Kabanata 15

5.6K 239 9
                                    

Kabanata 15

Stupid



May sakit parin ang Mama ni Joe kaya wala siyang nagawa kundi ang pumasok parin sa trabaho kinabukasan. 

Ayaw muna niyang makita si Lucas pero kailangan niyang pumunta sa farm. Maaga parin siyang pumasok at laking pasasalamat niya na wala pa ang sasakyan nito.

Pumunta siya sa likurang bahagi ng restaurant kung saan naroon ang duyan. Memories from yesterday suddenly flashed back. She sighed and  sat on the hammock.

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala paring dumating. Tiningnan niya ang suot na relo sa bisig. Malapit ng mag-aalasiyete.

Nabagot si Joe kaya umalis siya sa duyan at tinahak ang daan patungong farm. May iilan siyang nakitang trabahante. Talagang napakalawak ng farm. Mukhang hindi lang durian ang nandito kundi pati narin pinya at niyog. Pero majority sa farm ay ang durian.

May warehouse rin kung saan nakaimbak ang mga inaning mga prutas. Sa tabi ng warehouse ay may pagawaan ng produkto. Dito pinoproseso ang mga prutas.

At this age, it's a wonder how Lucas managed to run this farm. He sure is a good business man.

Napagod sa paglalakad si Joe kaya huminto muna siya. Lumapit sa kanya ang matandang lalaki na nakita niya kahapon.

"Magandang umaga po," bati niya.

"Bakit narito ka Iha? Sarado ngayon ang restaurant. Umalis si Sir eh."

"Ha? So wala pong trabaho ngayon?" Hindi niya alam pero medyo nadisappoint niya sa narinig.

Tumango ang matanda.

"Sige una na po ako. Salamat po sa impormasiyon."

Saan kaya nagpunta si Lucas? Baka nakipagdate? Well, she didn't care anyway. He can date any woman he wants.

Wala sa mood na umuwi siya ng bahay.  


Lutian has been watching Lucas since they started working this morning. He came here to help manage the harvesting. Weekends naman at wala siyang masyadong ginagawa. 

Madilim ang aura ng pinsan niya at napakaseryoso ng mukha. Hindi mo man lang mabiro. Kahit tanghalian na ay ayaw parin nitong tumigil. Nadadamay na ang mga trabahante dahil nahihiyang magpahinga at kumain ng tanghalian. 

"Manong Tinong tama na po muna 'yan at kumain na kayo. Pakisabi sa ibang kasamahan niyo," ani Lutian sabay tapik sa balikat ng matanda. 

"Nakakahiya naman po kay Senorito," nagkamot ng ulo si Tinong.

"Ako na ang bahala kay Lucas. Huwag po kayong mag-alala."

 "Sige po Sir. Salamat." 

Pagkaalis ni Tinong ay nilapitan ni Lutian si Lucas. 

"Lucas! Time for lunch," he called. 

Sinulyapan siya ni nito at bumalik sa trabaho. Nag-igting ang panga niya at hinablot ang braso ng pinsan. They were almost on the same height and stature so he managed to drag him somewhere. 

Umupo sila sa lilim ng punong Acacia. Buti nalang at nagpahanda siya ng pagkain. Ibinigay niya ang isang lunch box dito. 

"Eat up. Huwag kang magpapakagutom dahil sa babae," he smirked. 

Lutian glared at him but he just shook his head. Buti at kinuha naman nito ang pagkain. 

"Spill it," he said after eating almost half of his food. Nakatanaw lang siya sa kawalan. 

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon