Chapter Forty-Four

Começar do início
                                    

Pero kaagad naman na bumalik ako sa realidad at kaagad na tumayo at lumapit sa wedding gown na kasalukuyang inaalis na sa mannequin.

Nang maialis na iyon ay kaagad naman na isinuot sa akin iyon, bahagyang napangiti naman ako ng magkasya iyon. Buti na lang kasi kung hindi, talagang hassle pa.

Marami pa silang ipinasuot sa akin, gaya ng stockings, hair clips na may mga bulaklak at sapatos.

Huling-huli na ang korona ko bago tuluyang isinuot sa akin ang veil.

"It's done?" I asked and Serein nodded while smiling widely.

Sana nagagawa ko din yan.

Bumukas naman ulit ang pinto and this time, si Spade naman ang pumasok kasunod si Vince.

"Wow Harriet, is that you!?" He asked at bahagya naman na natawa ako duon. Saka ko lang napansin ang suot niya ngayon.

He is wearing what the kings are wearing, it consist of white longsleeve and red slacks at may pa-sash pa na red and white at may mga naka-pin sa long sleeve na suot niya.

"You look good." I commented and he smiled.

"Nakakapanibago, I'm wearing this instead of scrubs." He said at saka tinignan ang sarili niyang suot.

"Your highness, it's time." Ani ni Vince, nagkatinginan naman kami ni Spade bago niya inalok ang kamay niya.

I smiled at saka hinawakan iyon saka sabay na lumabas ng kwarto ko.

Nang makababa na kami ay kaagad na sinalubong kami ng mga guards at saka nag-bow sa amin.

At kasama duon si Cameron.

"Spade.." I said at saka huminto sa paglalakad.

"May problema ba?" He asked.

"I need to talk to someone, you can go to the car first." I said.

"Sure ka?" He asked, na-gets naman niya kaagad na si Cameron ang kakausapin ko. I nodded and gave his hand a light squeeze.

Kahit na nag-aalangan ay tumango din ito, kinusap naman niya si Cameron at ilang minuto lang ay kaming dalawa na lang ang naiwan duon.

I scanned his appearance, gaya kay Spade ay suot niya din kung ano ang suot ng mga knight.

"I'm sorry..." I whispered.

Parang noong mga nakaraang araw, iyon ang bukambibig niya at ngayon. Ako na ang nagsasabi ng mga salitang iyon.

"I should be the one who's saying that." He answered.

He took a step forward at saka hinawakan ang kamay ko and this time, hindi ako umaatras o binawi ang kamay ko. Hinayaan ko lang siya na hawakan iyon, kahit na sa huling pagkakataon.

"You know that I love you right?" He asked at tumango naman ako. "Kung ano ang desisyon mo...magiging masaya na lang ako para sayo kasi ganun naman ang pagmamahal diba? kahit masakit kailangan mo siyang palayain...."

Nanatiling nakatingin lang ako sa kanya at naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha mula sa mata ko. Pero kaagad naman na pinunasan niya iyon gamit ang hinlalaki niya.

"Di ka dapat umiyak, masisira ang make-up mo." Natatawang sabi nito pero kalaunan ay may tumulong luha sa mga mata niya. "Sayang...kung hindi lang kita iniwan...ako sana ang kasama mo at hindi si Spade." He said at saka kumurap-kurap at pinunasan ang luha niya.

"Oras na para palayain mo ako....Cameron..." I said repeating the last words he told me in the past.

Cameron nodded while still crying at saka dahan-dahan na binitiwan ang kamay ko. I took a step back at saka dahan-dahan na naglakad at iniwan siya duon.

Nang makasakay na ako sa kotse ay kaagad n inabutan ako ni Spade ng box ng tissue, kumuha naman ako ng ilan duon at saka pinunasan ang luha ko.

"Buti na lang at nag-ready ako niyan." Pagbibiro nito, hindi naman ako sumagot. Sa halip at napahikbi na lamang ako.

Spade sighed at saka isinara ang partition, hinawakan naman niya ang kamay ko kaya tumingin ako sa kanya.

"Sabihin mo lang kung aatras ka na..." He said.

Nanatiling nakatingin lang ako sa kanya bago nag-iwas ng tingin, it is freaking tempting.

"My country needs me Spade." I said at saka pinunasan ulit ang luha na namumuo sa mata ko. "Hindi sa lahat ng oras kailangan sarili lang ang isipin ko." Dagdag ko.

Saglit na nanahimik si Spade bago sumagot.

"Okay...kung yan ang gusto mo.." He said at saka sumandal sa kinauupuan niya at tumingin sa labas.

Mga ilang minuto ang lumipas nang biglang nag-preno si Vince, Spade put his arm infront of me para hindi ako mauntog sa likod ng upuan ni Vince.

Itinaas naman ni Spade ang partition pero bago pa siya makapag-tanong ay bumukas na ang pinto sa side niya and someone grabbed him.

"Spade!" I screamed. Nagpapasag naman ako ng maramdaman na may humawak din sa akin at pilit na inilalabas ako sa kotse.

Someone covered my nose at nakaramdam naman ako ng kaba.

Pinigilan ko naman na huminga pero kalaunan ay napasinghap ako ng makita kung paano pinukpok si Spade at nawalan ito ng malay.

Unti-unting namanhid ang buong katawan ko bago tuluyang nanghina at bumagsak, buti na lang at hawak pa rin ako ng nakahawak sa akin.

"Let's go, we don't have a time." Ani ng isang boses.

Tumingin naman ako sa nagsalita at kahit malabo ay naaninag ko ang isang babae na nakatingin sa akin.

Her built is so familiar.

"I'm sorry your highness.." Aniya at bahagyang kumunot naman ang noo ko.

What?



Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

His Series #3: Cameron RadcliffOnde histórias criam vida. Descubra agora