Chapter 16 Francis' Gain Clarence's Pain

Start from the beginning
                                    

Clarence was half way across us when Owens strode towards him to stop him.

"Hey fag, mukhang nagkamali ka ng pinuntahan." Bungad ni Owens.

"Get out of the way! I want to talk to Francis." Sambit naman nito sabay tuloy sa pag lakad.

Bahagya naman syang tinulak ni Owens. Yung dating nakangiting mukha pagpasok ng gym ngayon ay seryoso na.

"Oii Francis ikaw pala ang hinahanap nito eh." Sigaw ni Owens. " Balita ko lumalabas daw kayo nito? Sigaw ulit nito. " What the fuck!... In his dream." Sambit ko naman.

Bigla naman tumayo si Beam para lumapit sa kanila habang si Arkee at Ryan ngumingiti ngiti lamang habang nanunuod tila ini enjoy yung palabas nung dalawa.

"Putcha! Iba ka rin noh. Hindi lang makapal ang mukha, ilusyonada pa. Ilusyonadang bakla! Sigaw naman ni Beam sabay tawanan naman yung dalawa.

Hindi na nakakibo si Clarence, animoy natulala lang sya dahil sa takbo ng mga pangyayari. Tumayo naman ako para pigilan na yung dalawa. Papalapit naman ako ng, "Hey Fag, wanna suck my dick? Panunudyo pa rin ni Owens. 

Medyo nahimasmasan naman si Clarence sabay sambit  ng" Suck your own dick you dickhead!"

"Aba loko to ah" Sagot naman ni Owens sabay tulak kay Clarence kaya napa upo naman ito sa sahig. "Choosy ka pang bakla ka."Dagdag pa nito.

"Hey! hey! guys that's enough." Sigaw ko naman. " Tara na! Iwan na natin yan." Yaya ko sa dalawa para tigilan na nila si Clarence. Tumayo naman sina Ryan at Arkee para sumunod sa amin. Paglingon ko nakaupo pa rin si Clarence sa sahig at wala pa ring imik.

---------------------------------oooooooooooooooooo-----------------------------------

[Clarence's POV]

Nitong mga nakaraang araw kapansin pansin yung pagbabago ni Francis, tila bumalik na naman ito sa dati nyang pag uugali. Parang umiiwas na rin syang makasama ang grupo dahil sa tuwing yayayain namin syang lumabas lagi syang may dahilan.

Ano naman kaya ang nakain ng ugok na yon at tila nag iinarte na naman ang leche. Ilang araw na rin syang hindi pumupunta na bahay para sa tutorial lesson nya. Baka naman tapos na yung pagpapatutor nya sa akin, pero bat hindi man lang nya  sabihin, ugok talaga yon. O baka naman busy lang talaga sya practice game nila, balita ko malapit na yung tournament nila sa ibang school. Pinaghahaandaan siguro talaga nila ng maigi. 

Ang mabuti pa sya na lang mismo ang tatanungin ko. After ng class hinanap ko agad si Francis. Natagpuan ko naman sya sa gym kasama ang mga impaktong alagad ng karimalan hehe. Bigla tuloy akong kinabahan. Lalapitan ko ba sya o hindi? Sabagay kakausapin ko lang naman sya wala naman sigurong mali dun.

Papalapit pa lang ako ng nakita ko biglang tumayo ang impaktong si Owens at tila may sinasabi sya sa mga kasama nya. Bigla tuloy bumilis yung pintig ng puso ko. Shet! wrong timing ata ako. Wala ng urungan nandito na ako.

Malapit na ako nang bigla akong hinarang ni Owens sabay bungad ng ""Hey fag, mukhang nagkamali ka ng pinuntahan."

Ewan ko ba bigla naman nanginig ang buong katawan ko siguro dahil mag isa lang ako pero nandyan naman si Francis eh for sure tutulungan ako nun. Kaya lakas loob kung sinabi "Get out of the way! I want to talk to Francis." Sabay lakad.

Pag kasabi ko nun bahagya naman akong itinulak ng impakto. This time kinabahan na ko ng bonggang bongga dahil naka upo pa rin si Francis at tila nagmamasid lang.

"Oii Francis ikaw pala ang hinahanap nito eh." Sigaw naman ng impakto. "Balita ko lumalabas daw kayo nito? Dagdag pa nito na lalo ko naman ikinagulat. Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari pero mas lalo kong hindi inaasahan ang isinagot ni Francis, " What the fuck!... In his dream." Sabay ngisi nya.

Beki and the Beasts (Completed)Where stories live. Discover now