Chapter Forty-Five

Start from the beginning
                                    

Saka ko lamang napansin na may mga pasa na ito sa mukha at nagdurugo ang gilid ng labi nito.

"Mahal mo ba siya?" He asked at nagulat naman ulit ako sa tanong niya.

"A-ano?" I stuttered.

"I asked if you love him." Pag-uulit nito, my eyes traveled to the knife that is know placed in front of Cameron's throat. "Dare to lie on me your highness or this man's throat will be slit." Pagbabanta nito.

"W-why does it matter to you?" I asked.

"Just answer the damn question!" He screamed all of the sudden and that made me flinch again.

Hindi naman ako nakapag-salita kaagad, tinignan ko ulit si Cameron and his eyes held an unknown emotion.

Kahit siya ay hinihintay ang sagot ko, talaga nga naman oh, mamatay na siya lahat-lahat yung sagot ko pa yung uunahin niya. 

"Are you going to answer or not? Cause I'm going to kill this man." He said at saka idinikit ang kutsilyo sa leeg ni Cameron at dahan-dahan na gumawa ng maliit na sugat duon.

"No please! I'll answer!" I said ng makita ang kirot sa mukha ni Cameron.

"Then...what is it?" He asked. "Hindi naman ganoon kahirap ang tanong ko your highness.." Dagdag niya.

I gulped at nagsimula namang mamuo ang mga luha sa mga mata ko hanggang sa sunod-sunod na tumulo iyon at dumaloy sa pisngi ko.

"After this, what will happen?" I asked.

"You will both die and we will make it look like an accident." He said at mas lalo naman akong naiyak dahil duon.

Patawad Thunycea..

"Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal, kahit na iniwan niya ako, hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya." I said in between my sobs.

The man hummed at saka inalis ang kutsilyo sa leeg ni Cameron at duon na lamang ako nakahinga ng maluwag.

Pero kaagad din namang nawala iyon ng maramdaman ang nguso ng baril sa sentido ko at nakita ko naman na may baril na nakatapat sa sentido ni Cameron.

"Any last words your highness?" Tanong ng lalaki.

"Ako, may sasabihin." Cameron said.

"Go ahead." Ani ng lalaki.

"Pinagsisisihan ko na iniwan kita Harriet, sana ipinaglaban kita pero inuna ko ang sarili ko. Napakawalang kwenta ko na tao." Cameron started. "Pero kahit na ganoon, nasa sayo lang ang puso ko. Kahit anong pilit na pag-iwas ko sa kahit anong bagay na nagpapa-alala sayo hindi ko magawa kasi...mahal na mahal kita." Dagdag nito.

I cried silently. Bakit ba kung kailan mamatay na ako saka ko lang mapapatawad ang isang to?

Siguro kasi ayokong magdala ng galit sa kung saan man ako mapupunta?

"Mahal na mahal din kita Cameron..." Sagot ko. He smiled, the sad one.

"See you in next life?" He asked and I nodded habang tuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

"See you in next life." I said.

Tinignan ko pa siya ng ilang segundo bago ipinikit ang mga mata ko, nakarinig naman ako ng pagkasa ng baril.

"It's a pleasure to meet you, your highness." Ani ng lalaki.

Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang kamatayan pero boses ang narinig ko imbes na putok ng baril.

"OKAY TAMA NA YAN NAGKA-AMINAN NA!" Ani ng isang boses, I opened my eyes at saka tinignan kung sino ang nagsalita and to my shock, it was Spade.

Bumukas naman ang ilaw and I saw Zaim behind Cameron, he smiled at me apologetically at kumunot naman ang noo ko sa mga nakita ko.

What is happening?

"Fuck you Zaim, sakit ng tagiliran ko." Pagre-reklamo ni Cameron.

Wait, what?

"Okay Harriet, before you--" Spade said pero naputol ang sasabihin niya sa biglaan kong pagsigaw.

"WHAT IS HAPPENING!?" I screamed.

Spade gulped at nagkatinginan naman ang tatlo bago tumingin sa akin, naramdaman ko naman na may nag-alis ng kadena sa wrist ko.

"Actually it was Spade's plan, nakisama lang ako." Ani ni Zaim.

"Hey! wala namang ganyanan!" Ani ni Spade.

Inalalayan naman akong makatayo ni Cameron pero kaagad na lumayo ako sa kanya, alam kong alam niya ang nangyayari.

"Nakaka-asar na kasi kayong dalawa eh, puro kay tinginan. Concern lang naman ako sa inyo kasi pareho niyong pinipigilan yang mga nararamdaman niyo na di naman dapat" Spade explained.

"So yun ang dahilan mo para ipa-kidnap ako?" I asked.

"Parang ganun na nga." He answered at saka napakamot sa likod ng batok niya.

Sumigid naman ulit ang kirot sa ulo ko at nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo, I gritted my teeth at saka tumingin sa tatlong lalaki na naghihintay ng sagot ko.

"We will have to talk about this later.." Nanghihinang sabi ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Huli ko na lamang narinig ang pagsigaw nilang tatlo ng pangalan ko.




Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

picture of our 'singkit' sa itaas! 👆👆

His Series #3: Cameron RadcliffWhere stories live. Discover now