Yes or No?

114K 1.4K 45
                                    

39. Yes or No?

1 YEAR LATER

"This is from abroad Sir. Imported from Japan." kanina pa sa kaka-sales talk ang may-ari ng botanical boutique kay Ethan.

Isa kasi siya sa mga nag fund ng boutique na ito for Operation Smile para sa mga bata. Si Sophia rin ang nagpupumilit na magbigay ng pondo para dito.

"It's a nice tree." matipid niyang comment.

"Yes Sir. You can put this indoor. Magiging memorable ito sa mga bisita." sabi ng sales lady.

Naalala niya agad si Sophia. The first time she brought her sa opisina niya, nagsuggest na agad ito ng indoor plant para sa malagyan naman daw ng buhay ang opisina niya.

"Ito rin po, maganda rin po ito." turo naman ng sales lady sa ibang tanim.

"Yes, it's pretty. My wife will like it." Naka-smile niyang sabi. Nagulat naman ang sales lady sa narinig niya.

May asawa na si Ethan?

Ni hindi man lang nabalita sa news or kahit chismis man lang.

"Ahhh..." tango-tango lang ng babae.

"I'll take it, kukunin na lang to ng butler ko mamaya." sabay abot niya ng cheque para sa nabili niyang tanim. At umalis na agad.

Yes, my wife will like that.

Sophia's POV

It's been 1 year simula nung nagkabalikan kami ni Ethan. Or let's say simula ng matauhan na kaming dalawa. Fortunately naman, wala namang major major na problemang dumadating sa'min. We're inlove.

Ang baduy man isipin, pero ganun na rin siguro yun.

Isang taon na. Dumaan na ang mga birthdays namin. Tsk! Tumatanda na talaga ako. 23 na si Ethan, 20 na ako. Maraming nangyari sa isang taon na yun, kahit kamuntikan na naming lumabas sa tabloid ang pangalan ko, kasi nga prominenteng tao si Ethan at sino naman ako. Pero buti na lang sa hindi ko malamang dahilan, wala namang kaguluhan sa ngayon.

Akala nga ng pamilya ni Ethan, buntis daw ako. Well, medyo naging matakaw nga ako.

Pero hindi, ni minsan hindi naging rapist si Ethan.

Sa ngayon, may negosyo kami. Isang flower shop, ako ang namamahala nito, kaya ito ang ginagawa ko araw-araw. Hindi naman pwedeng lagi na lang akung umaasa kay Ethan diba? Kaya mabuti na ring ganito, kasi at least kahit papaano natutulungan ko siya dabah?

"Salamat po sir." sabi ko sa isang customer na palabas na ng shop.

"Salamat din." ngiti niya.

Isa sa mga valued costumer namin, halos weekly na lang kung bilhan ng bulaklak si misis eh.

"Ate Sophia yung mga flowers po na inexport sa Korea, dumating na daw po." sabi ni Luning, ang secretary ni Ethan na parang secretary ko na rin. Ewan.

"Okay, salamat."

"Hey! Hey! Hey! Where's my favorite girl?" narinig ko na lang ang pagpasok ng isang masamang hangin.

Si Tristan.

"Heh! Oh bakit nandito ka? May bibilhin ka?" sabi ko naman. Nag break na sila nung dati niya pang girlfriend eh. Sigurado may bago na naman. Ikalawang beses na siyang bumili ng bulaklak dito eh, take note, this week.

"Maldita nito. I'll buy flowers, yung tulad ng dati."

Hindi ko na kailangan utusan yung tig-arrange namin dahil alam na alam niya na ang gagawin kapag naliligaw dito si Tristan.

Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now