Part 7

2.2K 68 1
                                    

"HAPPY BIRTHDAY, Leandra."

Napahugot ng malalim na hininga si Lea matapos buksan ang regalong ibinigay sa kanya ni Jake. It was a white gold necklace with her name on it. Mali, hindi niya pala pangalan iyon kundi pangalan ng kapatid ni Jake. Pinagmasdan niya ang masayang anyo ng binata nang kunin nito sa kanya ang kwintas at ito pa mismo ang marahang nagsuot niyon sa kanyang leeg.

Ang sandaling ipinangako noon ni Jake na pagpapanggap niya ay umabot na ng ilang buwan hanggang sa maging ilang taon na iyon. Si Lea na ang kinikilala nitong kapatid. May mga pagkakataon pa nga na ang inireregalo nito sa kanya ay iyon mismong mga bagay na paborito ni Leandra. Branded ang mga iyon mula sa mga damit, sandals, at bags.

Pero malayo ang mga iyon sa gusto ni Lea. Simpleng babae lang naman siya na masaya na sa pagsusuot ng t-shirt, pantalon, at rubber shoes. Hindi nga lang iyon mare-realize pa ni Jake sa ngayon. Kaya hirap na hirap na siya.

Hindi na siya nakaalis pa sa anino ni Leandra. At hindi niya na alam kung paano pa makakaalis roon. Dahil ang kapatid na ng binata ang mismong nakikita nito sa kanya. Tatlong taon na ang matuling lumipas... pero heto pa rin silang dalawa. Walang nagbago. Mga bilanggo pa rin. Si Jake sa alaala ng nakaraan at siya sa ipinangako niya rito. Napahugot siya ng malalim na hininga nang hawakan ang kwintas.

"What? You didn't like it?"

"I love it, Jake." Mabilis na sagot ni Lea. Dahil totoo namang nagustuhan niya ang kwintas. Hindi nga lang niya naitodo ang kaligayahan niya dahil alam niyang hindi talaga para sa kanya iyon. Ang pangalang naka-engrave roon ang nagsusumigaw na katibayan. "Thank you."

Nang makita ni Lea ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Jake, kahit paano ay gumaan ang loob niya. His blue eyes were shining. At para doon, para man lang doon ay magpapaubaya siya uli. Gusto niyang paniwalaan na totoong natulungan niya ang binata. Mas madalas na ang pagngiti nito ngayon. Pero sa kabila niyon ay nag-aalinlangan siya. Natatakot siyang aminin na baka tama ang obserbasyon ng mga magulang niya. Na hindi pa totoong nakakabangon ang binata sa nangyari noon base sa patuloy na set-up nila.

O baka sadyang masyado lang nasanay si Jake na kapatid na ang turing sa kanya. Namasa ang mga mata ni Lea sa naisip. Ikinulong niya ang mukha ng binata sa kanyang mga palad. Hindi naglaho ang nararamdaman niya para rito sa nakalipas na mga taon. Sa halip ay lalo pang lumago iyon. Nanatiling buhay na buhay ang damdaming iyon sa puso niya, damdamin na dito niya lang nararamdaman.

Isa na siyang arkitekto ngayon. Pinalad siyang manguna sa board exam kaya nagawa niyang makapasok kaagad sa isang kilalang architectural firm sa bansa. Nang makaipon ay pinilit niyang bayaran si Jake at si tito Raphael para sa mga ginastos ng mga ito sa pag-aaral niya. Dahil kahit wala na ang ninong Alejandro niya ay ang mga ito ang nagpatuloy sa pagsuporta sa kanya. Pero hindi nagpabayad ang mga ito. Lalo na si Jake. All he asked was just for her to stay by his side. Isa na rin iyon sa dahilan kung bakit lalo siyang naiipit. Dahil sa panibagong pangako niyang mananatili sa tabi nito.

Puro na lang pangako. Kaya hayun at baon na baon na siya.

Jake was now able to build his own hotel. Pareho silang marami nang mga nakilala. Lalo na ang binata na ilang beses nang nagkaroon ng girl friend na dahilan kung bakit ilang beses na rin siyang lihim na nasasaktan. She was always on the sideline. At mahirap iyon. Masakit. Pero dahil sa sobrang pagmamahal niya rito ay pinili niyang manatili sa bahaging iyon ng buhay nito. Kaunti na lang ay natutukso na rin siyang patayuan ng rebulto ang sarili. Hindi niya ni minsan inakala na kaya niyang maging martir sa ngalan ng pagmamahal.

Hindi niya na alam kung ano ang gagawin. Ang sabi nila, ang pagmamahal daw ay nagpapalaya. Pero siya, ni minsan ay hindi nakaramdam ng paglaya. Madalas ay nalilimutan niya na kung sino siya. Masyado na siyang nasanay na maging si Leandra na nalilimutan niya nang mabuhay bilang si Lea.

At natatakot siya. Dahil sa pagmamahal niya para sa binata ay para bang hindi niya na kilala ang sarili.

"I love you, Jake." Halos pabulong na sinabi ni Lea mayamaya.

"And I love you, too, Leandra. Always."

Mariing naipikit ni Lea ang mga mata nang yakapin siya ng binata. Tuluyan nang bumagsak ang kanyang mga luha.

In A Town We Both Call HomeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin