CHAPTER NINETEEN : LIVE IN

4.7K 94 13
                                    

JENESSA'POV

Nagising ako ng maramdaman ko ang paggalaw ng higaan mula sa gilid ko. Dumilat ako at nakita ko si Colton na naglakad papunta sa mini-kitchen niya, hindi niya napansin na nagising ako kaya naman nakangiting pinagmasdan ko ang lahat ng ginagawa niya na pag lumilingon siya sa'akin ay pumipikit ulit ako.

Narinig ko ang yabag neto kaya hindi na muna ako dumilat, nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto mula sa gilid ko sa bandang itaas ko ay dahan dahan akong dumilat ulit at maingat na nilingon ito.

Nakatalikod mula sa'akin si Colton. May hawak itong tasa sa kaliwang kamay niya habang ang isang kamay niya ay nakasandal sa railings ng veranda niya.

Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga ko para sana wag maabala si Colton pero naging hindi sapat ang pagiingat ko dahil naramdaman parin neto ang paggalaw ko, nilingon ako ni Colton.

Lumapit ito sa'akin at nagawa pa niya akong halikan sa noo, he's wearing a black sando and blue boxer. While me is wearing a white sando (his sando) and a red boxer (his boxer). Ramdam na ramdam ko tuloy ang pamumula ng pisnge ko.

"Want some coffee or milk?" Tanong neto.

"C-hocolate." Tumango ito. Binuksan neto ang mini ref niya at kumuha doon ng isang chocolate, kinuha niya ang isang lutuan na ginagamitan ng kuryente at inasikaso ang inirequest ko sakanya.

Lumapit ako sa'kanya, sumandal ako sa dingding at tinitigan ang bawat pag-galaw niya.

"Before, i never see myself in this kind of situation." Nakangiting turan niya habang hinahalo ang chocolate.

"Hindi niyo ba nagawa to ni Venus?" Tanong ko. Tiningnan ako neto saglit na may ngiti sa labi.

"No. Laging school lang ang relasyon namin, 1 year and 3months nung napagpasyahan naming itigil na dahil busy ako sa paghandle sa company at sa pag-aaral."

Kumuha ito ng tasa at isinalin ang ginawa niyang chocolate, inabot niya ito sa'akin na agad ko namang tinanggap. Kinuha niya ang tasang may lamang kami, sabay kaming pumunta sa veranda. Umupo kami sa isang mahabang sofa na nandoon.

"After niya, hindi ka talaga nagkagusto sa ibang babae?" Tanong ko. Kumunot ang noo netong humarap sa'akin, na siyang ikinailang ko na naman.

"Nagkagusto ako after her. Hanggang sa lumalim yung nararamdaman ko sakanya at dinala ko hanggang ngayon." Nakangising kwento niya, ngumuso naman akong nag-iwas ng tingin sa'kanya.

"S-o walang nangyare sainyo? Kasi sa school lang naman kayo kamo naging laman." Naiilang na tanong ko. Humalakhak ito na ikinalingon ko sa'kanya.

"Required ba sa isang relasyon ang seksyual?" Hindi ako sumagot. Bumuntong hininga eto. "Walang nangyare sa'amin. I don't know, marami namang pagkakataon na pwedeng mangyare yun pero naging hindi sapat na rason sa'akin yung mahal ko lang siya para gawin namin yun." Salita niya at muling humigop ng kape.

"Ano bang sapat na rason yung gusto mo?"

"Gusto ko yung mahal na mahal ko, yung willing akong ibigay ang buong buhay ko para sa'kanya. Yung babaeng masasabi kong, siya na talaga." Salita niya. Ibinaba niya ang tasang hawak niya sa maliit na lamesa.

"You mean..."

"Actually, hindi ko makita kung ano bang meron ako sayo... Pero isa lang ang alam ko" Tumitig ito sa mga mata ko na siyang nilabanan ko naman agad. "Willing akong maghintay hanggang sa dumating yung araw na masasabing kong 'finally, she's all mine." Turan niya habang hindi pinuputol ang titig niya sa'akin.

"Hindi ko hahayaan na makita kang nasasaktan, hindi ko kayang makita kang nalulungkot. And aminado akong willing akong maging martry para sayo." Turan niya.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon