Coincidence

93.4K 1.4K 30
                                    

33. Coincidence

Kakatapos lang ng program at ang mga tao ang may sari-sarili ng business. Ang papa ni Ethan at ang soon-to-be stepmom niya ay tulad pa rin ng nakagawian, kausap ang mga prominent businessmen sa mundo, ganun din naman si Ethan.

"Mr. Han nahanap na po namin si Mr. Sy, pero si number 821 hindi pa po." sabi ng body guard.

"Tonto! Samahan mo ako at gusto kung makausap si Mr. Sy." Yun nga at pinuntahan nila si Ethan.

Nakita nila si Ethan sa foyer, kausap ang masugid niyang Butler.

"Iwan niyo na ako. Ihanda niyo ang sasakyan at aalis na rin tayo." utos ni Mr. Han sa mga guard niya. Tapos niya na ang pakay niya kaya pwede na siyang umalis.

Agad naman silang umalis.

Naglakad papalapit si Mr. Han kay Ethan.

"Mr. Sy!" he said with a cheerful greeting.

Hindi ineexpect ni Ethan na makita niya si Mr. Han dito. Ngayon pa na engagement ng papa niya.

"What the hell are you doing here?" gulat niyang tanung.

"I'm here to check on my Sophia..." sagot ni Mr. Han.

"She's not yours, I bought her. She's mine." tulad pa rin ng dati, hindi pa rin mapigilan ni Ethan ang magalit sa tuwing may umaangkin kay Sophia na iba. He remembers the night she was bought from an auction. It will never happen again.

Pero ngayon, hinahanap niya si Sophia. WALA PA SI SOPHIA.

"Yes..." kindat ni Mr. Han na nakaramdam ng tension, mali ata na pinaalis niya ang guards niya.

"A-are looking for her?" hindi matago ni Ethan ang kaba, anung sasabihin niya?

Wala siyang maihaharap ng Sophia.

"Yes, actually I already talked to her. I just wanted to see you at eto, paalis na nga." kaswal ng sagot ni Mr. Han na parang wala langm.

"Nakausap mo siya? " gulat na tanung ni Ethan. Paano niya makausap eh hindi nga nakita nila Butler Chad si Sophia.

"Yes, she was here awhile ago. Bigla ngang umalis when I told her about the checking, maybe it's your fault hindi mo ata nasabi. Andito lang yun." parang wala lang talaga kay Mr. Han, pero para kay Ethan his heart is pumping wild.

What a mad coincidence!

Andito siya!

Pero bakit hindi siya nagpakita?

(earlier that night)

Author's POV

"Sir hindi pa namin nakikita si number 821." sabi ng isang bodyguard ni Mr. Han. Nakapasok mismo sila sa venue/bahay ng mga Sy.

Hindi naman talaga mahirap basta isa ka lang sa mga kilalang tao.

Sa sobrang daming tao hindi na rin nila mahagilap kung saan si Ethan o yung Butler niya man lang. Basta ang pakay nila ngayon ay si Sophia.

"Bwisit! Hanapin niyo si Mr. Sy! Imposibleng wala ang babaeng iyon dito!" pagpipigil ni Mr. Han.

Agad namang umalis ang mga body guard niya at naiwan siya sa ibang mayayamang naging customer rin ng market nila.

"So how is the business going?" tanung ng isang multi-billionaire.

"Doing great actually..." tawa ni Mr. Han na parang nagmamalaki pa. Ayaw niya kasi ang nagiging tuta ng mga sira-ulong mayayaman tulad nila.

"Customer mo rin ba ang mga Sy at nandito ka Mr. Han?" tanung ng isa pang businessman.

"You know that's confidential Mrs. Ramirez" sabay kindat.

Hinihintay niya na lang ang balita ng mga body guards niya ng may mahagip ang mata niya.

She came unexpected, he saw her instantly, parang ganun lang.

Sitting alone in a couch na parang may hinihintay, maybe Ethan? surrounded by strangers.

Halos mabaliw na ang mga body guards ni Mr. Han sa kakahanap sa kaniya. She was just their all along, hindi mo talaga siya mapapansin, she is far more different than the first time he laid her eyes on the beautiful girl. Sophia De Guzman

Sophia's POV

"Sophia..." napalingon ako sa taong tumawag sakin.

Mr. Han?

Anung ginagawa niya dito? Andito siya? B-bakit?

"It's been along time since I saw your face..." sabay abot niya sakin ng champaign glass. Dahan-dahn ko namang inabot tapos umupo siya sa tabi ko.

"A-anung ginagawa mo dito?" I managed to say my words. Kahit sa tagal na ng panahon, hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Same face, same smile. Ang lalaki sa black market.

"Hindi mo alam? I guess Mr. Sy didn't tell you that we're having a checking..." ano daw?

"C-cheking?" Hindi ko siya maintindihan. Nasan na ba si Tristan? Ayokong kausap ang taong to, nandidiri ako.

"Yes. At hindi ka rin ata nasabihan tungkol sa ganiyan Hija. Checking. Yung kasama sa warranty. Pag nalaman naming nawala ka sa poder ng amo mo, hahanapin ka namin at pupugutan ng ulo. Not without a permit from us. Yung ganun." CHECKING? PUGUTAN NG ULO? Bakit hindi ko to alam?

So ibig sabihin timing lang na nagkita kami dito ni Mr. Han at nakita niya pa ako dito sa engagement ng Papa niya. Na hindi ko naman talaga planong makipag kita ngayon kay Ethan.

Tiningnan ko si Mr. Han na parang naiinip na.

"Ngayong nakita mo na ako Mr. Han, does thiis serves as a renewal?" tanung ko. Parang ba tong pawnshop o ano?

"Yes. Absolutely, the next checking will be next year until matapos ang 10 years." so hanggang 10 years pa tong checking na to. Kung hindi, mamamatay ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang patakaran nila, pero nakaka suklam.

Tumayo na ako agad. Ako na lang ang maghahanap kay Tristan. Ayoko na dito, naiinis ako. NAIINIS AKO!

Hindi man lang sinabi ni Ethan na mamamatay pala ako kung aalis ako. Para akung sasabog!


Sold For Ten MillionKde žijí příběhy. Začni objevovat