Part 9

2.1K 61 1
                                    

NAPAAWANG ang bibig ni Lea sa narinig.

Kinindatan siya ni Timothy. "Just kidding. Kanina ka pa kasi parang distracted habang nakatitig sa kabilang mesa. And I don't really understand why." Inginuso nito ang lalaki sa mesang tinutukoy. "Are you interested in that guy?"

"Of course not." Mabilis na sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ni Timothy. Pero sa kabila niyon ay hindi maitatanggi ang pilyong kislap sa mga mata nito. "Then it's actually the woman there that you liked? Oh, man." Napahawak pa ito sa dibdib. "That just broke my heart."

Napailing si Lea. Pero mayamaya lang ay napangiti na rin. "Puro ka biro. The truth is, that woman there is my best friend's girl friend."

"Hmm... I see." Napatango-tango si Timothy. Tuluyan na itong huminto sa pagkain. Sumandal ito sa upuan at pinakatitigan siya. Sa pagkakataong iyon ay naglaho na ang kislap sa mga mata nito. Pakiramdam niya ay may natuklasan na kung anong napakahalagang impormasyon tungkol sa kanya ang binata. At bigla ay hindi siya mapalagay. Nag-iwas siya ng tingin. Muli ay ibinaling niya ang mga mata sa mesa nina Lucine para lang masorpresa nang mahuling naghahalikan na ang dalawa.

Mayamaya pa ay umalis na rin ang lalaking kasama ni Lucine habang ito ay nanatili lang roon. Ilang minuto pa lang ang lumilipas nang makita niyang pumasok si Jake sa restaurant. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at nagmamadaling yumuko siya at itinabing ang buhok sa kanyang mukha nang mapadaan ang kanyang bestfriend sa gilid ng mesa niya para hindi siya nito makita. Nang makalagpas na ito ay saka niya ito muling tiningnan. Nakaupo ito sa mismong upuan na binakante ng kasama ni Lucine. Matamis na ngumiti ang huli kay Jake at sinalubong pa ito ng halik sa mga labi.

Napasinghap si Lea. What the heck?

Hindi na naalis pa sa dalawa ang tingin ni Lea. Hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito pero parang seryoso iyon dahil nawala na ang ngiti sa mga labi ni Lucine. Mayamaya pa ay may dinukot na kung ano si Jake sa bulsa ng coat nito. Mukha iyong tseke. Inilapag nito iyon sa mesa pagkatapos ay tumayo na. Matapos silipin ang tseke ay para bang galit na galit na tumayo na rin si Lucine. Pinunit nito iyon at lumapit sa patalikod na sanang si Jake. Pinigilan nito ang huli sa braso. Dinampot nito ang wine glass at isinaboy ang laman niyon sa kaibigan niya pagkatapos ay nauna na itong lumabas ng restaurant.

Kumuyom ang mga kamay ni Lea sa nakita lalo na nang matuon ang atensiyon ng mga kumakain sa kaibigan niya. Ganoon pa man ay pinigilan niya ang sariling tumayo. She knew that that was the last thing that Jake would want her to see. Parang walang anumang dinukot ng binata ang panyo sa bulsa at pinunasan ang mukha bago nag-iwan ng pera sa mesa at umalis na rin doon.

Hindi nagtagal ay nag-ring ang cell phone niya. Hindi man silipin ni Lea ay alam niya na kung sino ang nasa kabilang linya. Pero hindi niya iyon sinagot. Nag-vibrate rin iyon sa bulsa niya nang ilang beses pero nanatiling hindi niya iyon sinisilip. Humarap siya kay Timothy na nahuli niyang nakatitig pa rin sa kanya. Apologetic na ngumiti siya rito. "I'm sorry. I know I was... a mess tonight."

"No problem. When you're in love, you really become the very person you never thought you would be." Gumanti ng ngiti si Timothy. "So, Jake is your best friend."

Napalunok si Lea. Pinilit niyang iwasan ang naunang sinabi nito. "Paano mo siya nakilala?"

"We joined the same fraternity a couple of years ago." Nagkibit-balikat ang binata. "You are very transparent, Lea. It's Jake, isn't it? He's the one that you love. Siya ang dahilan kung bakit hindi ka mapakali nang makita mo ang girl friend niya rito. Dahil sa kabila ng sakit na nararamdaman mo, nag-aalala ka pa rin para sa kanya. I'm familiar with the way you look at him. Your eyes revealed your life story. You're in love with your best friend."

Hindi siya nakasagot.

Inabot ni Timothy ang kamay ni Lea na nakapatong sa mesa. Rumehistro ang pang-unawa sa mga mata nito. "It's okay. I understand. Nagmamahal ka. Wala namang dapat na ikahiya ro'n. Jake is one hell of a lucky man. I hope he get to realize that soon. Kung gusto mo nang umalis para puntahan siya, maiitindihan ko rin. May pakiramdam akong siya ang tumawag sa 'yo kanina."

In A Town We Both Call HomeWhere stories live. Discover now