Part 5

2.4K 76 3
                                    

"MANY times, I thought about quitting on life. And then I will notice Janna who was watching me." Wala sa loob na naibulong ni Lea matapos maalala ang naging pag-uusap nila noon ng anak. "Ang hirap sumuko dahil inaasahan niya ako. Dahil 'yong pagiging ama mo, nagsimula at natapos sa pagpapadala mo ng mga pangangailangan niya na kung tutuusin ay kaya ko rin namang ibigay. Ang hirap, Jake. Sobra. Minahal kita. Iyon lang naman ang naging kasalanan ko sa 'yo pero sobra-sobra 'yong ginanti mo."

Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Lea. "Sobra-sobra 'yong mga bagay na kinailangan kong pagbayaran dahil lang sa pagmamahal ko sa 'yo. I had to be a mother and the father that you cannot be. And during those stupid times that you were gone, I had to lie to my daughter about you even when all I wanted to do was to curse you to hell. Dahil ayokong isipin niya na tulad ko, hindi rin siya mahal ng tatay niya."

"Leandra..."

Agad na napabaling si Lea kay Jake nang marinig ang halos pabulong na sinabi nito. Napangiti siya na mayamaya ay nauwi sa sarkastikong pagtawa habang patuloy pa rin sa paglandas ang mga luha niya. "Hanggang sa pangalan ko ay nagkamali ka pa rin. God, Jake..."

Nang hindi niya na mapigilan ang sarili ay napahagulgol siya. Lumapit sa kanya si Jake pero umiwas siya rito. Punong-puno ng hinanakit na pinagmasdan niya ang anyo nito, ang anyo na kahit nakapikit siya ay malinaw niya pa ring nakikita sa alaala niya, ang anyo ng nag-iisang lalaki na puro sakit ang ibinigay sa kanya.

Pinakatitigan ni Lea ang binata hanggang sa manumbalik sa isip niya ang totoong love story nila, isang bagay na hindi niya alam kung kailan siya magkakaroon ng lakas ng loob na aminin sa anak...

In A Town We Both Call HomeWhere stories live. Discover now