Chapter 1 - All About Xoi

91 1 0
                                    

-- Xoi --

3 months later since nakipagbreak sa akin si Elly.

Nan'dito ako sa St. Charles Resort na pag-aari ng pamilya ko. Wala akong pasok sa St. Charles University kaya nagpapahangin ako sa beach. Dito sa lugar na ito, dito ako iniwan ni Elly. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na kami talaga ni Elly. Mas masakit pa rin hanggang ngayon ang nangyari sa akin.

Kumuha ako ng flag wood stick at gumuhit ako ng buhangin. Ginuhit ko ang puso at nilagyan ko ng pangalan namin. Sa akin ang left side at kay Elly ang right side. Napangiti ako. Ito yung ginawa ko noong kami pa ni Elly. Natuwa si Elly noon kaya niyakap ko siya at sinabi ko sa kanya noon na mahal na mahal ko siya kaso ang nangyari, iniwan niya ako.

Sa gitna ng puso ay nilagyan ko ng curve na guhit kaya wasak na puso ang kinalabasan. Pumatak ang luha ko nang matapos akong gumuhit. F*ck! Binato ko ang flag wood stick patungo sa kabilang direksyon. Napasigaw ako. Isinigaw ko lahat ng mga hinanakit ko kay Elly tapos umiyak ako ng umiyak. Halos mapaos na ang boses ko kakasigaw pero wala akong pakialam basta't mailabas ko lahat ang hinanakit ko. 

Ganito pala ang feeling ng masaktan. It will make you suffer because of love. Lalo na't sobrang mahal mo yung tao.

I'm Xavier O. Illustre, 19 yrs old. In real me, Xavier ang tawag nila sa akin. Messy ang chocolate brown na buhok, green eyes, matangos ang ilong, fair complexion of skin, 5'8 ang height at malusog ang pangangatawan. 1st year college ako sa St. Charles University sa kursong Bachelor of Science in Information Technology major in Computer Technology. Dito rin ako nag-aaral ng Senior High School kaya no wonder ay dito rin ako nag-aaral ng College. 

Bukod sa St. Charles Resort ay pag-aari din ng pamilya ko ang St. Charles University. Mga magulang ko ang namamahala ngayon since si Lolo ay matanda na at nagkakasakit na.  Alexander Charles ang pangalan ng daddy ko at Cassandra ang pangalan ng mommy ko. Si daddy ang nag-aasikaso sa St. Charles Resort while si mommy sa St. Charles University. May tatlo akong kapatid at ako ang bunso sa magkakapatid. Ako din ang iisang lalaki sa magkakapatid. Strict ang mga parents sa aming magkakapatid. Lalo na sa akin.

Sa lovebeat, Xoi ang aking in game name kaya Xoi ang tawag sa akin ng mga kalaro ko sa lovebeat.

Umalis na ako sa beach at pumuntang shower room para maligo at makalipas ang ilang sandali ay pumasok na ako sa bahay para magpalit ng damit. Nan'dito ang bahay namin sa resort kaya anytime ay pwede kang magswimming kung gugustuhin mo.

Pagkatapos kong magpalit ay inilabas ko ang laptop ko at binuksan para makapaglaro ng lovebeat. Dito lang sa bahay na ito pwedeng gamitin ang laptop ko at hindi pwede sa school dahil bilin sa akin nina mommy at daddy. Kasi kapag dinala ko sa school ay sermon ang abot ko sa kanila kaya minsan ay nagrerent ako sa computer shop para makapaglaro ng lovebeat.

Inopen ko ang steam account ko. Sa steam kasi, maraming games kang pagpipilian pero lovebeat lang ang nilalaro ko. 

Inopen ko din ang lovebeat steam at pagkapunta ko sa lobby ay nag-stamp ako ng attendance para sa perfect attendance reward for the whole month. Nagcheck din ako ng attendance sa fam na sinalihan ko. Ka-fam ko dito si Elly kaya hinalungkat ko lahat ang mga officers at members dito sa fam. Mapaonline at offline. Nakita kong walang Elly dito sa fam. Umalis siya ng fam dahil sa akin.

I check her personal information at nabasa ko ang "I'm in love with another man." and Quit LB." Umiyak ako. Hindi lang pala siya umalis ng fam, nag-quit din siya. Nasaktan ako dahil sa ginawa ni Elly. Ako pa ang dahilan niya ng pag-quit niya sa LB.

Lovebeat Gamers Love Story (On-Going Series) #Wattys 2019Where stories live. Discover now