Chapter 10 - A Video Clip From Blue

16 0 0
                                    

-- Xoi --

Kinabukasan, sa group chat ng ELM.

In-upload ni Blue ang kanyang video clip gaya ng sinabi niya kahapon. Pinapanood ng mga kasali sa group chat ng ELM ang naturang video. Maraming nag-angry react at sad react dahil sa nakita nila sa video.

"Sino yung nasuntok at sumuntok?" - Shiellie

"Grabe naman yan." - Ivory

"Si Xoi ang nasuntok at si Yukino ang sumuntok." - Blue

"Napakawalang puso ng Yukino na yan." - Kaze

"Kawawa naman si Xoi. Alam naman nating hindi niya deserve yung nangyayari sa kanya." - Ivory

"Yeah. Hindi nila alam na may pinagdadaanan si Xoi." - Kaze

"I felt sad for Xoi. Sana karmahin yung nambugbog." - Shiellie

"Guys. Sa mga bagong pasok lang sa ELM. Makinig kayo sa sasabihin ko. Si Yukino ay former member ng ELM. May issue siyang kinasasangkutan noon kaya siya na-kick sa fam." - Blue

"Teka. May fam ba siya ngayon?" - Shiellie

"Yeah. Envious ang fam niya. Gusto kong i-pm ang cm nila about sa nangyari kay Xoi." - Blue

"I-pm mo na at baka katulad ni Xoi ay may mabiktima pa siya." - Kaze

"Sige." - Blue

Huminga ako ng malalim at nagsimula akong magtype ng mga sasabihin ko sa GC about sa nangyari sa akin at pagkatapos ay sinend ko na sa kanila.

"Listen ELM. Maging aware kayo sa mga susunod na mangyayari. Malaki ang galit ni Yukino sa El Magnifico. Sa fam natin. Si Blue. Kamuntik na siyang tumama sa pader dahil sa pagkakatulak sa kanya ni Yukino. Guys. Kahit anong mangyari, sama-sama pa rin tayo because we are ELM. We are one in a big happy family. Walang aalis sa fam na ito kung kinakailangan dahil mahal na mahal ko kayo." - Xoi

"Noted." - Ivory

"Noted." - Kaze

"Noted. Napamahal na sa akin ang fam na 'to kahit ilang buwan pa lang ako nandito." - Shiellie

Ivory, Kaze and me heart reacted to Shiellie's Chat. Nakakataba ng puso. Nakakaoverwhelm. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako tumagal dito sa ELM. Kasi lahat sila tanggap kung ano ka, marunong silang makisama, mababait at higit sa lahat ay kapag may problema ka ay dadamayan ka nila.

Pinost ni Blue sa lovebeat confession freedom wall ang kinunan niyang video sa Mediatrix University. Iyan yung sinuntok ako ni Yukino pero tinakpan niya ang pagmumukha namin at ni Zac para hindi kami makilala, Sa kaloob-looban namin, alam namin na kami nina Yukino at Zac yan. Pinost yan ni Blue para hindi pagkatuwaan ang mga nangyari sa video kungdi para magbigay babala sa mga ganyang insidente sa lahat ng mga lovebeat players na nandidito sa group.

Umulan ng pagsuporta sa post ni Blue. Iyong iba ay tinawanan lang at may sinamahan pang mga comment na bad words. Ang iba ay masaya pa dahil nakapanood sila ng suntukan. Kulang na lang popcorn para masatisfied sa panonood. Ang mga masaya at tumatawa na yan habang pinapanood ang video, halatang mga gaming is life. Isa pa, tago lang sila sa dummy account.

Nabasa ko ang mga support comments sa video. May mangilan-ngilan na naaawa sa akin dahil sa nangyhari. Sabi pa ng iba sa komento. Masyado na nagiging personal ang issue sa pagitan ng dalawang player na yan. Kung laro lang, laro lang. Walang personalan.

Nabasa ko naman ang mga fear comments ng ilan  sa kanila. Ayaw nila ng mga ganitong eksena. lalo na kung patayan at basagan ng mukha. Nakakatakot. Kasi kung nagkataon na nagkaroon ng ganyang issue ay hindi nila maiwasan na mag-quit sa paglalaro ng lovebeat. Natatakot sila na mangyari din sa kanila yan at baka masira pa ang mga buhay nila. Kumbaga, mawawalan sila ng future sa buhay nila.

Tinignan ko ang lovebeat steam server sa laptop ko. Umappear sa screen ng laptop ko ang  "You have played 1 hour. Too much gaming could harm your daily life." Iyan ang babala na hindi dapat natin binabale-wala para sa mga manlalarong tulad ko. Maging sa ibang mga online games at offline games. Kapag nakain ka ng sistema ng laro, maaaring maapektuhan ang iyong araw-araw na buhay. Numerong uno na dyan ang pag-aaral.

Pumunta ako sa facebook account ko at tinignan ang mga messages ko. Nag-pm sa akin si Ariesa. Namiss ko siyang makachat wala pang isang araw. Sandali lang na hindi kami nagchat ay gusto ko na siya makachat ulit.

"Nakakaawa yung lalaki. Binugbog ng lalaking kinain ng sistema ng laro." - Ariesa

"Oo. Sobrang nakakaawa talaga. Alam mo bang ako yung lalaking nabugbog sa video? At si Yukino? Siya ang bumugbog sa akin." - Xoi

"(Shock Emoticon) Grabe siya. Ayos ka lang ba?" - Ariesa

"Yap. Sa tulong ng mga kaibigan ko ay nakauwi na ako ng ligtas." - Xoi

"Pwede mo bang ikuwento mo sa akin ang lahat? Gusto ko malaman." - Ariesa

"Sige. Wag mong sasabihin sa iba ha? Need ko lang ng privacy." - Xoi

"Okay." - Ariesa

Ikinuwento ko kay Ariesa ang lahat pati na yung heartbreaks na pinagdadaan ko. Maging si Ariesa ay nainis kay Yukino. Aniya pa niya ay hindi makatarungan ang ginawa ni Yukino sa akin at the same time ay naaawa siya sa akin.

"Napakasama ng Yukino na yan. Kinain na ng sistema ng laro ang pangit na yan." - Ariesa

"Sinabi mo pa." - Xoi

Ilang minuto nagkaroon ng katahimikan sa conversation namin ni Ariesa hanggang sa binasag niya ang katahimikan.

"Xoi. Makinig ka sa sasabihin ko sa'yo. Okay." - Ariesa

Ginawa ko ang sinabi ni Ariesa. Hindi muna ako nagchat para mabasa ko ang mga sasabihin niya sa akin.

"Sasamahan na kita mula ngayon. Hindi ako papayag na saktan ka ng iba sa mga lovebeat player. Maging si Yukino. Ayokong maulit ang nangyari sa'yo yung napanood ko sa video." - Ariesa

"Sa totoo lang, ayoko rin kay Yukino. Nagchat na rin siya sa akin sa lovebeat na ideal girl niya ako. Gusto niyang makipag-fc sa akin pero inayawan ko. Ayoko sa mga lalaking ma-issue. Pati din sa'yo ay ayaw ko kasi lagi kang na-issue pero ngayon ay naiintindihan kita kung bakit mo ginawa ang bagay na yun. Kasi nasasaktan ka din. Gusto mo makalimot sa akin." - Ariesa

"Xoi. Ito na lang ang paraan para maprotektahan kita." - Ariesa

"Anong balak mo?" - Xoi

10 minutea siyang hindi nag-reply. Mukhang pinag-iisipan niya yung mga sasabihin niya sa akin. Then after 10 minutes ay nagchat sa akin na sadyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Mag-friendly couple tayo." - Ariesa

Lovebeat Gamers Love Story (On-Going Series) #Wattys 2019Where stories live. Discover now