Kabanata 25

3.2K 143 13
                                    

Kabanata 25

Bold and Fierce 


 Simula noon ay nanatili lang si Joe sa bahay at binabantayan ang kapatid. Tinuturuan din niya itong magsulat at magbasa. Nag-improve naman kahit papaano ang communication skill ng kapatid. Masasabi na nito kung ano ang gusto gamit ang putol-putol na salita. Mahirap lang minsan kapag nagtantrums na ito. 

Nagtanong ang Ate Dayang niya kung bakit siya biglang nawala. Mabuti at naniwala naman ito sa alibi niya. Hindi na niya sinubukang lumayo man lang sa bahay. Natatakot siyang magkasalubong sila ni Lucas. Sariwa pa sa alaala niya ang mga nangyari noong nakaraang linggo. 

"Yanyan, oras na para maligo." 

Lumapit siya sa kapatid na nagdadrawing ng kahit ano sa papel. Bahagya itong lumingon sa kanya at nag-iwas kaagad ng tingin. 

"Ilog," sagot nito sabay turo sa direksiyon kung saan may ilog. 

Isa sa mga gusto nitong puntahan ay ang ilog. Sampung minuto lang ang lakaran mula sa kanilang bahay. 

"Sige, sa ilog tayo," ngiting payag niya at masayang pumalakpak ang kapatid. 

Tumayo ito mula sa sahig at mabilis na lumabas ng bahay. Huminto ito sa may bench kung saan nakalagay ang sabonera at nauna nang maglakad. Kaagad naman niya itong sinundan. 

Pagkarating sa ilog ay dumiretso ang kapatid sa tubig. Safe ang ilog dahil hindi naman masyadong malalim. Hanggang tuhod lang ang tubig. 

May mga malalaking bato sa gilid kaya doon na siya umupo para bantayan ang kapatid. Ilang minuto pa ang lumipas nang sa di-kalayuan ay maririnig ang paparating na kabayo. 

Kinabahan si Joe habang tanaw ang kapatid. Napalingon si Yanyan sa direksiyon ng tunog at tinakpan ang mga tenga. Kaagad siyang umalis sa kinauupuan at tinakbo ang kapatid pero mas mabilis ito at tumakbo palayo. 

"Yanyan!" Pahabol na sigaw niya. 

Pinakaayaw kasi nito ang tunog ng kabayo. Huli niyang tanaw ay papunta ito sa kagubatan. Dahil may tubig at sa pagmamadali niya at nadulas siya. Kalahati ng katawan niya ay nalubog sa tubig. 

Pinilit niyang tumayo at napaigik nang sumakit ang kanyang bukong-bukong. Hindi na niya ininda ang sakit dahil mas importante ang kanyang kapatid. Maluha-luha niya itong sinundan sa kagubatan. 

"Yanyan!" Tawag niya sa pangalan nito. "Nasaan ka? Nandito na si Ate. Magpakita ka na!" 

Tahimik at walang sumagot. Mas tumindi ang kaba ni Joe. Lumandas na sa kanyang pisngi ang mga luha. 

"Yanyan!" Muli niyang tawag sa pangalan nito. "Magpakita ka na kay Ate," nagsusumamong sigaw niya habang paika-ikang naglalakad. 

Nasaan na kaya ang kapatid. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama rito. Sana hindi na lang niya pumayag na pumunta sila ng ilog. Hindi sana aabot sa ganito. 

"Yanyan!" Hagulhol na sigaw niya. 

Napalingon si Joe nang marinig ang papalapit na kabayo. Mas lalong mapapalayo si Yanyan kapag ganito. Ilang sandali pa ay tanaw na niya ang kabayo. Wala itong sakay at mukhang nakawala. Napakunot ang noo niya nang maalala ang kabayo. Mukhang ito ang dahilan nang pagkatumba niya noon sa mansiyon. 

Humina ang takbo ng kabayo hanggang sa naglakad na lamang ito. May nakita itong paboritong damo kaya huminto at kumain. Napamaang siya at galit na lumapit sa hayop. Nang makalapit ay nawala bigla ang galit niya. Napakaganda ng kabayo sa malapitan. Kung tutuusin, wala naman talaga itong kasalan. Napabuntong hininga si Joe. 

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Kde žijí příběhy. Začni objevovat