Part 11

2.2K 68 2
                                    

"THERE are about seven billion people in the world. And yet here you are, crazy over one person who will never ever see you the way you wanted to be seen." Napu-frustrate na naibulong ni Lea. Wala sa loob na naiuntog niya ang ulo sa manibela. "You are so stupid, Lea." Halos kalahating oras na mula nang maiparada niya ang kotse sa tapat ng gate ng apartment pero hindi niya pa rin nagagawang bumaba roon para harapin ang naghihintay na kaibigan.

Ilang mararahas na paghinga pa ang pinakawalan niya bago siya tuluyang bumaba ng kotse at tumuloy sa kanyang apartment. Naabutan niya sa sala si Jake. Nakaupo ito sa couch at nakapikit. Mukhang nakatulugan na nito ang paghihintay sa kanya. Dahil sa espesyal na okasyon nang gabing iyon ay matindi ang traffic. Inabot siya ng mahigit dalawang oras bago nakauwi. Napailing siya nang mapansin ang ilang bote ng alak sa center table na lahat ay wala nang laman.

Maingat na naupo si Lea sa tabi ng binata at pinakatitigan ito. Bakas ang kapaguran sa gwapong mukha nito. Alam niyang bago pa ito nagkita at si Lucine sa restaurant ay galing pa ito sa meeting kasama ang isang investor. Iyon ang nakalagay sa maikling note na ipinadala nito sa kanya nang umagang iyon na dahilan kung bakit hindi raw siya nito masasamahang manood ng sine gaya nang ipinangako sa kanya noon pang nakaraang linggo. Kasama ng note na iyon ang isang life-sized teddy bear. Pero mukhang maagang natapos ang meeting dahil nakipagkita pa ito kay Lucine.

"You always run to me at times like this." Naibulong ni Lea mayamaya. Marahang pinadaanan niya ng daliri ang mukha ni Jake mula sa noo nito, sa malalagong mga kilay, sa talukap ng asul na asul na mga mata nito na madalas ay nakalulunod kung tumitig, sa perpektong ilong nito at sa mamula-mulang mga labi nito. "And I'm overwhelmed, believe me. Masaya ako na ako ang gusto mong makita at makasama sa mga ganitong sandali."

Naalala ni Lea ang mga pagkakataong nagmamadali siyang mananakbo papunta kay Jake tuwing malapit na ang death anniversary ng pamilya nito. Dahil bigla-bigla na lang itong naglalaho at nagpupunta sa iba't ibang lugar. Minsan ay sa ibang bansa pa ito nakakarating. Hindi na nito sinasabi sa kanya kung saan. He would always say that he didn't want to bother her anymore with his issues. Pero nag-aalala pa rin siya. At sa palagay niya ay parati na siyang mag-aalala para rito. Dahil isa ang pag-aalala sa maraming kakambal ng pagmamahal.

During those moments, Lea had to bribe Jake's secretary just so she would know where to find him. And once she knew where, like a fool, she would come running to him. Tatapusin niya ang trabaho at magmamadaling mag-file ng leave para lang mapuntahan ito. Ganoon ang sistema nila sa nakalipas na mga taon.

May mga pagkakataong siya ang takbuhan ni Jake. Pero may mga pagkakataon ring siya ang tinatakbuhan nito at siya naman ang naghahanap rito. Napapagod ring isinandal ni Lea ang ulo sa balikat ng binata. Nalanghap niya ang swabeng pabango nito na gustong-gusto niyang amuyin parati. Sa kabila ng mga nainom nito ay nangibabaw pa rin iyon.

"Jake, I... I wish that one day, you will realize that I... I have issues, too. And that I also need someone to run to. I also need you."

In A Town We Both Call HomeWhere stories live. Discover now