maisagot ako kapag nagtake ako ng final exam. Same as Zac, nami-miss ko na siya kasi 3 araw din kaming hindi nag-cha-chat sa facebook pero kailangan niyang unahin ang kanyang pag-aaral. Ako muna ang gumagamit ng account niya sa lovebeat para makumpleto ko ang daily challenger event niya. Nag-pa-free win ako sa account niya dahil iyon ang bilin niya sa akin. Kahit wala daw siya sa rankings at least, kumpleto naman siya sa daily challenger.

Nan'dito ako ngayon sa kwarto ko at tinatapos ang daily challenger ni Zac. Last turn ko na at pagkatapos ay papatayin ko na ang aking laptop.

Ilang sandali pa'y tapos na akong maglaro ng lovebeat kaya pinatay ko ang aking laptop. Inilabas ko ang aking mga notes para mag-review. Habang nag-rereview ako ay biglang pumasok si ate sa kwarto ko at walang sabi-sabi na kinuha ang aking laptop, Nagulat ako kung bakit niya kinuha ang laptop ko. What is the meaning of this?

"Ate Xandra. Saan mo dadalhin ang laptop ko?" Sabi ko na akmang kukunin ko ang aking laptop kaso inilayo ni ate sa akin. Imbes na sumagot si ate ay ibinigay niya sa akin ang isang nakatuping papel.

"Basahin mo Xoi. Tapos isabit mo sa filler ng cattleya notebook mo. Akin muna itong laptop mo." Sabi niya sabay nag-winked. "Review well. Little Bro."

Wala akong nagawa kaya tumango na lang ako pagkatapos ay lumabas ng kwarto si Ate Xandra. Tinignan ko ang nakatuping papel. Hindi ako nagdalawang-isip na bukaltin ito at basahin ang nilalaman ng sulat.

 Hindi ako nagdalawang-isip na bukaltin ito at basahin ang nilalaman ng sulat

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Napalunok ako. Kaya pala kinuha ni Ate Xandra ang laptop ko. Utos pala iyon ni Daddy.

Nag-buntong hininga ako. Paano na ang challenger event sa lovebeat? Sigurado akong malalagasan ako ng 7 stars kapag hindi ako nakapaglaro. Hindi na rin ako makakakuha ng special reward sa challenger.

Think! Xoi! Think! Para sa challenger event.

Bubuksan ko sana ang dummy facebook account ko nang biglang namatay ang cellphone ko. Doon ko lang napagtanto na empty battery na ang cellphone ko.

Muli akong nag-buntong hininga. I guess I have no choice. Mag-rereview na lang talaga ako. Saka ko na lang i-cha-chat si Ariesa kapag full battery na ang cellphone ko.

*********************************************************************************

Nan'dito kami ni Zac sa St. Charles University. Kasalukuyan kaming nagkukwntuhan habang papunta kami sa room namin para magtake ng final exam sa biology subject namin. Nagkamustahan na rin kaming dalawa ni Zac at nanlumo ako nang banggitin niya ang tungkol sa account niya sa lovebeat. Humingi ako ng tawad kay Zac dahil hindi ko magagamit ang account niya para matapos ko ang daily challenger niya. Sabi niya sa akin ay okay lang at magrerent na lang siya sa computer shop.

Lovebeat Gamers Love Story (On-Going Series) #Wattys 2019Onde histórias criam vida. Descubra agora