Fixing

97.8K 1.4K 35
                                    

31. Fixing

Author's POV

Biglang napatayo si Ethan sa kina-uupuan niya. Nagulat naman si Meagan sa reaction ni Ethan. HIndi niya alam ang nangyayari.

Pero si Ethan, tinitingnan niya lang na lumalakad palabas ang taong hindi niya man lang inakalang makikita pa, makikita man sa ganitong panahon at sitwasyon. Nakatayo lang siya, habang paalis naman ang taong nagpakita lang out of nowhere, tumayo lang siya, at times na hindi niya sigurado kung magkikita pa ba sila ulit. Mesmerized by her.

Si Sophia.

Nagmadaling lumabas ng restaurant.

Sophia's POV

Kainis naman to. Bakit kasi biglang sumakit ang tiyan ko, di tuloy ako makakain ng maayos. Pero okay na rin kasi nag text na rin si Patty eh. Binigay niya sakin yung contact information ng detective.

Masama talaga ang pakiramdam ko sa loob ng resto na yun, eh etong nakalabas na ako parang okay naman. Wrong timing ang aking tiyan.

Pumara ako ng taxi para magpahatid sa office nung detective na sinasabi ni Patty, ito na lang siguro muna ang gagawin ko.

---

Naibigay ko na ang mga impormasyon sa detective, siya na daw mismo ang maghahanap sa taong pinapahanap ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako dito sa Pilipinas, hindi pa nga ako nag iisang linggo dito pero parang feeling ko ang sikip na ng mundo ko.

Si Ethan.

Hindi ko alam kung kelan ko siya pupuntahan. Alam niya kayang nasa Pilipinas ako?

Malamang hindi.

Ano ba naman 'to, alam ko naman ang gagawin pero ang problema, di ko alam kung paano sisimulan.

Ang bobo ko na talaga. Paulit ulit na lang talaga tong kabobohan ko.

Dumiretso na ako sa hotel na tinutuluyan ko. Bukas naman, kadrating ko lang tapos parang sira ulo na naman akung naghahasik ng lagim sa sulok ng mundo.

"Maam do you know Mr. Tristan Cartaleja?" Ano daw?

"Ah..yes. Bakit?" tanung ko sa receptionist na nag tanung din sakin. Paano niya alam na kilala ko si Tristan?

"He came here a while ago maam. He told me to give you this..." sabay abot sakin ng isang envelop.

Ano 'to?

Hindi na ako nagtanung sa receptionist, kinuha ko na lang at pumunta sa elevator.

Paano nalaman ni Tristan na nandito na ako?

Alam niya. Pero si Ethan nga hindi niya man lang nalaman?

Ano kayang laman nitong envelop?

Pagkapasok ko sa kwarto, binuksan ko na agad.

Tristan talaga.

Kaya pala ang gaan kasi wala namang laman...maliban sa isang strip ng papel.

Cellphone number?

Tatawagan ko ba to?

Kinuha ko ang phone sa pocket at dinial ang number.

"Hello?" mahina kung sabi pagkatapos ng lang ng isang ring.

"Sabi ko na nga ba..." Si Tristan nga, napansin ko talaga ang tawa niya sa kabilang linya. Napangiti talaga ako ng taong to.

"Paano mo nalaman na nandito na ako?" tanung ko. Ang dami kung tanung pero hindi naman pwedeng isabay-sabay diba?

"Syempre, instincts. Haha..kidding, I'm Tristan Cartaleja remember? Everything is possible..." ang hangin pa rin, di man lang nagbabago. Namiss ko talaga siya ng sobra.

"I miss you." Ako

"Me too butter." pagkasabi niya pa lang pinatay ko na agad ang phone at nagpalit lang ng damit.

Pupuntahan ko siya, hindi lang ako makuntento sa telepono. Gusto ko siyang makita, mahawakan, gusto kung ikwento sa kaniya ang buhay ng isang Sophia na mag isa lang. Na nakaya ko kahit papaano, gusto ko malaman ang balita, mga balita nung nawala ako.

Alam ko na ang gagawin ko, aayusin ko na ang lahat.

Aayusin ko to kasi ganun ako katapang.

Ako si Sophia! Gagawin ko ang lahat dahil hindi lang ako galing sa mundo ng mga hukage, isa rin akung descendant ni Jet Li, aayusin ko ang lahat ng naiwan ko.

Author's POV

"I saw her" ito agad ang una niyang sinabi pagkasalubong pa lang ni Butler Chad sa pinto. Maaga siyang umuwi galing sa opisina, hindi niya rin kasi alam kung makakapag isip pa siya sa trabaho kung nakita niya rin lang naman si Sophia.

"Ha? Sino po?" takang tanung ni Butler Chad.

"Sophia" mahinang sabi ni Ethan.

For almost a year na nawala si Sophia, kahit pangalan niya, kahit banggit lang halos durugin na ang puso niya.

Napaupo siya sa mahabang sofa sa sala at huminga ng malalim habang nakatingin lang sa kaniya si Butler Chad na tinatago ang saya sa pagbabalik ni Sophia.

Samantalang si Ethan, hindi maintindihan ang mararamdaman, kung magiging masaya ba? Malungkot? Excited? O ano.

"Tumayo lang ako dun. Ni hindi man lang ako lumapit. How stupid." he keeps on mumbling. Yan lang ang paulit-ulit niyang sinasabi everytime naalala niya kung paano naglakad si Sophia palabas ng restaurant.

"She was just a few meters away from me. Pwede ko siyang pigilan, sabihing 'Sophia andito ako', pero hindi, tumayo lang ako dun." he said with a hoarse tone.

"Wag po kayong mag-alala, tatawagan ko po ang mga tauhan niyo para hanapin siya. Mas may pag-asang magkikita kayo ngayon Señorito dahil bumalik na siya." excited naman si Butler Chad, dahil kahit papaano andiyan na si Sophia.

Pero si Ethan, ano ba dapat ngayon ang gagawin niya?

May girlfriend siya. May masasaktan.

"Pasensya na po pero gusto ko po sanang itanung, ano na pong itsura niya?" Hindi napigilang itanung ni Butler Chad ang kalagayn ni Sophia. Kahit papaano napaliapit na rin ang loob niya sa kaniya.

Ngumiti lang si Ethan habang nakatingin sa kawalan.

"She's still beautiful, as always...pero may nagbago, maybe it's her brown hair...mas nag mature siya. I still love the way her eyes twinkle while she smiles...tumangkad na nga siya eh, parang tumaba na..." tumawa siya ng mahina recalling the very first time she saw Sophia, yung suot-suot niya pang skimpy dress sa auction house. Yung pagtimpla niya ng kape sa office niya, na halos manakawan na sana niya ng halik. "...I miss her."

Biglang tumunog ang telephone sa study room kaya pinuntahan ni Butler Chad. Naiwan naman si Ethan sa sala.

This house used to be full of her, now it's empty. But she's back, anung gagawin ko?

"Señorito..." nagmamadaling naglakad palapit sa kaniya si Butler Chad na parang nag-aalala, " tumawag ang market, magkakaroon ng inventory. Bibisita daw sila at titingnan si Sophia."

"Shit!"napasigaw si Ethan.

Ang market na itinutukoy ni Butler Chad ay ang Black market kung saan na auction si Sophia. Naalala niya ang warranty.

Hindi pwedeng umalis si Sophia o kahit ano kung hindi na ireport sa management ng market.

Ginagawa ito para iprevent ang pag alis ng bansa ng kahit ano mang nabentang tao, protection na rin sa grupo. Pero walang ginawang action si Ethan, wala rin siyang magawa nun kasi kailangan si Sophia mismo ang kumuha ng permit.

Kapag nalaman nilang nawawala si Sophia, baka gagawa ng action ang grupo tulad sa warranty.

Ang tunay na warranty ay hindi lang para protektahan ang naka bili, pati na rin ang grupo ng bumibenta.

Hindi maganda ang mangyayari.

Kailangan mahanap niya na si Sophia o mapapahamak siya.


Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now