Chapter Fourteen

3.7K 80 4
                                    

HARRIET'S POV

I let out a sigh at saka sinimulang basahin ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. Kasalukuyang nandito ako sa may veranda ng mansion at nagpapa-hangin.

Naso-suffocate ako sa study room at saka masyadong tahimik, baka mabaliw ako bigla.

"Girlfriend." Nag-angat naman ako ng tingin sa nagsasalita and I saw Cameron, nakasilip ito and he's smiling like a kid.

"What do you want?" Pagtataray ko, hanggang ngayon kasi nabu-bwiset pa rin ako sa kanya.

"Sorry na." He said.

"Apology not accepted." I said at saka ibinalik ang tingin ko sa papel.

Nakarinig naman ako ng pagsara ng sliding door and my eyes widened at tumingin sa kanya, sinara nito ang sliding door bago umupo sa upuan na nasa harap ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" I asked.

"Magu-usap tayo." He declared at saka nangalumbaba sa lamesa.

"Busy ako." Sagot ko and he smiled.

"Yang papel na yan, naglalaman ng permiso kung pwedeng maglaan ng pondo para sa mga makinarya na gagamitin sa pagsasaka." He explained and tumaas naman ang kilay ko.

"Paano mo nalaman?" I asked.

"Sa akin dumadaan ang mga iyan bago ipasa sayo, sinasala ko kung ano ba ang importante sa hindi importante." He said.

Hindi naman ako nagsalita at saka tinatakan ang papel na iyon at inilagay sa isang tabi.

"Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?" He asked.

"Hindi." Sagot ko.

"I'm really sorry girlfriend." He apologised. I let out a sigh at saka ibinaba ang papel na kakakuha ko lang.

"Fine. Pwede ka ng umalis." Utos ko.

"Talaga? pinapatawad mo na ako?" He asked at tumango naman ako, he muttered yes bago tumingin sa akin ulit. "Date tayo?" He asked at kumunot naman ang noo ko.

"A what?" I asked.

"Date" He said.

"Nababaliw ka na ba? paano kung pag-usapan na naman tayo?" I asked.

"Ako ng bahala duon girlfriend. All I want is your presence, so ano? payag ka?" He asked and I let out a sigh again.

"Oo na sige na. Umalis ka na nga dito, hindi ako matapos-tapos dito eh" I said and he chuckled.

"As much as I want to kiss you girlfriend, masyadong risky. Nasa veranda pa man din tayo." He said.

"I know." I said. "Nga pala, si Zaim nasaan?" I asked ng bigla itong maalala.

"Girlfriend naman, ang ganda ng usapan natin bakit naipasok si Zaim dito?" He asked and his face suddenly darkened.

His Series #3: Cameron RadcliffWhere stories live. Discover now