Kabanata 14

5.4K 207 20
                                    

Kabanata 14

Call



Natulak ni Joe si Lucas nang marinig ang isang tikhim. Inayos niya ang sarili at sinulyapan ang bisita. Mas namula siya sa kahihiyan dahil si Lutian ang nakatayo sa kanilang harapan. Nakataas ang isang kilay nito habang nakangisi ng pauyam.

"What brings you here this early?" Inis na tanong ni Lucas.

"I'm here to give this," nakangising sambit ni Lutian sabay bigay sa isang brown envelope.

Pahablot na kinuha ni Lucas ang envelope.

"Ano pa ang hinihintay mo?" he shooed Lutian away. 

"Why? You don't want me here?" May himig tukso sa boses ni Lutian.

Kita ni Joe ang pagtiim ng bagang ni Lucas at tinapunan ng masamang tingin ang pinsan nito.

"Okay, okay! I gotta go. You two," ani Lutian at tinuro silang dalawa, "enjoy."

Umalis na si Lutian at naiwan silang dalawa na tila hindi alam ang gagawin. Umibis si Lucas sa duyan at nagsimulang maglakad pabalik sa cafe. Nanatili lang siyang nakatayo.

"Aren't you coming?" May bahid na inis na tanong nito ng hindi man lang siya nililingon.

Napanguso siya at nakaramdam din ng kunting inis dahil hindi niya alam kung bakit parang inis ang mokong sa kanya.

"Susunod na po Señorito!" Sarkastikong tugon ni Joe at padabog na sumunod dito.

Naabutan niya si Lucas na busy sa paghahanda ng kape. Tahimik niya lang itong pinagmasdan. After a couple of minutes ay isinalin na nito ng dahan-dahan ang kape sa dalawang mug. She didn't like coffee that much pero kung ito ang magtitimpla para sa kanya ay okay lang.

Lihim siyang napangiti at nangalumbaba sa counter. The aroma of the coffee was something that could stir your appetite for...

Mas lumapad ang ngiti niya dahil palapit si Lucas sa kanyang kinaroroonan dala ang dalawang mug.

"Hindi mo naman kailangang..." nabitin ang iba pa niyang sasabihin nang lumagpas ito sa kanya.

Unti-unting nawala ang ngiti ni Joe. Napakunot noo siya at sinundan ng tingin kung saan ito patungo. He gave the coffee to the old man who just came in.

Mukhang close ang dalawa base sa interaksiyon nila. Mukhang trabahador sa farm ang matanda dahil sa bihis nito.

Mas sumidhi ang inis niya at tinalikuran ang dalawa. Naghanap siya ng basahan para magpunas sa mga mesa. She needed some distractions. May nakita naman siyang malinis na basahan sa ilalim na parte ng counter.

Kinuha niya ito at nagsimulang magpunas sa mga mesa.

"Are you angry with the table?" Lucas asked out of nowhere.

Natigil si Joe sa pagpupunas. Hindi niya namamalayang medyo madiin ang pagkakapunas niya. She rolled her eyes even if he couldn't see her.

"Hindi po Señorito. Sinisiguro ko lang na malinis na malinis itong mesa," may diin na sambit niya.

"Suit yourself," he said then she saw the blue mug placed in front of her. "Drink that before starting your work," then he left.

Joe opened her mouth to say something but she couldn't find the right words to say. She sighed. Maybe he wasn't so bad after all. Kinagat niya ang labi para supilin ang nagbabadyang ngiti.

Habang lumilipas ang oras ay dumarami ang mga tao. Hindi lang kasi ito cafe pero restaurant na rin. You can even buy some Durian delicacies. Pansin niya na may kaya sa buhay ang mga kustomer. Naka-dekotse ang mga ito. Ang ibang kustomer bago umaalis ay bumibili ng mga produktong mula sa durian.

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Where stories live. Discover now