LAST CHAPTER : I LOVE YOU

5.7K 92 9
                                    

JENESSA'POV

"Ang second game natin ay kaylangan ng bawat grupo na mahati sa panibagong apat na grupo, pero iisang grupo parin kayo. Ang apat na magiging leader ng bawat panibagong grupo ay pupunta sa apat na bike na nasa tubig." Coach.

"Habang ang ibang kasamahan niyo ay sa apat na bangka. Ang apat na taong matitira sa bawat grupo ay sasakay sa isang bangka at pipiringan ang dalawa niyong kasama, magbabangka kayo paikot sa bangka na yun at lalapit sa bike ng leader niyo... After that ang dalawang kagrupo na walang piring sa mata ay maiiwan sa bangka habang ang dalawa naman ay lilipat sa bike, pipiringan ang leader niyo at mag pipidal ang dalawa sainyo pabalik dito... Pag nakabalik na kayo, it's time para sa isang bangka naman... Hanggang sa matapos ang lahat ng grupo niyo... Kung sino ang unang matatapos na grupo ay siyang panalo." Mahabang paliwanag neto.

"Tandaan niyo, kaylangan niyong magtulungan kaya sir... Wag niyo na pong ulitin ang ginawa niyo kanina." Tumatawang salita ni coach. Sumimangot naman si Colton pero lumapit ito sa'akin at niyakap ako kaya kinumpulan na naman kami ng asar.

"Pag nanalo kami, hindi ko yun ginusto." Hinalikan ako neto sa pisnge kaya mamula ako ng husto, pinalo ko ito sa braso pero ngumisi lang ito sa'akin.

Agad na inayos namin ang grupo. Ako ang napiling ilagay sa unang leader sa bike kaya naman mabilis na hinatid ako doon, ang makakalaban ko sa dalawang bike ay sila Colton at Tricia.

Nagsimula na ang laro... Nakangiting nakatingin ako sa mga kasamahan kong hirap sa pag sasagwan sa bangka habang ramdam ko naman ang pagpapansin sa'akin ni Colton.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang kagrupo ko, agad na sumampa sa bike ang isang lalaking katrabaho ko at isang babae. Piniringan nila ako sa mata bago ako nagsimulang magpidal.

"Go Jenessa. I love you!" Sigaw ni Colton kaya napatawa ako kahit na hindi ko siya magawang lingunin, hindi ko din naman siya makikita dahil sa piring ko.

Hanggang sa makarating kami sa dalampasigan. Tinanggal ko na ang piring ko at nilingon agad si Colton, nag pipidal na ito at halatang nag eenjoy sa ginagawa niya... Parehas lalaki ang makasakay sa'kanya.

Ang lapad ng ngiti neto kahit nakapiring ay naiimagine ko ang pagkislap ng mata niya.

"Hooo! Go Colton!" Sigaw ko. Nang sumigaw ako ay lalong binilisan niya ang pagpidal.

Nang makarating siya sa dalampasigan ay agad ng sagwan ang isang kagrupo pa niya.... Habang ang kagrupo naman namin ay malapit na sa pangalawang bike... Habang sila Tricia naman ay nag pipidal pa rin siya papunta sa dalampasigan.

Lumapit sa'akin si Colton at niyakap ako mula sa likod. Hinawakan ko ang braso niyang nakayapos sa'akin.

"Ang galing mo." Bulong niya.

"Ikaw din." Sagot ko. Hinalikan neto ang ulo ko kaya lalo akong napangiti.

Nang matapos ang palaro ay muli kaming nanalo, sunod sila Colton at huli sila Tricia.

"Ito na lang muna ngayong araw. Mag enjoy kayo at muli tayong magkikita bukas ng umaga ulit dito." Salita ni coach pagkatapos ay naglakad na ito palayo.

Dahil maaga pa ay napagpasyahan ng iba na maglaro ng valleyball, habang ang iba naman ay naligo sa dagat. Binalaan pa kami ni Colton na kung pupunta kami sa malalim na parte ay siguraduhin namin na may kasama kaming magaling lumangoy at higit sa tatlo kami.

Si Tricia ay sumama sa ibang grupo, gusto sana siyang sumama sa'amin ni Colton kaso ay sabi neto na sa laguna na lang daw ako bumawi. Binanggit na din kasi pala sakanya ni Colton ang plano naming pagbalik sa laguna kasama ang barkada.

The MistressWhere stories live. Discover now