Chapter Forty

3.3K 71 0
                                    

HARRIET'S POV

Pabagsak naman na umupo ako sa sofa sa receiving area ng mansion, kakatapos ko lang makipag-usap sa mga nagra-rally na tao sa labas.

Anong ang ipinaglalaban nila?

Hindi ko daw kayang pamunuan ang bansa at kailangan ko na daw bumaba sa pwesto.

Alam ko naman na binayaran sila ng mga taong gusto talaga akong paalisin sa pwesto. Those cowards.

"Cancel all my appointments today, I want to rest." Utos ko kay Vincent bago tumayo sa kinauupuan ko. "I'll be in my room, don't disturb me." Dagdag ko at saka umakyat sa grand staircase papunta sa kwarto ko.

Nakasalubong ko naman si Serein habang naglalakad ako sa hallway, nang makita niya ako ay kaagad na nag-bow siya bilang pagbibigay galang.

"Serein, bring me a red wine." Utos ko.

"But your highness..." She said, tumaas naman ang kilay ko kaya natahimik siya duon at saka nag-bow ulit.

Iniwanan ko naman siya duon at saka dumiretso na sa kwarto ko, nang makarating na ako sa kwarto ko ay kaagad na humiga ako sa kama and I sighed heavily.

Naubos ang energy ko sa pakikipag-usap sa mga taong iyon, kung sila kaya nasa pwesto ko? panigurado ganito din ang mangyayari sa kanila.

What if hindi ako bumalik dito?

What if  hanggang ngayon nasa grupo pa rin ako?

Mangyayari kaya sa amin ni Cameron ang nangyari sa amin dito?

Wait. Paano napasok si Cameron dito aber?

Kahit pala anong gawin ko siya pa rin ang dinidikta ng puso ko.

Nakakatawang isipin na kahit iniwan na niya ako hindi nawala ang feelings ko sa kanya, sa kanya at sa kanya pa rin tumitibok ang puso ko.

May kumatok naman sa pinto ng kwarto ko, I muttered 'come in' at si Serein naman ang pumasok. Dala niya ang wine na pinadala ko

"Are you sure that you want to drink today your highness?" She asked nang mailapag niya ang tray na dala niya sa lamesa.

"Yep, today is really a tiring day. I deserve some treat right?" I asked at saka bumangon. "You may leave, thank you Serein." I said.

Nang makalabas na siya ay nagbihis muna ako bago nilapitan ang wine na dala niya, tinignan ko naman ang label at napangiti naman ako bago nagsalin sa baso.

I moaned when I tasted it. Damn, matagal na palang walang alcohol na dumadaloy sa katawan ko.

Naupo naman ako sa upuan na nanduon at saka itinaas ang paa sa katapat na upuan, I don't care if my actions are not-like-a-Queen-actions pero ngayong araw.

I will be just Harriet, not Queen Harriet.

Kinuha ko namang ang cellphone ko at saka nag-scroll through instagram, kasi yun lang ang social media account na meron ako.

Huminto naman ako ng makita ang picture ng Monarch, they are still on tour at may picture sila kasama ang audience nila.

At ang napansin ko na may space sa pagitan nila Selene at Iris.

Dahil sa pagtataka ay binasa ko ang mga comments at nagulat naman ako sa mga nakita ko.

Some of the comments says that the space is for me.

Nagulat naman ako ng may tumulong luha sa screen ng cellphone ko, kaagad na pinunasan ko iyon at saka kumurap-kurap.

Miss ko na yung dating ako.

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon