CHAPTER SEVEN : BETWEEN KISS

4.9K 112 12
                                    

JENESSA'POV

Hanggang ngayon ay inaasar parin nila ako at hiyang hiya naman ako kay Colton na ngayon ay hindi na mawala ang ngisi sa labi.

Hindi ko alam kung bakit ako nakuryente... Okay fine! Lahat naman siguro ganun sa'kanya diba? He's hot. Responsable leader and hmm. Handsome? Pero kahit ganoon alam kong si Vlad parin ang gusto ko.

"Tigilan niyo na si Jenessa." Biglang salita ni Colton na ikinatingin ko sa'kanya. Namula lalo ang mukha ko sa hiya.

"Tapos kana bang kiligin Finley?" Hans. Takang tinignan ko ito, tumawa si Colton na lalo kong... naming ikinagulat dahil ngayon ko pa lang siya nakitang tumawa ng ganyan, minsan kasi ay nakangiti o nakangisi at madalas ay nakasimangot ito.

"Stop chasing her. Baka anong isipin niya." Tumingin ito sa'akin habang malaki ang ngisi sa mga labi.

Sasagot na sana ako ng tumunog ang cellphone ko na nasa gilid ko. Kinuha ko ito at agad na napatayo nang mabasa kung sino ang tumawag. Dali-dali akong pumunta sa kusina ng hindi sila nililingon.

"H-i" Kabadong bati ko dito.

"Can you come here?" Bungad neto. Kumunot ang noo ko.

"Where?"

"7th floor, room 2097. I'm waiting." Pinatay neto ang tawag. Napatulala pa ako saglit habang pinoproseso ang sinabi neto nang mapagtanto ko ang sinasabi niya ay agad akong nag tungo sa kwarto, ramdam ko ang tingin nila pero hindi ko sila pinansin.

Kinuha ko ang jacket ko dahil na rin sa suot kong sando. Lumabas ako ng kwarto ko at sinalubong na naman ako ng mga tingin nilang nag tatanong, this time ay tiningnan ko sila at nag isip ng idadahilan.

"M-ay pupuntahan lang ako sa baba. May titingnan lang, t-umawag kasi yung kaybigan ko at nasabing nasa baba siya. Kakausapin ko lang siya saglit." Napatingin ako kay Colton na inosenteng nakatingin sa'akin.

"Sasamahan na kita." Colton. Tatayo na sana ito pero agad ko siyang pinigilan.

"N-o. I'll be quick. Pag medyo nagtagal na ako, may isa pang kwarto doon na kayo matulog." Salita ko. Tiningnan ko silang lahat lalo na si Colton bago ako nagpasyang lumabas ng unit.

Paglabas ko ay agad kong tiningnan ang bawat numero sa pinto. Nasa 7th floor na kasi ako kaya yung room number na lang ang hahanapin ko. Nang tuluyang makita ko ang number na siyang kalapit na ng elevator ay napalunok ako at napatingin sa unit ko, siniguradong walang lumabas para tingnan ako.

Nag doorbell ako, wala pang ilang segundo ay bumukas na ang pinto.

"V-lad." Naiiyak na turan ko dito. Ilang araw ko siyang hindi nakita at nakasama.

Hinila ako neto papasok. Pagkapasok ko ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"I miss you." turan ko. Tumulo ang luha ko. Niyakap din ako neto, maya maya pa ay lumayo siya sa yakap namin at muli akong hinila papasok sa unit.

"Sayo to?" Tanong ko. Umupo kami sa sala.

"Yes. Binili ko to kaninang umaga. Do you like it?" Tanong neto. Tumango ako habang nakangiti.

"Bakit?"

"Naisip ko kasing dito na lang tayo magkikita. Walang mag iisip na nagkikita tayo dito. I'll text you pag pupunta ako dito, ibibigay ko din ang password neto. Tayo lang dapat ang makaalam neto." Tiningnan ako neto sa mga mata. Tumango ako.

"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko. Patungkol ko doon sa nangyare noong lunes ng gabi sa company. Umiling ito na ikinadismaya ko.

Tumayo ito at may kinuha sa lamesa.. Wine ito. Tinungga niya ito at iniabot sa'akin. Natawa pa ako ng mapagtanto ang gusto niya. Kinuha ko ang wine at agad tinungga.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon