Kabanata 11

5.1K 221 16
                                    

Kabanata 11

Torn 



Lunes, maagang pumasok si Joe sa school. Kailangan pa kasi niyang i-orient ang kanyang mga kagrupo para may alam naman ang mga ito sa kung ano ang irereport nila. 

Pagdating ni Joe sa classroom ay naibsan ang kanyang kaba nang makitang nandon na lahat ang kanyang kagrupo. Apat sila sa isang grupo kaya binigyan niya ng topic ang bawat isa. 

"Rhea ikaw ang mauunang magreport. Tapos si Claire then si Joy at panghuli ako," aniya at binigay ang notes sa bawat topic. 

Sumang-ayon naman silang tatlo. 

"Wow! The best ka talaga Pres! Saan ka ba nagresearch?" tanong ni Claire. 

Ayaw niyang malaman ng mga ito kung saan siya nagresearch dahil baka ano pa ang isipin nila. Malikot masyado ang mga imahinasyon ng mga bruhang 'to.

"Basta! Ang importante ay may irereport tayo ngayon. Pag-aralan niyo muna yang mga notes na binigay ko para naman maganda ang kalalabasan ng report natin. Galingan niyo ha kundi ay malalagot kayo sa akin," banta niya. 

"Yes Pres!" sabay na sagot ng tatlo. 

Maganda naman ang kinalabasan ng kanilang report. Pauwi na siya ngayon dahil absent ang kanilang teacher sa last subject, which is Teaching Profession. Dumaan siya sa may parking area hoping na makita si Lucas. Isasauli kasi niya ang notebook. 

Pagdating niya sa parking lot ay wala na ang sasakyan nito. Napabuntong-hininga siya at umalis na. Paglabas niya ng gate ay muntik na niyang matapon ang dalang libro at notebook sa gulat. May letseng kotse kasi ang biglang bumusina. 

Inis na nilingon ni Joeang sasakyan at  nakitang kay Lucas pala iyon. Kahit nagpupuyos siya ng galit sa loob ay iniba niya ang expresyon sa mukha. Nakababa ang bintana ng kotse nito kaya kita niya ang gwapong mukha este estriktong mukha nito. Nginitian niya ito ng hilaw. Tinaasan naman siya ng kilay ng mokong. 

Akala niya ay umalis na ito. Saan kaya nagtago ang isang 'to?

"Isasauli ko sana ang notebook mo," sabi niya sabay pakita sa notebook. 

"Hop in," sa halip na sabi nito. 

Umiling siya. 

"Salamat na lang. Susunduin ko pa ang kapatid ko sa school," tanggi niya. 

Nagtext kasi ang Mama niya na siya muna ang magsusundo sa kapatid dahil may importante itong lakad. 

"Then, let's fetch him. Got a problem with that?" 

Mataman siya nitong tinitigan at gusto niyang kutusan ang sarili dahil bakit naaapektuhan siya sa mga titig nito? 

Tumikhim siya at inirapan si Lucas. Wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa sasakyan nito. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang ayos nito. 

The buttons of his black polo shirt were opened. Kadalasan kasi sa engineering department ay polo ang suot at may tatak na logo ng school nila. Sa education department ay kailangang magsuot ng uniform dahil hindi ka papasukin ng guard maliban nalang kung may activity ang school. 

His huge built made the space smaller. His arms seemed too strong. Kahit na mayaman ito ay alam niyang tumutulong ito sa hacienda. Maybe that's why you can sense roughness from him. There's nothing smooth about this man. Kahit ang mukha nito ay seryosong-seryoso.

Sa magazine o tv niya lamang nakikita ang ganitong klaseng tao. Sa itsura nito ay hindi mo aakalaing makikita mo ito sa ganitong klaseng lugar. Seemed like it was too good to be true. May mga gwapo rin naman sa school pero nangingibabaw talaga ang aura nito. 

His natural reddish lips were too tempting. His straight nose gave him a commanding presence and his eyes were too dark to fathom. 

Nabulabog ang pag-eexamin niya rito nang nagvibrate ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa bulsa at binasa ang text. Pinaaalahanan lang siya ng kanyang Mama sa pagsusundo kay Yanyan. Sinilid niya ito sa bag pagkatapos. 

Naalala ni Joe ang notebook. 

"Saan ko ito ilalagay?" tanong niya habang itinaas ang notebook. 

Bahagyang sumulyap sa kanya si Lucas at bumalik din ang atensiyon nito sa daan. 

"In my bag," tipid na sagot nito. 

Tumango siya at hinanap ang bag. Nasa backseat ang bag nito kaya tumagilid siya paharap dito at pilit na inabot ang bag. Pero hindi niya ito maabot kaya medyo umangat siya sa kinauupuan at bahagyang tumuwad.

Napangiti siya nang mahawakan ang bag but she got scolded by him. 

"Damn woman! I can almost see your panty," kastigo ni Lucas sa kanya sabay  hila nito sa beywang niya para makaupo siya ng maayos. 

Parang sinilaban siya ng apoy dahil sa init na nararamdaman niya dulot ng pagkahiya. Nagskirt kasi siya ngayon. 

"Kinuha ko lang 'yong bag mo. Kung makareact 'to tss..." inis na sabi niya para pagtakpan ang hiyang naramdaman. 

Binigyan lang siya ng masamang tingin ni Lucas. Nakaisip naman siya ng pilyang ideya. 

"You want my panty?" nakangising tanong niya. "I can give you one. Marami ako sa bahay," kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang kumakawalang tawa. Gusto niyang mainis naman ito. 

Nagtagis ng bagang si Lucas. He lazily diverted his hooded eyes on her from the road. 

"I want the one you are wearing right now," walang gatol na sabi nito sabay ngisi sa kanya. 

Tumaas yata lahat ng dugo niya sa katawan. Her cheeks flushed and burning. 

"Tsk, j-oke lang 'yon i-kaw naman," nauutal na sabi niya at pilit na tumawa. 

Baliw na talaga ang mokong na 'to. 

"I mean everything I said. Give it to me," seryosong sambit nito sabay lahad sa palad. 

Napanganga siya nang naglahad ito ng palad sa kanya. He's really crazy. 

"You're kidding right? You d-on't have to take it seriously," hindi mapakaniwalang sabi niya. 

"Sorry to disappoint you but I'm dead serious sweetheart."

Halos pangilabutan si Joe sa sinabi nito. Napalunok siya. Hindi alam kung ano ang gagawin. Napasinghap na lamang siya nang maramdaman ang kamay nito sa hita niya. His rough hand was gently caressing her thigh. 

Her stomach made a somersault. Nagsitayuan yata lahat ng balahibo niya sa katawan at nagsimula siyang makaramdam ng kakaibang init. Halos mapapikit siya. Damn! 

"Will you give it to me?" paos na hikayat nito. 

Ibibigay niya ba? She was torn. 

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Où les histoires vivent. Découvrez maintenant