Inaasahan na ito nila Sect Master Noah pero hindi niya pa rin mapigilang hindi magulat. Napapaisip tuloy siya kung gaano karaming kayamanan mayroon si Finn Doria... Pero syempre, sa isip niya lang ito. Hindi siya nangangahas na maging ganid lalong-lalo na't alam niya kung gaano kalakas si Finn Doria noong 1st Level Sky Rank pa lang siya, ano pa kaya ngayong 2nd Level Sky Rank na siya.

Para ipakita niya ito sa kanila, isa lang ang ibig sabihin noon, tiwala si Finn Doria na hindi mangangahas ang iba na mag-isip ng masamang balak laban sa kaniyang angkan.

Nagdadalawang isip si Sect Master Noah kung magtatanong siya pero sa huli, nagtanong pa rin siya.

"Elder Creed... gusto ko lang malaman. Napakaraming Excellent Armament sa ikalawang palapag pero hindi pa ito ang hangganan ng gusaling ito kaya gusto ko lang malaman, anong nasa ikatlong palapag?" maingat na tanong ni Sect Master Noah.

Kahit na isa siyang Sky Rank Adventurer, hindi siya nagiging hambog at mapagmalaki sa harap ni Creed na isang 9th Level Profound Rank lamang. Ito ay dahil malaki ang respeto at pasasalamat ni Sect Master Noah kay Finn Doria kaya lahat ng malalapit sa binatilyo, lalong-lalo na si Creed, ay tinratato niya bilang kapantay.

Nang marinig ni Creed ang tanong ni Sect Master Noah, sandali siyang natigilan bago bahagyang ngumiti, "Sect Master Noah, ipagpaumanhin niyo pero sa ngayon, hindi ko muna masasagot ang inyong katanungan tungkol sa mga bagay na nasa ikatlong palapag. Nais ng aking anak na si Finn Doria na ipakita muna ang ikalawang palapag sa aming mga panauhin, at tungkol naman sa ikatlong palapag, sigurado akong malaki ang magiging bahagi ng lugar na 'yon sa mangyayaring pagtitipon."

Agad namang tumango si Sect Master Noah bilang tugon. Dahil plano ito ni Finn Doria, syempre hindi na siya nagtanong pa ukol dito. Inilibot niya lang ang kaniyang paningin sa mga Armaments na nasa haligi bago tuluyang napabuntong hininga.

"Isang karangalan ang makakita ng ganito karaming kayamanan. Tungkol naman sa ikatlong palapag, kaya namin na maghintay kahit taon pa ang abutin dahil para sa kagaya nating mga adventurers, ang ilang paghihintay para sa mahalagang bagay ay balewala lamang." Nakangiting sambit ni Sect Master Noah. "Isa pa, sigurado naman ako na darating din ang iba rito isa o dalawang buwan hanggang ngayon. Pag dumating na sila, malalaman ko rin ang mga bagay na nasa ikatlong palapag."

Nagsimula ring tumawa si Creed nang marinig niya ito. Inaya niya na sina Sect Master Noah at Elder Marcus patungo sa kanilang matutuluyan habang naghihintay sa iba pa. Nagkaroon din ng kaunting kasiyahan sa pagitan ng mga Elders at nina Sect Master Noah kinagabihan, at lahat sila ay natikman ang alak na nagmula kay Finn Doria.

"Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na alak! Higit pa roon, ramdam na ramdam ko ang kaunting enerhiya sa bawat kopita ng alak na aking iniinom." Sambit ng namumulang si Elder Marcus. "Nakalulungkot lang na wala na itong gaanong epekto sa kagaya kong 9th Level Profound Rank... Pero masarap naman ito kaya sulit! Haha!"

Bawat isang adventurer sa silid ay makikitaan ng kasiyahan at pananabik sa kanilang mga mukha. Malinaw na masaya ang mga ito habang kumakain at umiinom ng alak na nagmula kay Finn Doria.

--

Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigit isang buwan na simula noong ipabatid ng Adventurers Guild ang misyon ni Finn Doria sa mga maiimpluwnsyang Adventurers sa Sacred Dragon Kingdom.

Sa loob ng mahigit isang buwan na ito, muling nagbalik ang pinuno ng Black Chain Organization na si Chain Levor. Sinalubong ito nina Creed Doria at ng iba pang mga Elders ng Azure Wood Family. Hindi pa rin nagpapakita si Finn Doria sa madla kaya naman naisip nila na marahil nagsasanay ito o nagninilay-nilay.

Hindi lang si Chain ang dumating sa Azure Wood Family noong mga panahon na nakalipas. Dumating din ang mga Family Head ng Earth Sieve Family, Wind Lightning Family, Vermillion Bird Family at higit sa lagat, ang bagong pinuno ng Nine Ice Family na si Cleo Frois.

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Where stories live. Discover now