Tristan Cartaleja

118K 2K 66
                                    

15. Tristan Cartaleja

First year college ako noong makilala ko si Tristan Cartaleja.

Syempre dahil baguhan lang ako at ang daming ka kaartehan ang mundo, wala akong kaibigan. Ako lang naman ata ang pumasok sa isang public school na parang paaralan pa ng mga hudlom.

Sabi-sabi sa school, nag transfer lang daw si Tristan kasi wala ng tumatanggap na school sa kaniya dito sa Pilipinas.

Mayaman sila at kilala ang pamilya, mabait, galante, gwapo. Basta typical rich guy. Parang Ethan lang, pero mas magalang lang naman si Ethan.

Very popular siya sa school, kasi nga, diba? Nagegets niyo naman siguro. Syempre dahil sikat, naging crush ko rin siya pero not like stalker type.

Hanggang sa isang araw, nabagok ata at nagpakilala sa'kin.

Syempre ako naman si tanga nahumaling agad sa first love.

Akala ko seryoso, tumagal kami ng tatlong buwan. As in 3 months akong nagpaloko.

Isang malaking pustahan lang pala.

Nalaman ko na lang yun dahil sinabi nung mga fling niya.

Sobra ang galit ako kay Tristan noon. Galit na malapit na akong huminto sa pag aaral. May mga chismis pang kumakalat, hanggang ngayon, siguro naman tumigil na dahil nga nawala na ako, diba?

"Butter..." Lumingon ako. Andiyan na siya at ang kaniyang annoying na tawag sa'kin. Butter? Ano ako palaman?

And to think na late na naman siya, as usual, tulad pa rin ng dati. Ako pa rin ang naghihintay.

Nginitian ko lang siya, syempre, may kailangan ako eh.

"So what's up? Kamusta ka na? Ilang months na rin ah." Parang wala lang nangyari.

"I'm fine. May kailangan ako." Nakakahiya man pero kailangan ko ng lunukin ang pride ko.

"Sinabi mo nga noong nag usap tayo sa phone. So what is it?" Pag siya naman kasi ang lalapitan ko alam kung makakahanap agad ako ng trabaho. Marami siyang connection, siguro naman matutulungan niya ako.

"I need a job." Tiningnan niya lang ako.Ano ba? Titigan na lang to?

"Ano?" pauli-ulit?

"I said, I need a job."

Hindi ba talaga to magsasalita?

"Okay lang naman kung ayaw mo akong tulungan eh." Tatayo na ako.

"H-hindi. Wait Sophia..." naramdaman kkng hinawakan niya ang kamay ko. Tiningnan ko naman, tapos bumitaw siya, "...I want to help you, para na rin sa mga nagawa kong, kasalanan."

Bumalik ako sa upuan ko.

"Do you want to be my secretary?" Secretary? As in alalay sa school?

"Alalay sa school?"

"No, not alalay. Do you remember na kakagraduate ko lang? I'm working now."

Naka graduate pala talaga siya. Akala ko magiging drug addict, rapist o sa rehab siya.

"Mabuti naman at nagtrabaho ka."

"I've been thinking about what you said when you left me years ago Sophia, again, I'm sorry." Gusto ko man maniwala sa sincerity ng boses niya, pero-

"Matagal na yun, kalimutan na lang natin."

"Thank you. Can I ask you something?" Tumingin naman siya sa'kin na parang curious talaga. Yung maganda niyang hair-do at buff niyang katawa, ganoon pa rin. Pero hindi na ganikn ang epekto sa'kin.

"What?"

"Is it true?"

"Ang alin?" Hindi ko siya maintindihan.

"Na isang ka ng..." nag aalinlangan pa.

"Ano?"

"Na ano, Uhmm..." Ba't ayaw pa kasing sabihin?!

"Ano ba yun Tristan?"

"Ah wala, nevermind." napakamot na lang siya sa buhok niya. Ano ba yun? "So I was thinking, okay ba sayong maging secretary ko? Wala naman masyadong gagawin eh, arrange my schedule lang, yun lang." At least may trabaho na ako.

"Talaga? Oo naman!" Napa smile pa ako.

"Good!" Ganoon pa rin ang million dollar smile niya.

"Saan ba ang office mo?" tanong ko.

"Do you remember the time that I brought you to my dad's company?"

"Hindi mo pa naman ako nadadala doon eh."

"Oh. I guess that was another girl." mahina niya pang sabi, "...so yeah, I'm working there as the CEO."

"Wow! Talagang nag-aral ah, akala ko magiging drug addict or rapist ka na eh." Nagtawanan pa kami.

"But really Sophia, I kind'a miss you, marami akong natutunan sayo. Ikaw lang naman kasi ang nakakausap ko noong naging tayo pa eh, other girls would just want me for,you know,they never listen. And you know how I regret every bad things I did."

Nginitian ko lang siya, awkward.

---

Hindi ko na namalayan ang oras pero 7:00 na ng gabi.

Siguradong naghihintay na si Ethan sa'kin. Di pa naman ako nagpaalam, ang dami naman kasing pinuntahan si Tristan eh, kasama pa ako.

"Maam Sophia" Sinalubong agad ako ni Butler Chad sa pinto.

"Butler Chad andiyan na po ba si Ethan?" tanong ko.

"Nasa kwarto po. Kanina pa po kayo hinahanap. Saan ka po ba nanggaling?" Naghanap ng trabaho?

"Ah..sa kaibigan lang po. Sige po, akyat na ako."

Kinakabahan ako, parang matutunaw na ako. Anong sasabihin ko kay Ethan?

Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya.

"Babe..." Alam niya agad na ako ang pumasok.Nakita ko siya sa terrace.

Nilingon niya ako, nag-aalala talaga siya.

"Sorry." Sabi ko at lumapit sa kaniya.

Niyakap niya lang ako. Namiss ko agad yung amoy niya. Yung init ng yakap niya. He is my home.

"Mag ingat ka pag aalis ka ha." Sabi niya lang.

Hindi ba siya magtatanung?

Wala lang man bang interrogation?

"Hindi ka ba magtatanong?" Tanong ko habang magkayakap pa rin kami.

"No, I trust you."


Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now