Breaking rules

185K 3.4K 142
                                    

3

Wala daw si ‘Seňortito’ ngayon kasi may pinuntahang meeting. Ano kayang ginagawa nun sa buhay niya? Maybe he’s really a bad guy? Tapos isa siyang murderer o di kaya assassin? Baka macho dancer? Isa siyang manwhore at kaya mayaman siya dahil binebenta niya ang laman niya sa mga desperadang babae.

“Miss Sophia may problema po ba?” si Butler Chad. Kanina pa yan nakatayo diyan. Sabi ko nga na umupo pero ayaw niya dahil nasa rules daw na ganun. Sino namang magpapa-rules ng ganun, Ano to? Padamihan ng varicose veins?

“Wala po, teka nga po. Wag niyo na po akung tawaging Miss, bata pa po ako.” Lagi kasing Miss dito, Miss doon. Feeling ko tuloy ang tanda ko na.

“Hindi po pwede. Nasa rules po ni Seňorito ang pag galang sa inyo at hi--”

"Bahala nga po kayo. Basta pag tayo lang pwede ba Sophia na lang po?”Masyado silang devoted sa amo nilang sira-ulo.

“Aahh…O s-sige po." Wala ngang Miss may po naman. Matanda na ba ako?

“Tigilan niyo na rin PO ang kaka-po dahil mas matanda naman PO kayo PO sa akin PO. Nagmumukha rin PO akong matanda PO niyan PO eh.” Ang kulit ng mga tao dito, ganito talaga pag nagtatrabaho ka sa may topak.

“Aahh…sige p- I mean Sophia.” Parang alanganin pa. Mga robots na ata sila dito.

“Halika po. Upo ka. Pag hindi ka pa umupo, sasakalin na kita diyan eh. Relative ko pa naman si Jet Li o baka i-Jackie Chan pa kita? Oh ano?” Kanina pa kasi nakatayo. Ayun umupo rin, akala siguro seseryosohin ko, malamang.

“Ai Butler Chad ano nga po pangalan nung manwhore nating amo?” nabanggit na yun nung auction eh. Pero nakalimutan ko, pwede ko naman siyang tawaging manwhore, sira-ulo, may topak or B1, naaalala ko naman yung saging.

Anyway, mas okay na alam ko yung pangalan niya para alam ko kung kaninong pangalan ko ifa-file ang kaso.

“Mr. Ethan Tyler Sy, nasa bloodline sila nung Henry Sy na kilala natin.” ‘kilala natin’, ni hindi ko nga kilala yun. Imported siguro sila, yung may dugong dayuhan. Gets niyo? Pero wala naman sa itsura.

“Eh ano pong trabaho niya?” interview.

Isang business tycoon si Seňorito. Na-train na siya pagkatapos mamatay ni Doňa Cassey 10 years ago. Si Don Joaquin pa nga ang nag-turo sa kaniya sa mundo ng negosyo. Batang-bata pa si Seňorito nun, 13 years old. Ni hindi niya nga na-enjoy ang buhay bata. Pero sa edad niya ngayon na 21, siya na ang pinaka-batang multi-millionaire sa Pilipinas, kaso hindi sila kilala dito dahil naka-base talaga sila sa Japan at for security sake na rin.”

On the other hand, kawawa rin naman pala 'tong manwhore, pero kahit na, ganun pa rin siya.

Mayamaya may narinig na kaming busina sa labas. Andiyan na siya.

Lahat ng mga katulong dumiretso na sa main door. Ganito rin yung napansin ko nung una akong dumating dito, lilinya yan sila at yuyuko pag dadating na yung manwhore nilang amo.

“Maiwan ko na po kayo Miss Sophia” may Miss na kasi nandiyan na yung kumag.

 Porke’t binabayaran niya lahat ng 15 maids, 3 gardeners, 2 drivers and 1 butler niya eh ganun niya na tratuhin. MANWHORE na, MAYABANG pa.

“KAYO!!!” tumingin silang lahat sa’kin, naghahanda na para sa amo nilang ulol… “Lahat kayo dito sa sala, umupo kayo! Walang tatayo diyan!”

“Miss Sophia hindi po pwede.” sabi ni Butler Chad. Para na siyang nagmamaka-awa sa'kin. Problema nito?

“Butler Chad ako po ang bahala.” Kahit hindi ko naman talaga alam ang gagawin.

“Miss Sophia bawal po talaga.” sabi nung isang katulong.

“Pag hindi kayo umupo dito, sasabihin ko kay Ethan na tanggalin kayong lahat.” umupo nga sila. Naniwala ba talaga silang malakas ang kapit ko kay manwhore? Wow.

Biglang bumukas ang pinto, halatang gulat na gulat ang mga kasambahay, natatakot pa ata. Pero mas nagulat si manwhore.

“Butler Chad!” tinawag niya si Butler Chad, lumapit naman.

“What happen to the protocol?!”  Galit?

“I told them to sit down…” sabi ko bago pa maka-salita si Butler Chad. Nakapamewang pa ako ha, akala mo ako yung may-ari.

“And who told you to do that?” lumapit siya sa’kin. Naiirita na ata siya, then good!

“Ako. Hindi naman ata maganda na gawin mo yan sa mga katulong mo. Kaya nga ‘katulong’ diba kasi tutulungan ka lang nila...” tiningnan ko yung mga maids na nakatayo na, nagulat ata sila na sinesermonan ko ang amo nila, “…wag mo silang alilain na parang mga laruan mo lang…” napatigil ako nang bigla siyang lumapit sa’kin. As in ang lapit, pero dahil kunwari matapang ako, hindi naman ako umatras, “Teka anung gina—”

Bigla niya akong kinabig at nangyari na nga ang nangyari.

Bakit niya ako hinalikan? It wasn’t a kiss like a…kiss. It was more like a smack, gentle and sweet. Hinalikan niya pa rin ako!

I frozed.

He stepped back.

“Fine. I’ll let them have a break, pick a destination, anywhere. Pero habang wala sila, you will be my personal slave.”

What?!

Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now