Chapter 15: Closer

Start from the beginning
                                    

"Hindi ba obvious? May mga bagay kasi na common sense lang ang paiiralin para masagot ang sariling tanong. Pag tinanong kita ng, Puno ba yan? (turo sa puno) hindi ka ba maasar?" pagtatanggol ng binata sa kanyang sarili. 

"Okey... Pasensya na, hindi ako kasing galing mo, hindi ako kasing talino mo." 

"Hindi sa talino yon Care, nasa common sense yon. Logic."  sabay mabigat na hagod nito sa ulo ni Caroline na parang pet dog lang. 

"Hmp! Sige na nga! So, anong klaseng alak to?" 

"Soju." 

"Eh pano niyo naipuslit toh dito?" 

"Secret. Mamaya gumaya ka pa! Mahuli pa ako." 

"Ang laking revelation pala ng gabing ito. Hindi ka lang pala monster, lasinggero ka rin pala." 

"Anong pinag-sasabi mong lasinggero? Don't tell me first time mong maka-tikim ng alak?" 

"Soju oo. Pero Empi, Matador, Generoso, etc... Hindi! Naalala ko pa nga dati sa middle school. Tumatakas kami ng mga tropa ko para lang mag-inuman." biglang natahimik at napa-ngiti lang si Caroline. Sabay inom. 

"Miss mo na sila?" Chronus. 

"Miss na miss! Gusto ko nga sana, makita nila itong school na to. Pangarap din nila kasi maka-pasok dito eh." 

"Eh bakit hindi sila mag try-out? Ikaw nga naka-pasok diba? Sa level ng utak mong yan. Sila pa kaya?" Pang aasar ni Chronus. 

"Aba! Anong tingin mo sa mga tropa ko... mga bo..." hindi na nakapag salita si Caroline ng biglang paakbay siyang hinatak  ng binata palapit. Mahigpit. 

"Shut up. Wag natin sirain ang gabi. Masyado kasi maganda para mag-away lang tayo." Hindi pa-utos ang tono ng boses ng binata kundi nakiki-usap. pa-simpleng tinignan ni Caroline ang kamay nito sa kanyang balikat, sinubukang itago ang kilig.


8:00am ng Sabado ngunit hindi talaga pinayagan ng Doctor si Caroline na umuwi sa kanilang bahay. Hindi maganda sa pakiramdam na makita ang ibang taong inaalagaan siya, hinahanda ang mga gamit niya, lalo na ang mga labahing damit. Hiyang-hiya ito sa mga tao sa kanyang paligid. 


"Ate Myrna, ako na po ang gagawa niyan. Pilay lang po ako, pero ang mga kamay ko, okay pang mag-trabaho. " 


"Jusko Caroline! Ikaw nga ay mag-pahinga parang sasampung plato lamang eh, kayang kaya ko na toh. Sige na! Para bukas maayos ka na. Kung gusto mo lumabas ka sa garden para maka-langhap ka ng masarap na hangin." Ate Myrna. 


"Sige po." 


Maya maya lang sa may fountain, may 3 magagarang kotse ang dumating. Sa hindi kalayuan ay lumalabas sina Zach, Werner, Hoven, Luna, Juliene at Jaymes. 


"Care! Hindi ka ba uuwi today?" Zach. 


"She needs to rest, dude. Actually mas okay sa recovery niya kung mag- stay siya dito, right Care?" Hoven. Lumapit ito kay Caroline at niyakap.


"I'll miss you." bulong nito. ngumiti ito at hinalikan siya sa pisngi. At tumakbo papasok ng sasakyan. 


"Friend!!!" sigaw ng babaeng palapit. 


"Becks!" namutla ito. Nakita kaya niya? 


"Grabe! Nakita ko yun! Don't tell me may gusto siya sayo!" masama ang tingin ni Becky sa kanya. 


"Ay... nako hindi noh! Parang di mo naman kilala yung kababata mo!"


"Inggit ako. Sana ako din. Kaya lang hindi niya talaga ako type eh. Lahat yata ng girls, nilalambing niya. Ako lang ang hindi." reklamo nito. 


"Kung alam mo lang." pabulong na sambit ni Caroline. 


"Anu yon?" 


"Huh? Alin?" 


"May sinabi ka ba?"


"Meron ba?" 


"Hay nako friend! Ewan ko sayo! Magpahinga kang mabuti ha? I'll see you on Monday! I love you!"bumeso ito sa kaibigan at pumunta na sa kanyang kotse na kaka-dating lang. 


Wala na ang mga estudyante.  Parang wala namang pag-kakaiba ang katahimikan ngayon, kesa pag-may pasok. Hawak ang libro. Umupo siya sa garden bench at nag-simulang mag-basa.

Meeting Mr. GiftedWhere stories live. Discover now