Kabanata 19 - Home

22.2K 478 15
                                    

Kabanata 19

Home


"Wow! Dito po kayo nakatira?"

Manghang-mangha si Star sa ganda ng tanawin ng BF Island habang papalapit ang sinasakyan nilang speed boat sa isla. Napangiti si Samuel habang buhat-buhat nya sa kanyang bisig ito.

Masayang-masaya sya at excited sya na ipakita sa pamilya nya ang anak nila ni Catherine. Tiyak na matutuwa ang mga iyon dahil kasama na nya ang dalawa.

"Oo, dito ako nakatira, at lahat ng nakikita mo ay pagmamay-ari natin, Anak."

"Ang ganda po, mas maganda pa po sa isla camiguin."

Tumingin ito sa tubig kaya hinawakan nya ito sa dibdib at napangiti sya dahil tuwang-tuwa ito.

Napatingin sya kay Catherine na nakatayo sa tabi nila habang tahimik na nakatingin sa isla. Palagi itong tahimik at minsan ay nangangamba sya na baka mag-iba ang isip nito na sumama, pero hindi naman nag-iba ang isip nito. Talagang tahimik ito mula ng umalis sila sa hospital.

"Are you okay?" tanong nya.

Napalingon ito at tumango. Tumingin muli ito sa isla na ilang sandali nalang ay nandoon na sila.

"Sabihin mo nga sa akin ang lahat ng nangyari mula ng mawala ako."

Natigilan sya sa sinabi nito at napatitig sya rito. Inayos nya ng pagkakakilik si Star at sumandal sya sa riles.

"Mula ng mawala ka ay wala na ring kabuhay-buhay si Tito. Babad sa work at minsan ay nagpapakalasing sya kaya minsan ay napapabayaan nya si Zach."

"Ano pa?" tanong nito sa mababang boses. Tumingin sya rito dahil nag-aalangan syang sabihin at baka atakihin ito ng pagsakit ng ulo nito.

"Catherine--"

"Gusto kong malaman. Kaya kong tanggapin kahit masakit."

Napahinga sya ng malalim at binaba si Star. Humarap sya kay Catherine at hinarap nya ito sa kanya habang nakahawak sya sa magkabilang balikat nito.

"Si Tita Manilyn; your mom, wala na sya."

Nakita nya ang pagpikit nito at tumalikod ito sa kanya kaya naalis ang pagkakahawak nya sa balikat nito. Niyakap nya ito mula sa likod at doon ay nalaman nya na umiiyak ito.

"It's my fault?"

"No, it's not your fault. Si Nesya ang may kasalanan. Sya ang naglagay ng lason sa gatas na tinimpla mo. At sya rin ang dahilan kaya ka kinain ng dagat. Hindi ka nya sinagip at wala man lang syang balak na sabihin na nalulunod ka na pala sa dagat."

Mas lalo itong napaiyak kaya mas niyakap nya ito.

"I want to see her! I want to faced that bitch!"

Pinakalma nya ito at hinarap sa kanya. Hinawakan nya ito sa mukha at pinahiran ang luha.

"Wag na dahil baka sumama lang ang lagay mo. Nasa kulungan na sya at kailanman ay hindi na makakalaya."

Napabuntong-hininga ito at napayuko. Napahinga sya ng malalim at hinawi ang buhok nito upang iipit sa tenga nito.

"Sir, we're here."

Napatingin sya sa isa sa tauhan ng dad nya na syang kasama nya patungo sa isla ng camiguin kasama pa ang isang tauhan.

Tumingin sya sa paligid at doon nya lang nakita na nasa pangpang na sila.

"Let's go." aya nya kay Catherine na tumango sa kanya.

Binuhat nya si Star at nauna silang bumaba mag-ama. Binaba muna nya si Star sa buhangin at inalalayan si Catherine sa pagbaba.

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now