Part 16

2.2K 64 4
                                    

NANG dumilat si Lea ay pinanood niya ang halo-halong mga emosyon na dumaan sa mga mata ni Jake. Naroon ang pagkagulat, ang pagsisisi... at ang galit. Sa pagkakataong iyon ay tumayo na siya sa kabila ng nanghihina pang mga tuhod. Mariing kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling mapahagulgol.

She knew she deserve those reactions from him. Pero hindi niya iyon kayang makita at sikmurain ngayon lalo pa at hindi niya na alam kung saang kamay pa ng Diyos huhugot ng lakas ng loob sa nangyayari sa kanya. Unti-unti ay sinikap niyang ilakad ang para bang naninigas na mga paa.

"What... exactly do you want me to do, Lea?" She heard him ask with such undeniable misery and grief in his voice.

Misery and grief. Bigla siyang nahinto sa paglalakad. Ganoong-ganoon ang tono ni Jake noong namatayan ito ng mga magulang at kapatid. Tuluyan na siyang napaupo sa carpet. Agad naman siyang dinaluhan ni Jake pero tinabig niya ang mga kamay nitong aalalay sana sa kanya.

Masisikmura niya ang lahat ng bagay maliban sa mga emosyong iyon. Hindi naman siya umaasa na tatanggapin kaagad ni Jake ang nangyari. Na matutuwa ito at pananagutan ang kanilang anak. Nag-angat si Lea ng mukha at puno ng sama ng loob na sinalubong ang mga mata ng binata. Pero napangiti siya nang makita ang reaksiyon nito, ngiting nauwi sa hysterical na pagtawa.

Mukha itong namatayan. In fact, Jake looked a lot worse than before when he found out that his sister was dead. Mukha itong bigong-bigo. Napahawak si Lea sa kanyang dibdib na para bang puputok na nang mga sandaling iyon. Sa dami ng pagkakataong nasaktan siya ng binata, iyon na yata ang pinakamatindi.

Gumalaw ang mga balikat niya kasabay ng kanyang paghagulgol. She just told him that there was a life inside her body and he looked like he saw death approaching his way. He looked so miserable. No, that was an understatement. Jake looked lifeless.

"God, Jake..." Naidaing ni Lea. "You grieve a little too much, don't you think?" Halos pabulong na sinabi niya habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. "'Wag kang masyadong mag-alala. I came here not to take away your freedom, not to push myself to you and not to ask you to marry me. Hindi mo kailangang magluksa nang ganyan. Pumunta ako rito para lang manghingi ng pagdamay. Dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi araw-araw malalaman kong isa na akong ina.

"Pero pasensya ka na. Naabala kita. Mukhang maling lugar ang napuntahan ko. Hindi ko kailangan ng pagluluksa mo, Jake. Dahil sa kabila ng lahat, mahal ko ang baby ko. I've just discovered about her but I do love her as early as now." Nabasag ang boses ni Lea. "I never expect anything from you. I don't even ask you to be a good father to him or her. All I ask is just for you to try. Pero mukhang kahit 'yon ay hindi mo maibibigay."

Bumaba ang mga kamay ni Lea sa kanyang tiyan. "I'm sorry for ever thinking that I know you enough. I was wrong. Pumunta ako rito dahil naniwala akong kahit paano, nandyan pa rin 'yong dating Jake na kilala ko na nagsabing anuman ang mangyari sa pagitan naming dalawa, hindi niya ako pababayaan. You just did. And you just broke another promise of yours, Jake."

Matapos punasan ang mga luha ay muling tumayo si Lea at naglakad palabas ng opisina habang lihim na nananalangin na iyon na sana ang magiging huling pagtapak niya roon.


Hello, everyone. Thanks for reading 'In A Town We Both Call Home'. This story is available on Dreame. Kumpleto po ang chapters nito sa site na iyon. Sa mga wala pa pong Dreame account, you can download the app on playstore. 

For FREE and COMPLETED story, I would suggest END GAME. It's my exclusive story on Dreame. Sana po ay mabasa at masuportahan n'yo din po ang journey ko sa Dreame. I hope to see you, guys, there. Maraming salamat po sa pang-unawa. 

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Jul 08, 2022 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

In A Town We Both Call HomeKde žijí příběhy. Začni objevovat