Searching

102K 1.6K 77
                                    

21. Searching

Sophia's POV

It's been days simula nung tumira ako sa bahay ni Tristan, hindi na nga kami lumalabas ng bahah. Hindi ko na rin nga napapansin. Namimiss ko na si Ethan. Oo, sinaktan niya ako, pero mahal niya kasi ako.

Isipin niyo na ang lahat ng mali sa kaniya, pero mahal ko siya.

Pero bakit ako umalis?

Simple lang naman kung iisipin talaga.

Ang katayuan niya. Ang taong nakapaligid sa kaniya. Si Sheena.

Naaawa ako kay Ethan, sobrang mahal na mahal ko siya. Hindi kami bagay.

Noong gabing umuwi ako at galit na galit siya at nangyari yung hindi dapat, pwede naman akong makatakas. Pwede naman akong gumawa ng paraan para hindi matuloy ang ginawa niya. Pero ayun, I stayed with him habang nagagalit siya.

Hindi ko yun pinagsisisihan, dahil galit lang siya. Hindi niya naman kasalanan.

Napasobra lang ata ang nasabi ng pesteng kapatid niya.

Gusto kung balikan si Ethan at magpaliwanag, namimiss ko na siya. Sobra.

Pero yun na rin siguro ang sign na kailangan ko na siyang layuan.

Masyado ng complicated.

Kung yun pa lang ang nakayanang gawin ni Sheena, paano na lang pag nag stay pa ako dun sa bahay? Paano na si Ethan? Sasaktan ko lang siya ng paulit ulit dahil sa mga paulit-ulit din na maling sumbong ni Sheena. Ayokong mahirapan siya. Ayokong lagi na lang niya akong iniisip.

"Are you okay?" Tinanung ako ni Tristan na may dala pang juice. Malaki rin ang utang na loob ko sa lalaking 'to.

"Oo naman." Nginitian ko lang siya. Paulit-ulit na lang ang sinasabi ko.

"Kakausapin mo na ba siya?" Lagi niya na lang sinasabi sa'kin na kausapin ko daw si Ethan, ayoko nga. It's either eepal na naman yung pesteng Sheena na yun o hindi na talaga ako gustong maka-usap ni Ethan.

"Hindi nga Tristan! Bakit? Paalisin mo na ba ako?" sabi ko.

"Sophia ha! Hindi nga. Dito ka na lang sa'kin kung gusto mo." Mga banat mo Tristan. Oo nga pala, hindi naman talaga alam ni Tristan ang mga nangyayari, pinagtatagpi niya na lang siguro ang mga story.

"Akala ko ba aalis ka papuntang London?" sabi ko. Feeling ko kasi hindi na 'to nagtatrabaho eh.

"Uhm.Yep"

"So kailan?" maiiwan pala ako dito.

"Pag naka get over ka na diyan sa drama mo, isasama kita."

"BAKIT?!" isasama ako?

"I don't want you to stay here alone!" he said smugly.

"BAKIT?! Wala naman akong gagawin dun eh, okay lang naman na maiwan ako dito tapos-"

"Will you shut up Sophia? Isasama kita, gusto mong maiwan dito? Sinong kasama mo?" tiningnan niya lang ako na parang ewan

"Ano ba Tristan! Wala akong panggastos." Hindi ako mag-eenjoy!!

"Butter, who told you you're going to spend a penny?" mukha nito, parang kunsintidorang lalaki.

"Tigilan mo nga ako Tristan!"

"O baka naman, hindi mo siya maiwan?" Sino?

"Si Ethan?"

"Yep."

Kailangan siguro umalis na rin ako, sasama na lang kaya ako kay Tristan para makalimutan ko na rin si Ethan? Kalimot agad? Di ba pwedeng cease fire muna?

Wala lang naman.

Basta!

Hindi ko pa alam ang gagawin ko sa ngayon!

"O ano sama ka na?"

Hindi ko alam.

----

"Get out of my office now!" Sigaw ni Ethan sa secretary niya.

Since Sophia left, lagi na lang siyang ganiyan. Parang tulad ng dati, mainitin ang ulo, laging busy at subsub sa trabaho.

Nagmamadali namang umalis ang secretary niya at papasok naman sa office niya si Sheena.

"Kuya calm daw, ang aga-aga pa."

Hindi lang siya pinansin ni Ethan.

Ganito ang ginagawa niya, pinapatay niya ang sarili niya simula nung umalis si Sophia. Hindi niya matanggap na wala na siya, ni wala man lang tawag o ano.

Ang huling sabi ni Sheena sa kaniya, nasa bahay daw ni Tristan si Sophia sabay latag ng pictures na kuha ng mga spy niya.

Kaya mas lalo pang nagalit si Ethan.

Gusto niya mang makausap si Sophia, paano? Nasa bakod siya ni Tristan Cartaleja.

"Kuya, let her go. She doesn't deserve you." Ang sabi naman ni Sheena ng mapansin niyang tulala naman si Ethan.

Iniisip niya naman si Sophia at alam yun ni Sheena kaya iniiwasan niyang mangyari yun.

Hindi lang siya kumikibo but deep inside him, he's looking for her-her touch, her smell. Parang kailangan lahat yun ng sistema niya.

"S-sir?" pumasok sa office ang isa niyang secretary.

"What?"he snapped.

"Butler Chad is in line 2 sir" sabi ng secretary at marahang sinara ang pinto.

Tumingin si Ethan sa kapatid niyang inuusisa ang palm tree na pinalagay ni Sophia sa office ni Ethan dati.

"Sheena get out, I have business to settle." He told his sister. Tinaasan lang siya ng kilay ni Sheena.

"Talaga kuya? Whatever." Tapos naglakad na palabas.

Nang makita ni Ethan na wala na si Sheena, kinuha niya ang telepono at kinausap si Butler Chad.

"Where is she?" sabi niya sa kabilang linya.

"Tama po si Señorita Sheena, nasa bahay po siya ni Tristan Cartaleja, pero ayun po sa mga katulong nila, magkaibigan lang naman daw po sila at halos wala ngang ginagawa sa bahay..." Nakikinig lang si Ethan, pero at the back of his mind, alam niyang nagkakamali lang siya.

"...ayun din po sa mga nakausap ko, lagi na lang pong kinakausap ni Tristan ang tungkol sa nangyari kay Miss Sophia, hindi lang po namin masiguro kung tungkol po yun sa..sa inyo." he sighed. Hindi niya na alam ang iisipin niya, mas maganda siguro kung kakausapin niya na lang muna si Sophia. Pero kaya niya kaya? Paano? Tama rin ba?

And yes, he sent Butler Chad to look for Sophia at kung ano na rin ang nangyayari sa kaniya.

Ang tagal ko siyang hinanap, tapos isusuko ko na lang? Tangna! Akin yun eh! Tapos iba lang ang makikinabang? Bayad sa hindi, akin yun.

Yan ang lagi niyang iniisip sa tuwing nag-iisa, everytime na naalala niya si Sophia. Ang mga ngiti niya, the way she made him smile like no woman did.

"Is that it?" tanong niya kay Butler Chad.

"May nasabi rin po sila tungkol sa unscheduled trip to London, hindi po namin alam kung kelan. Hindi rin nila alam kung kasama ba si Miss Sophia." Mas nagulat si Ethan.

Aalis si Sophia?

"Find some information about Sophia's flight, and make it fast."

"Sige po."

He slumped back to his seat at nag isip. Nag-aalala siya kung aalis nga ba si Sophia, iiwan na ba talaga siya nito?

Hanggang doon na lang ba yun?

While he was occupied in his thoughts, kanina pa pala nakikinig si Sheena sa pag-uusap ni Ethan at Butler Chad. She was hiding sa likod ng door.

So ano namang plano niya?

Sold For Ten MillionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora