9:11 pm

95.5K 1.4K 48
                                    

25. 9:11 P.M

Author's POV

"So how is your sister doing?" tanong ni Don Joaquin kay Ethan. Kababalik niya lang galing sa isang business trip abroad at naisipan niyang bisitahin ang first born niya sa bahay niya.

"I don't know dad, she's fine, I think. She said she's been meeting her doctors" sagot ni Ethan.

"Are you still with your girlfriend? How is Sheena coping up with her?" Natanong ni Don Joaquin dahil alam naman niyang hindi gusto ni Sheena si Sophia. At sa kalagayan niya, baka may magawa si Sheena na hindi maganda.

"I told you dad, Sheena is fine. Malaki na siya." iritang sagot ni Ethan. Nabanggit naman kasi ang pangalan ni Sophia.

"Whatever you say son." and they proceeded talking about business, pero alam na alam naman ng papa niya na hindi nakakapag focus ang anak niya sa trabaho.

Ilang sandali pa, may kumatok sa pinto.

"Yes Butler Chad?" tanung ni Ethan.

"Excuse me Señorito, pero importante po." Alam na alam ni Ethan kung ano agad ang pinagsasabi ni Butler Chad. He immediately got up at iniwan ang papa niya sa study room para makausap ang butler.

"What is it?" Ethan

"Si Miss Sophia po, aalis ng bansa." he said.

"Ano?!" sigaw ni Ethan na nag echo pa sa buong bahay.

"Nakalusot po sa amin ang balita, pasakay po siya sa eroplano, one way trip po yun." sagot ni Butler Chad na nababahala sa reaction ng amo.

"Where is she going?!" tanung ni Ethan na napakamot na lang sa ulo. HIndi niya alam kung galit ba siya o kinakabahan.

"Hindi po maibigay ang impormasyon sa amin."

"Anung oras ang alis niya?"

"9 pm po." tumingin siya sa wrist watch niya.

- 8:53 pm-

At halos magkadulas-dulas na siyang takbuhin ang garahe.

Sophia's POV

"Can this get any faster?" ewan ba't naiirita si Sheena ngayon. 9 pa naman ang flight ko ah, may 20 minutes pa. Oh well, siya naman ang expert dito eh.

"Sheena, salamat talaga." sabi ko. Kahit papaano makakapag simula ulit ako, maghahanap ako ng trabaho dun.

"Don't worry Sophia, it's nothing. Thank me when you get rich." smile niya sa'kin. Somehow, hindi ko pa rin maalis ang isipin yung ginawa niya sa'kin dati, pero siguro nakaplano na nga na ganun ang mangyayari.

Baka ganito ang plano ni Lord sa'kin.

Mamimiss kita Ethan.

Mahal na mahal kita.

Sana maging masaya ka.

Pag dating namin sa airport, kinausap ng PSG ni Sheena ang guards dun. Ewan nga, parang something na parang may bawal papasukin...ewan...ang gulo, baka for security reasons lang.

Ngayon lang ako naka punta ng airport! Ang daming ilaw pala, kahit gabi ang daming tao.

Manol lang te?

"Mayamaya nadiyan na ang eroplanong sasakyan mo Sophia, when you get in Paris, susunduin ka ni Carmina, siya na ang bahala sayo." sabi sa'kin ni Sheena sabay abot ng passport at Visa ko, ewan kung papaano niya to nakuha. Hindi naman siguro illegal kasi mayaman naman siya para gawin pa yun.

"Salamat talaga Sheena..." gusto kung tanungin sa kaniya si... "...alam ba ni Ethan na aalis ako?" alam niya kaya? Hindi siguro, kasi kung alam niya, alam ko naman na hindi siya papayag na umalis ako.

There is a part of me na naniniwala pa rin na mahal niya ako.

Minahal namin ang isa't-isa sa maling oras.

O talagang minahal ko lang ang maling tao.

Baka nga mag forever alone pa ang drama ko eh.

Pero what ever awaits me on the other side of the world, sana it's for the better.

Kasi kung para sa'kin si Ethan, para talaga siya sa'kin. Mahal ko naman siya eh, pero ayokong maging dahilan yun para lang mahalin niya rin ako.

Alam ko na mahal niya ako.

"Actually, he knows." parang binuhusan lang ako ng mainit na tubig.

Alam niyang aalis ako? Pero ba't di man lang niya ako pinigilan?

"H-ha?"

"He knows that you are going Sophia, tingnan mo..." kinuha niya yung ticket sa kamay ko at binuksan, "... see his name? Siya ang nagpakuha ng ticket mo Sophia, siya pa nga ang nagsabi sakin na umalis ka na agad eh. Tingnan mo, kaya nga nakapangalan sa kaniya yan eh."

Hindi ko maintindihan, pero pangalan nga ni Ethan yun.

ETHAN TYLER SY

Sobra pa pala sa alam niya na aalis ako, siya pa ang nagpapaalis sa'kin.

Pinipilit kung pigilin ang luha ko, kailangan kung maging matapang!

Kaya ko 'to!

Lalaki lang yan! Malayo sa bituka!

*Flight 27 bound for Paris-one way- please proceed to gate 7*

Flight ko na yun.

"Stop emoting Sophia, oh ayan na ang flight mo. Go! Have a new life"

Huminga ako ng malalim.

Iiwan ko na siya.

Lahat ng promises.

Lahat ng tungkol sa kaniya.

Iiwan ko na.

Magisismula ako ulit.

Parang iiyak na ako.

"Thank you." sabi ko kay Sheena at naglakad na.

Ayokong makita ka ulit Ethan, pero kung talagang darating ang araw na makasalubong mo ako. Sana maalala mo ang araw na minahal kita ng todo. Tang inang buhay to oh!

Palapit na palapit na ako sa gate 7.

Aalis na talaga ako.

Sheena's POV

Halos magkaka-strain na ako sa leeg sa kakalingon kung naka habol ba si Kuya.

Shit na babae yun. Ang tagal pang maglakad.

At pesteng mga katulong, nagsumbong pa sa mga spy ni kuya.

Paano kung nakarating nga kay Kuya ang balita na paalis na si Sophia?

Bwisit lang!

"Maam, kailangan na po tayong umalis, bawal po ang hindi passengers dito." nauna na akung naglakad sa PSG ko.

Mabuti pa nga at baka maabutan pa ako ni Ku--

"Sheena? Anung ginagawa mo dito?"

"Kuya?" Nakita niya kaya si Sophia?

"What are you doing here?" what will I tell him? Na hinatid ko ang girlfriend niya?

Shit!

Dapat umalis na lang ako agad.

"Ahh..Uhhmm..Hinatid ko lang yung friend ko, you know..the one na kinunan ko ng ticket." I said. Hinahanap niya kaya si Sophia? "Ikaw anung ginagawa mo dito?"

Hindi niya na ako sinagot, pero tumakbo na siya papuntang info desk.

I'm sorry kuya, but you're too late.

9:11 p.m.

*flight 27 bound for Paris taking off*


Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now