CHAPTER EIGHTEEN : STARTING TONIGHT

4.3K 88 12
                                    

VLAD'POV

Sinundan ko si Venus ng umakyat siya sa taas, dumeretso siya sa kwarto ng anak namin na ngayon ay tahimik na naglalaro ng mga laruan niya. Bumuntong hininga ako, nag aalala ako sa anak ko maging kay Jenessa na paniguradong nasaktan ng sobra sa inasal ko.

Lumabas si Venus kaya sinundan ko siya, dumeretso siya sa kwarto namin. Pag pasok namin sa kwarto namin ay mabilis kong inilock ang pinto.

"Honey kausapin mo ko." Hinawakan ko ang kamay niya pero agad ako netong hinarap at sinampal ng paulit-ulit napapikit na lang ako sa lakas at sakit neto.

"Wag na wag mo kong matawag-tawag n honey! Ang kapal ng mukha mo Vlad! Ang kapal kapal ng mukha mo!" Sigaw niya ksabay na pagpalo ng pagpalo sa dibdib ko.

Mabilis ko siyang niyakap kahit na patuloy siya sa pagpiglas pero ilang sigundo lang ay niyakap niya din ako.

"Paano mo nagawa saakin to, Vlad? A-akala ko hindi mo magagawa saakin to, Bakit?" Tanong niya habang nakayakap parin sa'akin.

Hindi ako sumagot dahil miske ako ay hindi alam kung paano ko nagawa iyon, hindi ko din alam.

"Totoo bang nakunan siya dahil inuna mo kami ng anak mo?" Tanong niya, kumirot ang puso ko. Oo sinisi ko si Venus noong una pero ng marinig ko kanina kay Jenessa ang bagay na iyon ay hindi ko matanggap.

"Hindi niyo kasalanan. Mahina talaga kapit ng bata noong nangyare yun, hindi ko siguro deserved ang magkaroon ng sariling anak kaya kinuha agad siya." Turan ko. Humiwalay ako sa yakap niya at hinawakan ang magkabilang pisnge niya.

"I'm sorry kung nagawa ko sayo ang lahat ng sakit na to. I promise, iiwan ko si Veinne once na makita kong okay na siya. Nag dedate sila ni C-olton, mahal na mahal siya ni Colton kaya magiging madali na lang ang lahat sa'kanya. Sa ngayon, kaylangan kong bumawi sa'kanya kasi may mali ako. S-ana hayaan mo ako, within this week makikipag hiwalay na ako. Magtiwala ka sakin." Unti-unti itong tumango bago ko siya dinampian ng mababaw na halik hanggang sa tuluyan itong lumalim.

JENESSA'POV

"Magpahinga kana muna. Puntahan mo ko if you need anything." Hinalikan ako neto sa noo bago ako iniwan sa katabing kwartong pinagdalhan sa'akin."

Umupo ako sa kama at inisip ang lahat ng nangyare sa araw na to.

Dahil sa mga nangyare kanina ay panigurado akong Makikipag hiwalay na sa'akin si Vlad. Hindi ko ata kakayanin pero kaylangan Kong maging handa. Masyadong masakit ang mga sinabi ko Kay Venus, nadala ako ng galit ko. Bumuntong hininga ako bago nagpasyang tumayo at pinuntahan si Colton sa kwarto niya.

"Gusto ko sanang uminom. Can you join me?" Tanong ko dito ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"Pasok ka" Turan neto. Pumasok ako at naupo sa isang maliit na sofa.

"Dito na lang tayo uminom o gusto mong sa pool area na lang?" Tanong niya.

"Dito na lang. Baka magwala ako, nakakahiya namang makita ng mga katulong mo na ganun ako." Pilit na ngiting turan ko.

"Papauwiin ko na muna sila. Kukuha lang ako ng maiinom natin sa baba"

Hindi na neto iniintay ang sagot ko, bumaba na ito iniwan ako netong magisa sa kwarto niya

Ilang minuto pa ang lumipas ay bumalik siyang may dalang alak  na branded. Ngumisi ako at naupo ng maayos sa sofa habang si Colton ay naupo sa tapat ng inuupuan ko.

"Do you want lemon?" Tanong niya. Umiling ako.

"Okay na to. Gusto kong magpakalasing." Turan ko. Tinitigan ako neto kaya tumawa ako.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon