CHAPTER SIXTEEN : BACK TO REALITY

4.1K 79 8
                                    

JENESSA'POV

Nang dumating mula sa store sila daddy ay may dala na silang meryenda na siyang kinain naman namin kaagad.

Naging ilang ako kay Colton dahil narin sa namagitan sa'amin kanina, alam kong halik lang iyon pero para sa'akin ay naging espesyal ang halik na iyon. Doon niya sinabi at pinaramdam saakin kung gaano ako kaespesiyal sa'kanya.

"Pagkauwi natin ay sasalang agad tayo sa meeting. Kaylangan na nating umuwi bukas ng hapon" Biglang salita ni Colton. Nagkatinginan naman kami nila mommy na tila nalungkot kami sa binalita niya.

"But we will go back here if we have time, pero that time kasama naman natin sila Hans." Turan neto. Nilingon ko siya at nginitian.

"Kelan mo pala nakilala sila Hans?" Biglang turan ni daddy. Unang nameet kasi nila daddy sila Janeth nung time na kumuha ako ng rent house sa makati, pinakilala ko sila daddy sa'kanila.

"I know them for 6years. Mag kaschoolmates po kasi kami nung college. Magkasama din kami sa basketball team." Turan ni Colton, napatitig pa ako sa'kanya dahil totoong hindi ko siya napapansin noon.

"So kilala mo na din noon si Jenessa?" Biglang tanong ni mommy.

"Yes. Palagi siyang nasa basketball practice namin. First time ko siyang nakita is nung nakabunggo ko siya, palabas ako ng gym while her is papasok pa lang. Tinarayan pa nga niya ko." Kwento niya. Nagsalubong ang noo ko sa sinabi niya.

"A-nong tinarayan! Hindi ko nga matandaan yun eh..."

"I still remembered what you said, Ay! Nawala na yung sinusundan ko! Nu ba yan! That's exactly what you said." Turan ni Colton. Nilingon ko naman sila daddy na tumatawa na.

"Sino namang... ikaw yung lalaking kala mong pipi!" Turan ko. Tumayo pa ako at itinuro niya.

"W-hat did you say?"

"Totoo naman diba? Hindi ka sumasagot nun nung kinakausap kita. Sinigawan pa nga kita dahil nakatulala ka lang." Sabay ngisi ko. Tinuro ko siya na kunwaring iniinis.

"W-hat? wala akong matandaang ganyan!" Tanggi neto.

"Nako. Crush mo na ko una pa lang! hah! ika.... Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng bigla itong tumayo at hinila ako palayo kila mommy.

"Mag uusap lang kami saglit po." Paalam niya kila mommy na agad namang tumango.

Hinila ako ni Colton papunta sa kusina. Natatawa pa akong aasarin sana to kaya lang ay bigla niya akong hinalikan sa labi. Sa sobrang gulat ko ay nanlaki ang mga mata ko pero agad akong nakabawi at napapikit. Naramdaman kong nilayo ni Colton ang labi niya sa'akin kaya dumilat ako.

Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko. "Stop chasing me infront of your parents or i will kiss you infront of them." Mahinang turan niya bago nakangising lumayo sa'akin bago naglakad pabalik kila daddy.

Pagbalik ko ay may pang-asar na ngisi sila daddy na tingin sa'akin pero hindi ko sila pinansin, kunwari ay busy na lang ako sa ginagawa ko.

"Pwede bang bumalik tayo sa simbahan bukas?" Biglang tanong ni Colton kaya nagkatinginan kami nila mommy.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pakasal na tayo." Turan neto. Napatulala na lang ako bigla sa'kanya, bumalik lang sa realidad ang sistema ko nang tumawa ng malakas si Colton kasabay ang malakas na halakhak din nila daddy. "Your reaction is so funny. hahahaha. your so cute hahaha" Tumatawang salita neto. Sumimangot ako na naging dahilan para unti-unting magseyoso.

Umubo pa ito kunwari "Gusto kong magpicture tayong apat doon. Napaisip kasi ako bigla na wala tayong remembrance." Nakangiting turan neto. Napangiti naman ako, sasagot na sana ako ng si daddy ang naunang nagsalita.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon