"Suri, pano kung hindi kita niloko? Magiging tayo pa kaya hanggang ngayon?"

Tanong ni Jisung. Napalingon ako sa kanya. Hindi ko inaasahan ang tanong na yun. He looked at me. Nagtama ang mga mata namin.

"Bakit mo naman natanong ang bagay na yan?"

"Wala lang. I'm just wondering."

Tumingin ako sa harapan.

"Ewan ko. Siguro."

Sagot ko. Nanaig ulit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang lamig ng hangin, singlamig ng nararamdaman ko ngayon.

"Suri, kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang nakaraan. Ano ang babaguhin mo?"

Ani ni Jisung. Natawa ako sa tanong niya.

"Baguhin? May dapat ba akong baguhin? Kung meron man, siguro hindi ko pinapasok sa buhay ko yung mga taong nanakit sa akin ng sobra."

Sabi ko. Pero napa-isip ako. Kung ginawa ko yun sigurado akong di ko na makikilala si Soobin. Siguro hindi na kami hahantong sa sitwasyon na'to.

"So ibig sabihin, nagsisisi kang naging tayo?"

Napatingin ako kay Jisung.

"Nae."

Sagot ko sa kanya. Tumango siya bilang tanda na naiintindihan niya yung sinabi ko.

"Sa bagay, magsisisi ka talaga sa gagong katulad ko. Pero alam mo ba kung ano yung pinagsisisihan ko?"

Bahagyang kumunot ang noo ko.

"Ano?"

"Nagsisisi akong niloko kita..."

Ani niya. Hindi ako maka-imik. Wae? Anong ibig niyang sabihin? Maybe it's all about conscience. Nakonsensya siguro siya kaya siya nagsisisi.

"Bakit? Nakonsensya ka ba sa lahat ng ginawa mo sakin?"

"Ani. Na-realize ko lang kung gaano importante yung sinayang ko para lang sa walang kwentang bagay. You know what, nung naghiwalay tayo dun ko nakita yung halaga mo. You are so good to me but look what I did, I broke your heart into pieces."

"Teka, bakit mo ba sinasabi lahat ng ito sakin?"

"Gusto ko lang maging kaibigan mo. I know we can't bring what we are used to be but I'm hopeful that atleast we can build a friendship. I just want to be your friend Suri."

Tumingin ako sa mga mata ni Jisung. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. I gave him a smile.

"Sure, why not?"

Ngumiti siya ng malapad.

"Walang bawian yan ha?"

"May magagawa pa ba ako?"

Nagtawanan kaming dalawa. Pagkatapos ng ilang taon, ngayon lang kami nagkausap ni Jisung ng ganito. After all, siya pa rin pala yung Jisung na nakilala ko nung High School.

----------------------------

"Grabe ka! Hindi nga ako yung umubos nung japchae sa school festival natin dati! Si Minju nga yun."

Pagtatanggol ko sa sarili ko. Tinawanan lang ako ni Jisung.

"Sus! Maniwala sayo, eh ang takaw takaw mo nga eh! Sa tuwing nagdi-date tayo dati palaging ubos yung pera ko sayo."

"Oi ang sama! Kasalanan mo yun bakit naman kasi masasarap na pagkain yung in-order mo. Ayan tuloy, di ko mapigilang umorder ulit."

Nagtawanan kaming dalawa. Papauwi na kami. Hatinggabi na rin kasi. Agad nawala ang ngiti sa mukha ko nung makita ko ang isang pamilyar na lalaki sa harap ng gate ng bahay namin. Nakatingin siya sa amin ni Jisung.

His eyes were puffy and red. Halatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. Ang cold ng tingin niya lalo na sa akin. His face is emotionless tapos ang gulo pa ng buhok niya.

Dali-dali akong naglakad papalapit sa kanya.

"Soobin, kanina ka pa dito? Bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?"

Sunod-sunod na tanong ko kay Soobin. Hindi niya ako sinagot at sa halip ay tumingin siya kay Jisung. Napatingin naman si Jisung sakin.

"I'll have to go, bye Suri."

Paalam nito tapos nagsimula na siyang maglakad papunta sa bahay nila. Agad namang pumasok si Soobin sa gate kaya sinundan ko siya.

"Soobin, gwaenchanha (are you okay)?"

Tanong ko sa kanya pero hindi siya umimik. Binilisan ko ang paglakad at inunahan siya. Huminto ako sa harapan niya.

"Hindi mo ba talaga ako sasagutin?"

Kalmado kong sabi. Tinignan niya ako sa mata. His eyes are still emotionless. Hindi ko alam pero iba yung aura niya ngayon. I haven't seen this before.

"I'm tired."

Cold niyang sabi at nilagpasan ako. Pumasok siya sa bahay namin. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Hindi ko na siya kukulitin pa, baka mairita lang siya sa akin.

Pumasok na rin ako sa bahay. Wala siya sa sala at kusina. Dumiretso ako sa kwarto ko. I saw him lying on my bed sheet. Di man lang niya hinubad yung sapatos.

Lumapit sa kanya. Nakapikit na ang mga mata niya. Hinubad ko yung sapatos niya at inayos ang pagkapwesto ng unan. Kinumutan ko siya.

Nakatitig lang ako sa mukha niya. He looks exhausted. I brushed his hair at hinalikan siya sa noo. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.

"Mahal kita, tandaan mo yan."









Second Best 「 Choi Soobin 」✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt