Kabanata 12

5.6K 227 30
                                    

Kabanata 12

Baliw


Pagdating ni Joe sa school na pinapasukan ng kapatid ay dumiresto siya sa classroom. Nasa dulong parte ng campus ang Special Education buildings.

Kilala na siya ng guard kaya madali siyang nakapasok. Halos kakilala na rin niya ang mga tao rito dahil kunti lang naman ang mga estudyante kumpara sa regular students. Nasa first floor ang classroom ng kapatid niya. Ang mas higher level ay nasa ikalawa at ikatlong palapag. The students were grouped according to their disabilities.

May mga magulang ng naghihintay sa labas para sunduin ang kanilang mga anak. Tumingin ang mga ito sa kanya kaya lumapit siya at nginitian ang mga ginang.

"Magandang hapon po," bati niya.

"Magandang hapon din Joe. Ikaw yata ang magsusundo sa kapatid mo," ani ni Manang Lourdes.

Classmate ni Yanyan ang anak nitong si June pero mas matanda ng dalawang taon ito.

"May gagawin po kasi si Mama kaya ako po ang susundo sa kapatid ko ngayon," sagot niya at tumingin sa loob ng classroom. Mukhang patapos na sila dahil nagsitayuan na ang mga bata para magdasal.

"Naku, ang swerte ni Nelsa sayo. Maganda ka at napakabuti mong anak," puri ni Lourdes kay Joe.

Namula si Joe sa sinabi ng ginang.

"Mas maswerte po ako na binigyan ako ng isang napakabuting Ina," nakangiting sambit niya.

After nilang mag-pray ay nagsilabasan ang mga bata pero hindi lumabas ang kapatid niya kaya pumasok siya sa classroom. Nadatnan niya itong may tinatapos na tracing ng mga alphabets.

"Good afternoon Mam," nakangiting bati ni Joe sa guro.

"Ikaw pala 'yan Joe. Naku itong kapatid mo ayaw pang umuwi. Tatapusin daw niya itong activity."

Napatingin silang dalawa kay Yanyan.

"Naku pasensiya na po kayo Mam," hinging paumanhin niya.

"Walang problema. Parte na ito ng isang pagiging guro. Bilib ako sa kapatid mo, talagang pursigidong matuto," masayang sabi nito.

Joe's heart was filled with joy. Kahit ganito ang kapatid niya ay mahal na mahal niya ito. Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang maging SpEd teacher. Gusto niyang makatulong sa ganitong klaseng mga bata.

People often discriminate them because of their disabilities. Little did they know that these kids are beyond that. Even if they are different but they are the most amazing person she knew. Like normal people, they have the right to live and enjoy life.

"Mabuti naman po. Hindi ba siya nagtantrums these days Mam?" nababahalang tanong niya.

"So far hindi naman. O siya maiwan muna kita Joe. May aasikasuhin lang ako sa computer lab."

"Sige po. Maglilinis po ako rito habang naghihintay kay Yanyan."

"Salamat Iha. Alis muna ako," pagpapaalam nito.

Pagkaalis ng guro ay nilapitan ni Joe ang kapatid. Tumabi siya sa upuan at mabilis na niyakap sabay halik sa buhok nito.

Nag-angat ng tingin ang kapatid niya at ngumiti ng matamis nang makita siya. Kahit walang eye contact ang mga batang may autism ay nakikinig naman ang mga ito.

"Galing ng kapatid ko," puri ni Joe sabay yakap dito na may gigil. Humagikhik naman ang kapatid niya. "Gusto mong tapusin 'yan bago tayo umuwi?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok nito.

Tumango si Yanyan. Isa sa mga typical difficulties sa ganitong klaseng disability ay oral communication deficiency. They find it hard to express their selves.  Regarding kay Yanyan, hindi pa masyadong nadevelop ang oral communication nito pero nakakaintindi naman ang kapatid niya.

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Where stories live. Discover now