Part 2

2.8K 90 4
                                    

"INTO this holy estate, these two persons present now come to be joined. If any person can show just why they may not be joined together, let them speak now or forever hold their peace."

Ang mga salitang iyon ng pari ang naabutan ni Lea nang makapasok na siya ng simbahan. Kitang-kita niya ang pagkabigla ng anak. Namutla ito. Agad na lumapit siya rito at hinawakan ito sa kamay.

Sumunod na nilingon niya si Alexis na nakatayo hindi kalayuan sa kanilang mag-ina at mukhang hindi pa nararamdaman ang presensiya nila. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkuyom ng mga kamay ng binata.

Utang na loob, Alexis. Do something. Kinakabahang naisaloob niya. And only then will I have the courage to do something as well.

"Itigil ang kasal!" Mayamaya ay umalingawngaw ang boses na iyon ni Alexis sa buong simbahan. Narinig ni Lea ang pagsinghap ng karamihan sa mga bisita roon kasabay ng pagbaling ng atensiyon ng lahat sa binata... at sa kanilang mag-ina.

"Axis?" Nabiglang sinabi ni Diana.

"Hindi mo siya pwedeng pakasalan, Diana. You can't do that especially now that you're pregnant with my child." Lalong lumakas ang bulungan ng mga tao sa paligid sa panibagong rebelasyon ni Alexis.

Kilala na ni Lea si Alexis, matagal sila nitong naging magkaibigan at magkatrabaho bago sila nagkaroon ng mas malalim pang relasyon hanggang sa mag-break sila. Alam niya na kung kailan ito nagsisinungaling, kung kailan ito nagpapanggap o kung kailan ito nagtatapang-tapangan lang. Gaya na lang nang mga oras na iyon. Alam niyang nagsisinungaling lang ito. Kabisado niya na ito dahil pareho lang sila. They were both the fools who crossed the boundaries and fell in love with their best friends. And now, they were suffering the consequences.

"Daddy, I hate you! You lied to me! Ipinagpalit mo kami ni Mommy sa iba! I don't ever wanna see you again, Daddy!" Ang matining na boses naman na iyon ni Janna ang sumunod na umalingawngaw sa buong paligid. Bago pa mamalayan ni Lea ay mabilis na kumawala na sa kanyang pagkakahawak ang anak. Umiiyak itong tumakbo palabas ng simbahan.

"Janna, wait!" Nagmamadaling hinabol ni Lea ang anak. Pero lalo pang binilisan ni Janna ang pagtakbo nito hanggang sa makarating sila sa kalsada. Kumabog ang dibdib niya nang makita ang isang paparating na sasakyan na mabilis ang pagpapatakbo. "Janna, watch out!"

Pero dere-deretso pa ring tumawid ang kanyang anak. Halos tumigil ang buong mundo niya nang makita itong nahagip ng isang kotse. Walang malay na bumagsak ito sa sementadong kalsada.

"Janna!" Parang mababaliw na pagsigaw niya.

Nilapitan ni Lea ang anak. Nanginig ang kanyang mga kalamnan nang makita ang dugo na umaagos mula sa ulo nito. Napahagulgol siya.

Diyos ko... I know that love is not just about the good and the romantic things. Tanggap ko naman po na may mga kahinaan rin ang pag-ibig. It brings sadness, frustrations and pain. Pero 'di ba po sabi nila ay may magandang bagay rin daw na dulot ang pag-ibig? Bakit po gano'n? Nang mahalin ko po si Jake, puro 'yong mga negatibong bagay ang inihatid sa 'kin ng pag-ibig. Si Janna na lang po ang natitirang nag-iisang magandang bagay sa lahat ng mga nangyari. Kung pati siya po ay mawawala, isama N'yo na ako. Parang awa N'yo na. Isama N'yo na ako.

In A Town We Both Call HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon