Part 10

2.2K 61 3
                                    

NAMASA ang mga mata ni Lea sa sinabi ni Timothy. Nang silipin niya ang cell phone ay napatunayan niyang si Jake nga iyon. Nagpadala rin ito ng text message at sinabing pupunta raw ito sa apartment niya. Ayaw niya man ay bigla siyang nakaramdam ng pagrerebelde. May problema ito. May problema na naman ito. Kaya naalala siya nito. Kaya pupuntahan siya nito. Ang masama pa, pupuntahan siya nito at haharapin bilang si Leandra na naman. He needed her.

And just like before, she will be there to listen once more. Hanggang kailan ba siya makikinig ng mga kwentong parati na lang may kinalaman sa iba? Kailan kaya maiisip ng binata na kailangan niya rin ng makikinig sa kanya?

Oo, masaya si Lea na may nalalaman sa buhay ni Jake. Walang kaso sa kanya ang maging tagapakinig nito. But she needed a listener, too. She needed to be heard, too.

Jake may knew her. But he only knew half of her story. He only knew half of her heart. Malaya niyang nasasabi sa binata ang mga bagay na gusto niya maliban sa nararamdaman niya. And... it hurts. A lot. Dahil ang puso niya ang mas gusto niyang ibahagi sa binata. Pero iyon pa iyong hindi pwede. Gaya ng sinabi ni Timothy ay napaka-transparent niya. Napakarami nang nagsabi niyon sa kanya. Madaling malaman ng mga tao ang nasa loob niya. Pero si Jake ay nananatiling hindi nakakahalata. Noon ay parati niyang pinapaalala sa sarili na mabuti na lang talaga at matalino, gwapo, at mabait ang binata. Those traits could somehow compensate to his only flaw: ang pagiging manhid nito.

Pero sa gabing iyon ay parang hindi magawa ni Lea na maging positibo at ang bagay na iyon na lang ang isipin. Because for someone who claims to be her best friend, isn't he being a little too... insensitive?

Kilalang-kilala niya na si Jake. Ilang babae na rin ang dumaan sa buhay nito na ang iba ay naipakilala pa nito sa kanya. Ang pinakamatagal ay si Lucine na inabot ng pitong buwan kaya naman todo ang naging pagseselos ni Lea sa huli lalo pa at minsan niya na itong nadatnang tulog kasama ang best friend niya sa mismong kwarto ng huli sa mansion nito.

Pareho ring kumot lang ang nakabalot sa katawan ng mga ito. Ang ilan rin sa nagiging dahilan ng paghihiwalay ng mga ito ay ang kasal na sa hindi niya maunawaang dahilan ay hindi pa maibigay ng binata. Hindi niya naman masisisi ang mga iyon sakaling maghanap na ng singsing. Jake was everything any woman could ask for. Pero maligalig ang binata na parang parating may hinahanap na kung ano sa mga nagiging girl friend kaya wala itong tumatagal na relasyon.

Ngayong mukhang finally ay tapos na ang relasyon nito kay Lucine, dapat ay matuwa si Lea. Pero hindi niya na iyon makapa sa puso niya hindi tulad ng dati. Dahil alam niyang sa kabila ng pagiging single na naman ng kaibigan ay napakaimposible pa ring ikonsidera siya nito bilang babaeng pwedeng mahalin.

Napakalapit lang parati ni Jake. Sa sobrang lapit ay kayang-kaya niyang hawakan. Pero napakahirap nitong abutin. Napakahirap habulin ng puso nitong para bang panay ang iwas sa pagmamahal, panay ang takbo.

May sariling susi si Jake ng apartment ni Lea. Kabisado niya na ang technique nito. Pupunta ito roon at maglalabas ng frustrations. At para hindi niya iyon mahalata agad ay magpapa-good shot na muna ito. Ipagluluto siya nito. May bonus pa iyon dahil ito ang maghuhugas ng pinagkainan nila pagkatapos. Pero ang ihahain nito sa kanya ay ang mga pagkain na ang akala nito ay paborito niya dahil lang sa simpleng rason na madalas niya rin iyong kainin noong nabubuhay pa si Leandra. Dahil ang huli ang orihinal na may paborito ng mga pagkaing iyon. Ni hindi niya sigurado kung may alam ang binata kahit isa man lang sa mga paborito niya.

Matatanggap niya siguro ang hindi siya mahalin ni Jake bilang babae. Kahit mahalin lang siya nitong bilang kaibigan... bilang si Lea. Ang kaso ay hindi ganoon. Alam niyang nangako siya sa binata kaya hindi siya dapat maghinanakit. Pero ilang taon na ang lumipas. Hindi niya naman magawang pangunahan si Jake at sabihing itigil na ang pagtrato sa kanya bilang ang kapatid nito. Dahil sa kabila ng hapdi sa puso niya ay ayaw niya pa ring masaktan ito. Umaasa siyang isang araw ay ito na ang magkusa at matutunan siyang harapin kung sino talaga siya.

Nag-iisa lang si Lea sa apartment niya sa Maynila dahil nananatili pa rin sa probinsya nila sa Pangasinan ang mga magulang. Tagaroon ang mga Calderon at Marinduque. Pero nasa Maynila ang karamihan sa mga negosyo ng pamilya ni Jake. Kaya doon na nito piniling magkolehiyo pati na sila ni Leandra. At dahil kasama nila roon si Jake na pinagkakatiwalaan nang husto ng kanyang mga magulang ay pumayag na rin ang mga ito.

Pero kahit noong nag-aaral pa si Lea ay bumukod siya ng tirahan. Nag-dorm siya noon malapit sa pinapasukang University kahit pa ang gusto ng magkapatid ay sa mansion na ng mga ito roon tumuloy. Sobra na kung pati ang matutuluyan ay iaasa niya pa sa mga ito. Nang magkaroon na ng sariling trabaho ay saka lang siya lumipat at tumira sa isang apartment.

Pero buwan-buwan ay umuuwi si Lea sa Pangasinan o kaya ay siya ang dinadalaw ng mga magulang sa Maynila. Sadyang hindi nga lang makatagal ang mga ito roon. Dahil kadalasan ay hanggang tatlong araw lang ang mga ito sa apartment niya. Pareho nang nagretiro ang mga magulang niya sa pagtatrabaho. Ang ama niya mula sa pagiging family driver ng isang mayamang pamilya sa probinsya nila at ang ina naman sa pagiging guro. Nang makaipon siya ay binilhan niya ng maliit na lupain ang mga ito. Ang pagpapalago niyon ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ng mga ito. Sa kasalukuyan ay marami-rami na rin ang alagang manok, baka at baboy ng mga ito roon.

Nang muling mag-ring ang cell phone ni Lea ay tuluyan na siyang napaluha. Sa kabila ng lahat ay hindi niya pa rin kayang tiisin si Jake. Bumitaw siya kay Timothy at mabilis na pinunasan ang mga luha. "I'm really sorry, Tim. I have to go."

"Nah, I told you, it's okay. Mauna ka na. Magpapalipas na muna siguro ako ng ilang minuto rito." Muling ngumiti ang binata. "Take care, Lea."

Tumayo na siya. "You, too, Tim."

Patalikod na siya nang humabol pa ng salita ang binata. "Isn't it tiring to always try to make ends meet? Life is too short. You must not spend the rest of your life hurting. Pwede ka namang sumuko kapag sobra na. Pwede mong sabihing tama na kapag hindi mo na kaya. 'Yon lang. Pasensya na sa pangingialam. Anyway, happy Valentine's, architect."

Natigilan si Lea. Ilang segundo siyang nakatayo lang roon bago niya napilit ihakbang ang para bang nanigas na mga paa niya. Nang gabing iyon, may panibago siyang na-realize. The truth can hurt, but it can also numb a person sometimes.

In A Town We Both Call HomeWhere stories live. Discover now