Chapter Forty-Five

4.1K 81 4
                                    

HARRIET'S POV

"Napuruhan ba siya?" Tanong ng isang boses, iniangat ko naman ang ulo ko at saka kumurap-kurap ng idilat ang mga mata ko.

"We make sure na kaunting dosage lang ang itinurok sa kanya." Sagot naman ng isa pang boses.

I groaned in pain ng sumigid ang kirot sa ulo ko.

"She's awake, let's start." Ani ng naunag boses na narinig ko.

"W-who are you?" I asked at saka tumingin sa paligid, sinubukan ko namang igalaw ang mga kamay at ko pero may bakal na naka-suot duon.

I was chained.

"How are you your highness?" Tanong ng lalaki na nasa harap ko, ang tanging naiilawan lang ay ang lower part ng katawan nito at hindi ko makita ang mukha niya.

"N-nasaan si Spade!?" I asked ng hindi siya makita sa paligid.

"Oh...nasa mabuting kamay na ang susunod na Hari." Ani nito na may halong sarkasamo, I pulled the chain at lumikha naman iyon ng ingay.

"SINO KA BA!? NASAAN SI SPADE!? PAKAWALAN MO AKO DITO NGAYON DIN!" I screamed habang sinusubukan na makawala sa kadena.

Pagtawa na lamang ang naging sagot ng lalaki na nasa harap ko, I glared at him at saka tumayo at sinubukang sugurin siya pero di ko nagawa.

"You really want to know who I am?" he asked, hindi naman ako sumagot at nanatilingi nakatingin lang ako sa kanya. "I'll take that as a yes." He said.

Lumapit ito sa akin pero kahit anong pilit ko ay hindi ko makita ang mukha niya.

"Isa ako sa mga tao na ipinaglalaban ang kagustuhan namin na mabago ang pamamahala sa bansa na ito. So technically speaking, we want to kill you." Ani ng lalaki na iyon at bahagyang nanlaki naman mga mata ko dahil sa gulat. "Shocking right?" He asked at saka lumakad pabalik sa dati niyang pwesto.

"If I were you your highness, hindi na ako susubok na makawala pa dito." He said at narinig ko naman na may hinila siya na upuan at umupo naman siya duon. "Ipasok na yan." Utos nito.

I flinched ng marahas na bumukas ang bakal na pinto, may dalawang tao na pumasok duon at may hila-hila sila na isang tao.

Nang makapasok na sila sa loob ay parang gamit lang na inihagis ang tao na hila-hila nila. My eyes widened ng maaninag kung sino ang taong iyon.

"Cameron.." I said, Cameron looked at me like he's saying that he is fine.

"Ang dakilang kabalyero ng Thunycea." ani ng lalaki at saka sinipa si Cameron sa tagiliran niya. "Bali-balita na may namagitan sa inyo, totoo ba yon?" He asked.

"Sino ka ba para sabihin ko sayo?" Pambabara ko sa kanya, he snickered at my response at saka tumayo.

Lumapit naman siya kay Cameron na nakahiga at saka sinipa ulit ang tigiliran niya. I screamed pero hindi niya pinakinggan iyon at saka itinuloy ang pambu-bugbog kay Cameron.

I closed my eyes, I'm really not into violence. Mahina ang puso ko sa mga ganoon.

"Tama na!" I screamed again.

"I believed that I asked you a question." Ani ng lalaki, I took a deep breath bago tumango. "I want a word." Utos nito.

"O-oo, n-nagka-relasyon kami." Sagot ko habang nakapikit pa rin. The man chuckled at my answer.

"Open your eyes your highness.." Utos ulit ng lalaki, sinunod ko naman iyon at tumingin sa kanila. He grabbed Cameron's hair at nagsalubong naman ang tingin namin. "I will kill this man in front of you if you didn't answer me honestly." Aniya.

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon