CHAPTER EIGHT : JEALOUS

4.8K 85 3
                                    

JENESSA'POV

Kinabukasan ay wala na si Colton sa tabi ko. Hindi ako nadisappoint pero pagpasok ko sa company niya ay nagtaka akong hindi ito pumasok. Hindi kasi ito nagsabi sa'akin gayong ako dapat ang unang makaalam.

Tanghali na at hindi parin siya pumapasok, hindi din ito nag text kahit na kanino. Napakagat ako sa labi habang hawak ang cellphone ko na nakascreen sa private number niya.

Meron ako neto dahil ibinigay niya ito sa'akin incase of emergency. Bumuntong hininga ako ng pindutin ko ang call.

Ilang ring ang lumipas ng tuluyan netong sagutin ang tawag ko pero kunot noong napatingin ako kung saan ng makarinig ako ng pag-ubo.

"Sir?" Tawag ko dito. Hindi ito sumagot bagkos ay ilang pag-ubo pa neto ang narinig ko. "Okay ka lang ba Colton?" Tanong ko.

"Sorry, im not really feeling well." Pagkatapos ay nakarinig ako ng kung anong nagbagsakan.

"Pupuntahan kita diyan. Nasa bahay niyo ba ikaw?" Rinig ko rin ang paghinga neto ng malalim.

"Yes. Please come here."  Pag katapos netong sabihin ay pinatay ko na ang tawag ko. Tumayo na din ako sa pagkakaupo ko at kinuha ang bag at susi ng company car na pinapagamit niya sa'akin.

"Saan ka pupunta?" Salubong sa'akin ni Sir Michael. Huminto ako sa paglalakad, nilingon ko ito na siyang nasa likod ko.

"May sakit si Sir Colton. Pupuntahan ko siya." Sagot ko pagkatapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa elevator.

PAGDATING ko sa address na itinext sa'akin ni Colton ay hindi ko maiwasang mamangha. Hindi siya mansyon pero malaki ito, lalo na ng pagbuksan ako ng katulong nila.

"Si Sir Colton?" Tanong ko.

"Si Sir Finley po ba?" Tanong neto. Tumango ako. "Nasa taas po siya." Sabay turo niya sa taas."

"Kumain na ba siya?" Tanong kong muli.

"Hindi pa po. Hindi po niya kami pinapapunta sa kwarto niya, kahit po sa chef niya ay hindi po niya pinapapunta doon." Ani neto.

"Alin ang kwarto niya?" Tanong ko.

"Yung huling pinto po sa kaliwa." Tumango ako at iniwan na ang maid doon. Naglakad ako papunta sa hagdan. Pag-akyat ko ay kumaliwa ako at pinuntahan ang huling pintuan. Nang marating ko iyon ay agad akong kumatok.

"Colton?" Tawag ko dito pero walang sumasagot ka. Muli akong tumawag ngunit ng hindi pa ito sumagot ay nagpasya akong buksan na ang pinto.

"Oh my gosh! Colton!" Sigaw ko dito ng pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko itong nakahiga sa sahig. "Tulong please!" Sigaw ko. Nilapitan ko ito at halos mapaso ako sa sobrang init neto.

"Oh god! Anong nangyare sayo?" Sobrang pagaalala kong turan.

Maya maya pa ay dumating ang dalawang katulong, tinulungan nila akong buhatin si Colton papunta sa kama neto.

"Salamat. Iwan niyo na kami." Ngiting salita ko. Pag alis nila ay saktong pagmulat naman ni Colton.

"Hmm"

"Colton? Hey? Anong nangyare sayo?" Tanong ko. Umiling lang ito. "Gusto mong kumain?" Umiling ito. "No. Kaylangan mong kumain. Mag papaluto ako ng sopas." Salita ko.

"Can you cook?" Nahihirapang tanong neto sa'akin. Tumango naman ako sa'kanya.

"Sige. Ako na magluluto. Diyan ka lang hah? Sabihan ko lang sila na ihanda ang kaylangan." Tumango ito kaya naman tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama niya at lumabas ng kwarto.

The MistressWhere stories live. Discover now