Chapter Thirty-Four

3K 67 1
                                    

HARRIET'S POV

"Matagal-tagal na din simula noong makalabas ako ng bansa. Nakaka-miss din pala." I said and I took a sip on my juice.

"Buti na lang at pumayag ka sa imbitasyon ni Zaim." Spade said.

Nasa pool area kami ng hotel at kasalukuyan kaming nakahiga sa beach chair na nanduon, wala namang masyadong tao sa pool dahil panigurado yung iba sa beach nagpupunta.

"Nagbabalak ako na magbakasyon sa Pilipinas para bisitahin si Ate Jasmine, pero di naman matuloy-tuloy kasi may mga dumadating na leaders from the other country para makipag-meeting sa akin." I said at saka ipinikit ang mata ko. "Any interesting woman that caught your eyes?" I asked at narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

"Nah, nandyan ka na. You're enough." Banat nito, iminulat ko naman ang mata ko at tinignan siya na nasa katabing beach chair.

"Kikiligin na ba ako Dr. Spade Middleton?" I asked sarcastically.

"Pero seryoso, kahit sino pang babae ang itabi sayo ngayon. Ikaw pa rin ang pipiliin ko." He said and I chuckled.

"Sana all diba?" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Alam mo Harriet, isipin mo na lang na ang pangi-iwan sayo ni Cameron ay isang blessing in disguise." He said at tumaas naman ang kilay ko. "Bakit? Siyempre, kung hindi ka niya iniwan. Di mo makikilala ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. Siyempre ako yun." Pagyayabang nito.

"Whatever helps you sleep at night Spade." I said and rolled my eyes in the process, natawa naman siya sa sinabi ko at saka bumangon.

"Suportahan mo naman ako Harriet, ako ang mapapangasawa mo oh." He said at pagkasabi niya nuon ay biglang may nagbagsakan na mga baso. Pareho naman kaming napalingon kung saan iyon at nakita ko naman ang isang waiter na kinukuha ang mga bubog ng baso. "Saglit lang ah." Spade said at saka tumayo at pinuntahan ang waiter at tinulungan ito na magpulot ng mga malalaking bubog.

At smiled at his actions, tama talaga ang desisyon ko na pakasalan siya. He is really a good guy inside.

Tumingin naman ako sa lalaki na umupo sa katabing beach chair ni Spade, nakatalikod sya sa akin kaya hindi ko kita ang mukha niya.

Pero familiar kasi ang built niya, parang nakita ko na dati.

"So ang sinasabi ko...hey!" Tumingin naman ako kay Spade na umupo sa beach chair niya at dahil duon ay naharangan niya ang lalaki. "Nawala lang ako saglit sa ibang lalaki ka na nakatingin." Spade commented and I chuckled.

"On c'mon, ikaw na rin naman ang pakakasalan ko eh. Hayaan mo na ako." I said at saka umayos ng pagkakahiga at uminom ulit sa juice na inilapag ko sa gilid ko.

"Alam mo pasalamat ka at hindi pwedeng mag-topless sa bansa na to kundi.." Pagbabanta nito.

"Kundi ano?" I asked.

"Makikita mo na naman ang shining shimmering splendid ko na 8 pack abs." Pagyayabang nito and I rolled my eyes.

"Your hopeless Spade." I said at saka inilapag ulit ang juice na hawak ko. "Tara na, nabo-bored na ako." I said at saka bumangon.

"Saan mo gustong pumunta?" He asked.

"Bakit may magic carpet ka ba na lalabas kapag sinabi ko?" I asked sarcastically and he smirked.

"I can arrange that." He said, umiling-iling na lang ako at saka tumayo mula sa beach chair ko. Tinawag naman niya ako pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Harriet don't!" Spade said, napakunot naman ang noo ko at saka huminto at tinignan siya. His eyes widened habang nakatingin sa paa ko, tumingin naman ako duon and I saw blood.

I screeched ng bigla niya akong buhatin in bridal way.

"Sira ka ba? Alam mo naman na duon bumagsak yung mga baso kanina eh." Spade scolded.

"Di naman masakit." I said at saka ginalaw-galaw ang paa ko. "Kung di mo pa sinabi di ko rin makikita." Dagdag ko and he sighed.

"You're weird." He said at sa ibang daan naman siya dumaan habang buhat ako.

"Ibaba mo na ako, maliit na sugat lang naman to eh." I said.

"No, stay there and be quiet." Utos niya, sinabunutan ko naman ito and he groaned in pain. "I'm sorry! I'm wrong!" He screamed ng mas humigpit ang pagkakasabunot ko sa kanya.

I smirked in satisfaction bago pinakawalan ang buhok niya.

Nang makarating na kami sa kwarto ko ay dahan-dahan na inilapag niya ako sa sofa, umalis naman siya at pagkabalik niya ay may dala na itong first aid kit.

Sinimulan niyang gamutin ang paa ko at habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lang ako sa kanya.

"Staring is rude Harriet." He said and I chuckled.

"You know what Spade, you are right." I said.

"Right?" Pagtataka nito, I smiled at saka sumandal sa sofa.

"Yung sinabi mo na blessing in disguise ang pag-iwan niya sa akin." I said and I closed my eyes. "Tama talaga ang desisyon ko na ikaw ang pakasalan." Dagdag ko, he muttered something under his breath. "Ano yun?" I asked and he just gave me a tight smile at saka umiling.

"Alam mo, tama nga na ako ang pakasalan mo. Isipin mo na lang yung magiging hitsura ng magiging anak natin kapag nagsama yung mga genes natin." He commented, umayos naman ako ng upo at saka siya sinapok.

"Tama na okay? Wala pa sa isip ko ang magka-anak." I said at saka sumandal ulit sa sofa.

"Darating din ang time na kailangan mo ng tagapag-mana. Don't worry, I will be gentle Harriet." He said and wiggled his brows suggestively.

"Stop it, sisipain talaga kita." Pagbabanta ko sa kanya at natahimik naman siya duon. "Nga pala, bakit mo pinili ang OB-Gyne? I mean, marami namang ibang field diba?" I asked.

Sakto naman na tapos na siyang gamutin ang sugat ko, umupo siya sa carpet at saka tumingin sa akin. "Hindi ko pa pala naku-kwento sayo no?" He asked at saka iniligpit ang mga ginamit niya na bulak.

"Ang alin?" I asked.

Tumingin naman ito sa akin and he smiled. "Yung pamilya ng Papa ko, may paniniwala sila na malas ang kambal. Kaya noong mabuntis niya si Mama....sinubukan kami ipalaglag ng Lolo at Lola namin." He said and my eyes widened.

Sinong tao ang papatayin ang inosenteng bata dahil sa paniniwala? Are they nuts?

"Ahm no....let me rephrase that, binalak ako na ipalaglag para si Scorpio na lang ang mabuhay pero hindi pwede kasi kapag nawala ako, mamatay din si Scorpio." Dagdag niya, isinara naman niya ang lagayan ng first aid kit. "Kaya ang ginawa ni Mama, pineke nila ang death certificate ko." He said at kumunot naman ang noo ko.

"Wait, ibig sabihin..." I trailed off.

"Our real name is Stephen and Alexander, I am Alexander Middleton and yes. Patay na ako para sa lolo at lola ko." He said.

"Wow..." I commented.

"Kaya wag kang magtataka kung tatawagin nila si Scorpio na Stephen, cause that is his real name." He advised at saka tumayo na dala ang first aid kit. "And the rest is history, noong malaman ko yun inisip ko na gusto kong tulungan ang mga bata lalo na yung mga nasa sinapupunan pa lang." He said at tumango-tango naman ako.

"Aalis ka na?" I asked.

"May party pa tayong pupuntahan mamaya, maghahanap lang ako ng susuotin." He said at saka lumakad na papunta sa pinto. "Kita-kits na lang mamaya and goodluck." Dagdag nito bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

What does he mean by that?

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

His Series #3: Cameron RadcliffWhere stories live. Discover now