Chapter Twenty-Five

3.1K 76 0
                                    

HARRIET'S POV

Madilim na ang paligid, kapag ganitong oras ang mga bata ay pumapasok na sa loob ng kani-kanilang bahay.

Umuuwi na rin ang mga nagta-trabaho sa kani-kanilang pamilya at tahanan.

Pero ngayon, ang dilim ay isang hudyat sa amin na oras na.

Oras na para tapusin ang lahat.

Nagtago naman ako sa compartment ng golf cart na siyang idina-drive ni Zaim.

I'm wearing an all black outfit today, para makapag-camouflage ako sa dilim.

Naramdaman ko naman ang paghinto ng cart at mga boses na nagu-usap, I think it was Zaim talking into a guard at nagdadahilan ito na nawawala siya.

Mayamaya lang ay naramdaman ko na ulit ang pag-andar ng cart.

Ang plano, papasok ako sa loob ng kwarto ko kung saan nanduon si Cameron at ang nagbabalat-kayo na si Taylor.

Kung sakaling makatakas man ang copycat na iyon, nakapaligid na sa buong perimeter ang mga tauhan ni Zaim at ang ilang pinagkaka-
tiwalaang tauhan ni Cameron.

Kailangan matapos na ito ngayong gabi, saka ko na haharapin ang kapalit.

Mga ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ulit ang golfcart, narinig ko naman ang pagpatay ng makina nuon at mayamaya lang ay may kumatok sa compartment kung saan ako nanduon.

Bumukas iyon and I saw Zaim, tumango ito sa akin at inalalayan akong lumabas duon.

Tumingin ako sa paligid, nasa madilim na part kami ng palasyo, although may mga tao pero mga tauhan ni Zaim iyon at naka-alalay sa amin.

Umakyat naman ako sa bubungan ng golf cart at saka kumapit sa railings ng veranda ng sa 2nd floor at saka iniangat ang sarili ko hanggang sa makatapak ako sa veranda.

"Your highness!" Pabulong na sigaw ni Zaim, tumingin naman ako sa kanya. "The other veranda!" He whispered shout again.

Napakamot naman ako sa ulo ko, maling veranda pala ang napasok ko. I huffed at saka sumampa sa railings, tumalon naman ako at humawak sa railings ng kabilang veranda bago iniagat ang sarili ko hanggang sa makaapak ang mga paa ko duon.

My eyes widened ng dahan-dahan na bumukas iyon, sumandal naman ako sa pader at pinigilan ang paghinga ng lumabas ang fake na Harriet sa veranda.

Hinanap naman ng tingin ko si Zaim and good thing na nakapag-tago ito.

Kasi kung hindi, the plan was failed.

Mayamaya naman ay lumabas si Cameron, tumaas naman ang kilay ko ng mapatingin siya sa gawi ko, at dahil nakatalikod sa akin si Taylor kaya niyakap niya ito mula sa likod.

How sweet. Note the sarcasm.

"Babe, let's go inside. Its cold here." Paga-aya ni Cameron, pinigilan ko naman ang sarili ko na matawa.

Kasi una, ang endearment sa akin ni Cameron ay Girlfriend not babe.

Pangalawa, when we are together we are talking in Filipino not in English.

"Babe, how do you feel if I'll make you as my King?" Taylor asked, ha! sorry girl he's my king already.

"You asked it already right?" Cameron asked, saglit naman na natahimik si Taylor at mayamaya ay awkward na tumawa.

"I'm starting to forget things." She said while laughing, humarap naman siya kay Cameron kaya mas lalong sumiksik ako sa madilim na part ng veranda.

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon